Chapter 4

5 0 0
                                    

*Auztin Pov*

Ang ganda talaga ng bracelet na 'to siguradong mahal to hindi biro ang halaga nito dahil gawa ito sa gold, kung isangla ko na lang kaya para may pangbayad ako sa tuition. Pero bakit ganon tuwing hinahawakan ko tong bracelet may iba akong nararamdaman hindi ko ma-expalian parang sinasabi na ingatan ko, ewan hindi ko maintindihan epekto lang ata to ng kape. Peste kasi yung teacher namin sa Testing ang daming pinapagawa kaya araw-araw puyat ako, kape na ata ang dumadaloy sa katawan ko eh wala ng dugo.

Ano kaya ginagawa ngayon ni Dylan? Kumain na ba siya, nagpahinga na kaya siya o kaya iniisip niya ako? Aishh! ano ba yan auztin e hindi ka nga nakita at mas lalong hindi niya ako kilala bakit ba kasi hindi ako makagalaw nung time na yun, masyado ba akong na starstruck? Sayang talaga, sayang! sayang! lovelife na yun eh naging bato pa kainis!.

*tok tok*

"Anak may bisita ka nasa baba si Ethan"

"Baba na po" ano naman kailangan ng tukmol na ito nagninilaynilay ako dito e.

"Hi tin-tin!" (^_^)

"Oh! Ano ginagawa mo dito tukmol panira ka ng araw eh ang aga-aga binibwisut mo na ako"

"Hindi mo ba ako namiss, ang ganda nga ng umaga mo eh dahil nasilay mo ang napakagwapong mukha sa mundong ibabaw"

Ang hangin talaga ng tukmol na 'toh kahit kailan.

"Please lang 'wag kang magpatawa, bakit ka nga ba nandito?"

"Look what I've got" O_O  OMO! yung bagong album at magazine ba yun ni Dylan na may kasama pang signature?!

"Whuahhhhh!! thank you tan-tan ang bait mo talaga hindi ako nagsisi na ikaw ang forever bestfriend ko at ang gwapo mo pa kaya ang swerte ko" halos gusto ko na masuka sa mga pinagsasabi ko para lang makuha ko 'to alam kong mautak tong tukmol at tuso rin kaya alam kong may kapalit ito.

"Ikaw naman tin-tin alam ko naman yun hindi mo na kailangan sabihin" nag pogi sign pa ang tukmol.

Edi binabawi ko na joke lang naman yun e( -_- ) pasalamat ka kailangan ko talaga mga yan kundi kanina ko pa to nagulpi.

"Galing kasi to kay tita eh alam mo naman malakas ako dun kaya nakakuha ako, sabi ko para sayo"

Tita niya kasi isa sa mga kilalang manager ng mga celebrities kaya nakakakuha siya ng mga ganyan na mabilisan, pati mga merchandise pero wala naman siya pakialam doon kaya binibigay niya sa'kin at minsan mga gatherings ng mga artista niyaya siya ng tita pero ayaw niya matutulog na lang daw siya. Sayang yun kung ako iyon igagrab ko  na ung opportunity, hello mga artista kaya iyon.

Pero lahat ng binibigay niya sa'kin laging may kapalit, ang bait niya noh 'insert sarcasm here'

"Hayyy..... kilala kita Ethan ano na naman ang kapalit niyan"

"Magpanggap kang girlfriemd kita please"

"Ano?! Na naman! Tigilan mo na kasi yang pagiging playboy mo pati ako nadadamay sa mga kalokohan mo eh" nagpanggap na kasi akong girlfriend niyan dati dahil sobrang obssessed sa kanya nung babae, nakipagbreak na nga tong tukmol ayaw parin siya lubayan ng babae. Ewan ko ba kung ano ang nakikita ng mga babae sa kanya at nagkakandarapa at nababaliw sa kanya, may lahi ata tong mangkukulam.

"Please dali na, ayaw kasi akong tantanan ni Jessica. Isang araw lang naman eh"

"Ayoko kahit maglumpasay ka pa diyan wala akong pake! Buti nga sayo para madala ka" pero gusto ko yung album at magazine may signature pa kasing kasama e, ang mahal pa naman nun (╥_╥).

~~~~~~~~~~~~~

"Alam Mo na Ang gagawin mo tin-tin, okay. Kapag nandito siya hahaw-..." - Ethan

"Oo na! Kanina ka pa paulit-ulit eh. Pagdating niya hahawak Ako sa kamay Mo tapos lalambingin kita para mapaniwala siya na tayo nga talaga!!!!! Okay na ba ha? "

Ang kulit-kulit naman talaga kasi nitong kumag na 'to, hindi talaga tumigil hanggang hindi ako pumayag sa gusto niya. Hindi ko rin alam kung pano ako napunta dito. Nandito lang naman kami sa park kung saan papapuntahin niya si Jane? Jessy? O Jenny?... Ay Ewan ko run sa babae na yun, ang mahalaga makukuha ko ang magazine at album pagkatapos nito.

"Nasan na ba kasi yung babae, Ang tagal naman ata niya. Siguro ka bang may girlfriend ka na si Julia? baka gawa-gawa mo lang yun ha"

"At bakit ko naman gagawin yun.Kala mo ba  gusto kitang kasama ngayon? At tsaka Jessica ang pangalan niya hindi Julia"

"Pakialam ko run sa pangalan niya at  baka may gusto ka sa'kin kaya ginagawa mo 'to para maka-date mo ko noh! Hindi tayo talo!" Sa ganda ko pa naman, hindi malabong mangyari yun.

"Feelingera ka talaga, ang pangit-pangit mo at ang layo ng standards ko sayo. Ano gusto mong mangyari, Beauty and the Beast love team?"

"Hoy! Ang ganda ko kaya, at sineryoso mo talaga ang sinabi ko sayo. Kadiri ka talaga!"

"Manahimik ka na nga lang baka maabutan pa tayo ni Jessica na nagbabangayan, masira pa ang plano natin"

"Eh, ikaw ang nag-umpisa"

Habang nagtatalo kami ni Ethan napahinto na lang kami bigla ng may nagsalita sa likuran ko.

"Ethan? Babe I miss you" hinalikan pa sa pisngi si kumag. Yuck! sobrang kadiri.

"Jessica ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala na tayo, matagal na." Dumadrama na yung kumag tapos naman yung babae paiyak na, nakakaumay naman sila panoorin.

"Love, let's go" bigla na lang ako hinila ni kumag, Ang sakit nun ha, at love pa talaga ang tawag nakaksuka.

"Siya ba ang pinagpalit Mo sa'kin?"

"Obvious naman diba? Kaya pwede ba Jessica tigilan mo na ako, may bago na akong mahal" konti na lang talaga masusuka na ako sa mga pinagsasabi ng kumag na 'to. Pero nakakawa talaga yung girl, dito pa kasi nagkagusto sa tsonggo na 'to. Mali siya nang minahal.

"Hindi ko alam na bumaba na pala ang standards mo Ethan, pumapatol ka na pala sa unggoy. Hindi Ako naniniwala sayo, hindi ako titigil"
Tama ba yung narinig ko? Ako unggoy?! Gusto ata nito masampulan ah.

"Excuse me, ako unggoy? baka gusto mong manalamin nang makita mo ang tunay na unggoy. Kaya manahimik kang espasol ka kundi babangasan kita"Binabawi ko na naaawa ako sa kanya, ang lakas ng loob niya na sabihan akong unggoy, bakit ang daming bulag sa mundong ito. "Mauna na kami ng MAHAL mo na MAHAL ako dahil may date pa kami at ayoko masira lang yun dahil nakita ko yang pamumukha mo. Let's go Love" Mhwua with flying kiss pa. Kitang-kita ko yung pagkainis niya bwuhahaaaa, akala niya magpapatalo ako.

Nang makaalis na kami.

"Hahahahahahaha!!! Ikaw hahahaha!! Sabi niya hahahah"

Nabaliw na "tong kumag -_-

"Oo ang saya noh? May naintindihan ako sa sinabi mo. Grabe ang saya talaga *clap clap*"

"Hahahaha pano ba naman hahahaha sinabihan ka niyang unggoy, tignan mo pati sa kanya ganun ang tingin sayo hahahaha"

"Alam mo ang bait mo, thank you hah. Naipagtanggol mo nga ako sa kanya eh *insert sarcasm*"

"Ikaw naman hindi mabiro. Thank you tin-tin, salamat sa lahat"

- _ -

"Ito naman nagpasalamat na nga eh"

- _ -

"Thaaannnnkkkk youuuuu!!!"

- _ -

"Ililibre na lang kita, saan ba gusto mo kainin?"

- _ -

"Dali na sagot ko lahat kung saan pa yan.Gagawin ko pa lahat ng gusto mo"

"Okay, basta lahat ng gusto ko gagawin mo"

Your Ilusyonada FanWhere stories live. Discover now