Chapter 1

18 0 0
                                    

Hmmmmm....
*unat unat*
Haaaaaa....
    Good morning universe!!!! ang ganda ng umaga ko hihihi :) panu ba naman napaniginipan ko si Dylan my labs >_<. May gusto raw sya sa akin at syempre sino ba naman ako para mag pabebe pa, edi pumayag ako at naging kami. Ikinasal kami at nagkaroon ng anak na kambal, boy at girl pa hihihi kaya ang saya-saya ko ngayong araw kaso hindi ko man lang napanigipan kung saan kami ng honeymoon :( pero okay lang basta kami ang nagkatuloyan at hindi yung haliparot na babae na ka- loveteam nya na parang nabagsakan ng semento yung ilong nya sa laki ng pakpak nito. Hahahaha ang mean ko talaga pero nagsasabi lang naman ako ng totoo, ewan ko ba kung bakit naging artista pa yon hindi naman maganda mas maganda naman ako doon noh! hmp.
Makababa na nga lang at ng makakain na ako.
Pagkatapos ko gawin ang ritual ko sa umaga pumunta na ako sa kusina at nandoon na sila mama at kuya.

"Lalalala....lalala....lalalala"

"Mukhang maganda ang gising ng anak ko ah."

"Hay nako ma, siguradong napaniginipan nya naman si Dylan na nire-rape nya  kaya ayan abot hanggang tenga yung ngiti nya"

"Hoy, hindi noh! hindi ko sya nire-rape. Inggit ka lang kasi kahit kailan hindi magiging kayo ni Liza Soberano! malayong mangyari yon boy!"
     Pano ko naman mapapanaginipan na nire-rape si Dylan e hindi ko nga napanagipan ung honeymoon namin hihihi ang lantod mo talaga Auztine at saka mangyayari naman yun balang araw kasi magiging asawa ko sya sa tamang panahon kaya hintay-hintay lang auztin.

"Hoy ka rin! at ano sa tingin mo kayo ang magkakatuloyan ni Dylan, in your dreams."
     Hay nako kuya, kong alam mo lang nangyari na kaya noh nagkaroon pa nga kami ng anak eh. hihihi (^_^)

"Tama na nga yan mga anak, ang mas mabuti pa kumain na tayo at baka ma-late pa kayo sa school niyo, magalit pa yong tatay nyo na si Coco Martin."
      Isa pa to si mama nananaginip ng gising, ("-_-) ambisyosa si inay buti na lang hindi ako nagmana sa kanya pheww...

Habang nasa jeep, heto nag de-daydream na naging kami ng isang gwapong artista, hot, sexy na may six pack abs at may boses na talagang mahuhulog ka sa kanya kasama narin panty mo hihihi syempre alam nyo na kung sino.

"Para po!" nasobrahan ata yung pagde-daydream ko at lagpas na ako sa school, hay naku! maglalakad patuloy ako.
Hindi pa pala ako nagpapakilala sa inyo.Okay here it goes ehem! ehem!

Hi! my name is Auztine Kathleen Valdez, A-U-Z-T-I-N-E with a Z and my Kathleen pronounce as Keytleen ang arte diba ewan ko ba sa nanay ko kung bakit ganyan pa. I'm 18 years old, matangkad, matangos ang ilong,kissable lips, shoulder length hair, morena, brown eyes at sabi nila maganda ako pero nahihiya ako pagsinasabi nila yon (pa- humble effect pagsinasabi nila yon (pa- humble effect kuno) (^_^)hahaha.

At ang lalaking papakasalan ko ay my one and only DYLAN FORD SEBASTIAN, diba pangalan palang nakaka-inlove na.Sya lang naman ang sikat na artista at singer half australian at filipino, matangkad,hot,sexy may six pack abs,matangos ang ilong,mapupulang labi, perfect shaped eyebrows,mahahabang pilikmata,manly jaw at higit sa lahat  may brown na mata na kapag tinignan mo ay mahi-hypnotize ka talaga in short isa syang "PERFECT" ang daya ni Lord lahat ata ng magandang katangian na sakanya hmp. Nang nagpaulan si Lord may dala atang malaking planggana iyon at nang nasalo niya lahat habang ako natutulog sa basement badtrip! (~_~)

Pagpasok ko sa main entrance haharapin ko nanaman ang pinaka-ayaw kong gawin, ito ay ang dumaan sa hallway na may mga estudyante na naka-upo sa mga blue bench sa gilid, nahihiya kasi ako feeling ko pinagtitinginan ng mga tao sa tangkad ko pa naman nito talagang kapansin-pansin na may dadaan na kapre sa harapan nila kaya tuwing dadaan ako laging pokerface at tinatatagan ang lakas ng loob na iharap ang mukha ko, nako-concious tuloy ako.
Pagdating sa 3rd floor diretso sa cr at nagbawas ng ininom at konting ayos narin, sa haba pa naman ng biyahe tignan ko lang kung hindi ako ma-hagard.
Excited na'ko na i-kwento ung panaginip ko sa mga kaibigan kong lukaret.

Your Ilusyonada FanWhere stories live. Discover now