P R O L O G U E;

70.8K 1.9K 301
                                    

SPG: SEXUAL.

Tweet your thoughts using hashtag, #TVSHikariWP

Kinakabahan akong nakatayo sa harap ng kanyang pintuan. Nanginginig ang aking kamay at ramdam ko rin ang panginginig ng aking binti na animo'y gusto ng bumigay. Ang malakas na kabog ng aking dibdib ang siyang bumibingi sa aking taynga. This is it, Zane. Makakaya mo ba? Mali. Dapat ay kayanin mo 'yan.

"Come..." Rinig ko ang malamig na boses nito mula sa loob ng kanyang kuwarto dulot na 'rin ng kaunting siwang noon na animo'y sinadyang hindi isara. Napalunok ako, sa takot at sa nerbyos na aking nararamdaman, at mas lalo kong naramdaman ang kaba sa aking dibdib.

Kinakabahan akong humakbang at itinulak ang pintuan upang ito'y bumukas. Sumalubong sa akin ang halimuyak mula sa napakabangong amoy na rosas sa buong silid. Tuluyan kong binuksan ang pinto upang ako'y pumasok. Kung wala lang ako sa sitwasyong ito ay baka tuluyan na akong namangha sa aking nakikita.

May mga petals ng rosas na nakasabog sa sahig, na siyang nagpabango ng amoy dito, at sa tulong na 'rin ng mga may amoy na kandila na kulay pula sa aming kapaligiran na nagsisilbing ilaw sa madilim na kwartong ito.

Biglaang humangin ng malakas na dahilan upang mamatay ang ibang apoy sa kandila na syang nagpadilim lalo sa buong kuwarto, kasabay noon ay ang pagsara ng pintuan sa aking likod at ang pagkarinig ng lock mula rito. Gawa niya. Napayakap ako sa aking sarili sa lamig, at napahigpit ang kapit ko sa manipis na roba na tumatakip sa aking katawan. Mula sa aking harapan, kitang kita ko siya.

Nakaupo siya sa malatrono nitong upuan na napalilibutan ng mga petals ng rosas na animo'y kanina pa ako hinihintay. Para siyang isang hari na naghihintay ng regalong ibibigay sa kanya. Mali... isa nga pala talaga siyang hari. Ang haring bumihag sa akin. Napalunok ako sa kaba at pinasadahan ito ng tingin.

Nakabukas ang tatlong butones ng long sleeve polo shirt na kulay puti nito na dahilan upang sumilip ang matipunong dibdib niya na sadyang nakakaakit, ngunit sa ngayon ay purong takot at kaba lamang ang aking nararamdaman.

Nakatitig ng mariin sa akin na dahilan upang manginig lalo ang mga binti ko, habang nilalaro ng kanyang kamay ang kanyang inuming dugo na nakalagay sa wine glass at may naglalarong ngisi sa kanyang labi.

Malademonyong ngisi sa kanyang labi. Ngunit kabaligtaran ng kanyang walang emosyong mga mata.

"Move... closer," Napalunok ako. Yumuko ako at dahan dahang inihakbang ang nanginginig kong mga paa. Natatapakan ko ang mga petals ng rosas na dahilan upang mas lalong umamoy ang mga ito, tanging doon ko lamang itinuon ang aking atensyon. Kahit hindi ko siya nakikita ay ramdam na ramdam ko ang kanyang titig sa akin. Ang nanunuot nyang titig sa akin.

Sa totoo lamang ay hindi ko talaga alam ang dapat kong gawin ngayon. I don't know what to do to please him. I want to escape so I need to do this. I need to escape—

"You really want to escape, huh?" Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses nito. Ang malalim at napakalamig na boses na napakasarap pakinggan, ngunit sa pagkakataong ito'y sobrang nakakapagdala ng takot sa aking puso. His deep and cold voice that I once addicted, became the reason why I am so scared right now.

Napatingin ako sa kanya at napalunok sa takot dahil sa talim ng kanyang titig. "K-King..."

"If you want to escape, then please me. Satisfy me..." Tumigil ito, kasabay ng mas lalong pagdilim ng kanyang tingin sa akin. "Make me had enough of you, slave." Bulong nito habang mas lalong tumalim at dumiin ang kanyang titig sa akin, lalo na sa mga huling salitang kanyang sinabi.

The Vampire's Slave ✓Where stories live. Discover now