[His]

107 11 0
                                    

First Love.

Elementary pa lang schoolmates na kami. Nung mga panahong iyon ay gusto ko na siya.


Hindi niya ako napapansin habang ako pasimple siyang tinitignan sa malayo. Ang ganda niya talaga kahit saang anggulo mo tignan.


Napag-desisyunan kong sumali sa basketball team dahil tutal may background naman ako sa basketball dahil alam ko sa ganoong paraan mapapansin niya na ako.


Nung try-outs ay nakita kong nanonood siya. Ginalingan ko talaga. Nagpakitang gilas ako para makapasok at para sa kanya.


Ang saya ko ng malamang nakapasa ako pero mas sumaya ako ng makitang nakangiti siya at nakatingin sa akin.


After that, I always saw her staring at me, from afar. If only. If only I could confess my feelings to her.


One day, we're on the library, I caught her staring at me for almost a minute.


Nakita niya ata na nakatingin din ako sa kanya. Nataranta ata siya kaya kumuha siya ng libro at pinang-takip niya ito ng mukha ngunit naka-baliktad ito.


Natawa ako dahil sa kanya. Nakita kong nakita niya akong tinatawanan siya. Bigla siyang nahiya.


Ang cute niya. I hope she likes me too 'cause I gone insane just because of her smile. Nakakabaliw.


Nagkaroon ng game laban sa kabilang school. Nakita kong nanonood siya.


"Go Torres!" 


Napalingon ako kung saan nanggagaling ang boses. Nakita kong nanonood siya kasama ang kaibigan niya. Nadismaya ako dahil inakala kong siya ang nag-cheer para sa akin ngunit ang kaibigan niya pala ito.


Nanalo kami laban sa kabilang team. Ginalingan ko talaga para mapansin niya na talaga ako. Hindi man ngayon, maghihintay ako.


Hanggang ngayon, ninanais ko pa ring mapansin mo. Ayaw kong bigyan ng kahulugan ang pagtitig niya sa akin. I don't want to let myself assume. 


Nagkaroon kami ng practice para sa upcoming Intramurals. Nakaupo kami sa bench ng nakita kong papalapit sila sa amin. Umupo kayo sa bench na malapit sa amin. 


"Uy Daryl gusto ka daw makatabi ni Misha." Sumigaw ang babaeng nagngangalang Anne ata na isa sa kaibigan ni Misha.


"Crush ka kasi niya." Sabat ng isa pa niyang kaibigan.


Tila nabingi ako sa mga pinagsasasabi nila. Hindi ako makapaniwala. Nakita kitang nakatungo lang doon at hindi na lang umiimik. Nagulat ako ng naramdaman kong may tumutulak sa likod ko papalapit sa kinauupuan nila. Team-mates ko pala ang mga ito.


Pinaupo nila ako sa tabi niya. Katulad mo ay hindi rin ako umiimik dahil baka kung ano pa ang masabi ko. Hindi ko alam ang nangyari at tumayo ako para umalis. Narinig kong napa-"Aww" sila. 

First Love. [Hers | His]Where stories live. Discover now