Chapter Twenty Five

23.3K 866 120
                                    

Chapter Twenty Five

Sa dami ng trabaho ni Eisley, dalawa lang ang natira para makapagfocus siya sa business namin (naiinis siya pag sinasabi kong sa kanya lang 'yun). Mas hindi na siya pagod ngayon, pero syempre, pressured at stressed pa rin para sa opening ng business namin.

It's been weeks since nag present kami para mag convince ng mga investors. Eisley's former boss also invested. Sobrang laking tulong din ni Mommy Sexy. Tinutulungan niya kami with promotions. Ang dami rin niyang suggestions. Sobrang helpful talaga. 

May driver's license na ako kaya nakakapunta na ako kung saan ko gusto. At dahil may license na ako, ibig sabihin, marunong na talaga ako mag drive.

Kinwento rin ni ahia kila mama at papa yung ginawa namin ni Eisley. Dahil doon, mas may tiwala na sila sa akin. They said, I'm becoming more intelligent and responsible. They're proud of me. Malaki na raw talaga ako. 

As a reward, they let me drive alone, but of course, may curfew pa rin. 

"Hey," Nyle greets. Nasa studio ako, pero paalis na. Si Nyle naman, papasok pa lang. Nagkasalubong pa kami sa pintuan. "You leaving already?"

"Yeah," I reply. "Do you remember Bev? I was with her during the Lure Party. Susunduin ko siya ngayon. Food trip lang or I don't know. Basta bahala na. Are you busy? Do you want to come with us?" 

Ayoko lang ma-feel ni Bev na third wheel siya kaya inaya ko si Nyle. Bumalik na kasi sa Cebu si Sile, pero next week naman nandito na siya. Ngayon lang din kami may sabay ng free time ni Bev kaya we've decided to hang out.

May usapan din kasi kami na pag may license na ako, pagbibigyan na nila ako ni Eisley na i-pagdrive sila. Actually, hindi pa alam ni Eisley na kasama siya. I'll catch him off guard, so he can't say no. Na-trauma talaga siya noong nag driving lesson ako. 

Hah, I'll prove him wrong.

"Break ko nga kaya ako nandito." He laughs at his own statement. "Where are we going?" Simula noong binigyan niya ako ng advice, ngayon na lang ulit kami nagkita ni Nyle. Na-cucurious tuloy ako kung anong work niya. He looks like a legit artist, but he barely comes here.

"I don't know pa, eh. Saan ba okay pumunta?" I ask. "May alam ka ba?"

He smirks. "Marami. Ako nang bahala."

Hindi naman pala siya mahirap ayain. Mukha siyang happy-go-lucky na kaladkarin. Kahit saan at kailan, basta available, game na game. May dadagdag na naman sa annoying list ni Eisley. Kasama na ako doon at mga kaibigan ko. Lahat kami, mahihilig gumala. Lahat kami, madadaldal. We're pains in his ass.

Pinasok muna ni Nyle mga gamit niya sa kotse niya bago siya sumakay sa sasakyan ko. Umupo siya sa harapan. Lilipat na lang daw siya pag may ibang tao na since ayaw niyang mag mukha akong driver. At least, he knows.

"Sure ka bang marunong kang mag drive?"

I sigh. Nilabas ko yung lisensya ko at pinakita sa kanya. "Hello? Malamang. Hirap talagang magtiwala ang mga tao nowadays. Puro trust issues."

"Baka naman gawa lang 'yan sa Quiapo?" he gives me a suspicious look. "O baka naman may connection ka sa LTO? For sure, meron. Mayaman ka, eh." 

I glare at him. "Minamaliit mo ba driving skills ko?"

"Hindi naman sa ganun, pero..." Tumawa siya. "Worried lang."

"Don't piss me off. Baka totoong i-bangga ko 'to sa sobrang BV." I groan.

Tinawanan niya lang ako at nag sorry. Hindi ko na siya pinansin at nagsimula nang mag drive. Una kong dinaanan sa bahay si Bev. Pagbukas na pagbukas niya ng pinto sa harap, mag gi-greet sana siya, pero natulala siya noong nakita niya si Nyle.

Have I Told You (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon