Chapter 5: Apologize

1 0 0
                                    


Anong nangyayari? Ayaw tumigil ng luha ko?

Dahan dahan siyang tumayo at nag lakad patungo sakin. Niyakap niya ko at paulit ulit na sinasabi ang SORRY.

Di ko alam kung bakit niya ginagawa ito ngayon naiinis ako naiinis ako kasi bumalik pa siya kung kailan natututunan ko ng kalimutan siya.

Sa sobrang inis ko ay pilit ko siyang inaalis sa pag kakayakap niya sa kin pilit ko siyang sinusuntok at tinutulak. Pero di ko kaya ang lakas niya kung pano ko siya ipag tabuyan ay ganun niya mas lalong hinihigpitan ang yakap niya.

"Ano ba yung sasabihin mo? P-para maka uwi n-nako mag g-gabi na kasisabi ko habang pinupunas ang luha ko.

"H-hindi ko intensyon na saktan ka, h-hindi ko lang talaga--"

"Hindi mo lang matiis na hindi mag jowa! Hindi mo lang din kayang tuparin ang promise mo na mag hi hintay ka kahit ilang taon pa yan! Okay na di mo na kailangang iexplaine pa kasi nakalimutan ko naman na eh at tanggap ko na din na iba ang mahal mo hindi ako at wag kang mag alala di nako mag aassume na babalik ka kaya okay na. *sniff* okay nanag okay sign pako para ipakita sakanya na okay na, na ayoko ng balikan lahat ng yon tsaka hindi naman kasi naging kami kaya di ko kailangan na mag drama ng ganon.

"A-alis na ko baka kasi mauna pa sakin sila mama di ako nag paalam takas lang ako! Oh tignan mo nag effort pako sayo sa lagay na yan haha!"

Tatayo na sana ako at mag lalakad pa layo sakanya nang bigla siyang nag salita

"P-pano pag sinabi ko na nag sisi ako na narealize ko na ikaw pala ang mahal ko na mali na ipinag palit kita sa iba"

"A-anong sinasabi mo haha nababaliw k-kana" sagot ko kasama ng isang pekeng ngiti.

Tumayo siya at lumapit sakin. Kukunin niya sana yung mga kamay ko pero inunahan ko na siya mabilis kong nilagay ito sa likod ko at tsaka siya nginitian. Yumuko siya saglit at may binigay sakin na envelope.

"B-basahin m-mo nalang p-pag ready kana"

"Mmm sige una nako" paalam ko.

"Teka h-hatid na kita" pag prisinta nito.

"Ah eh wag na nakakahiya naman"

"Hindi ahhmm babawi ako sayo"

"Sus di na kailangan tsaka nag hihintay sakin sila Thea dun sa mall nag pasama kasi siya samin kasi bibili daw siya ng libro. Thank you nalang bye!" Palusot ko tsaka mabilis na nag lakad palayo sakanya.

Pero di pako masyadong nakakalayo kaya narinig ko pa Yung sinabi niya na 'Ingat ka Cass sorry ulit'

Haysss!!!! Bakit ba ko na ko-konsensya? Tama naman yung ginawa ko diba? Wala namang mali dun pero bat ganito nararamdaman ko? Parang gusto ko siyang yakapin at balikan pero hindi *tapik sa noo*

"Uwi na Cass wag kang tanga" sabi ko sa sarili ko. At agad na pumara ng jeep.
-
-
-
-
-

Pag karating ko sa bahay ay wala na sila Thea nag text sila sakin na uuwi na daw sila kasi mag gagabi na kaya ako heto mag isa habang hinihintay sila mama.

Nag iisip ako ng gagawin ng bigla kong naalala na may binigay pala siyang sulat kanina. Basahin ko daw pag ready nako. Ready naba ako? Tingin ko ready nako.

Kinuha ko yung sulat sa bag ko at saglitan itong tinignan.

"Ano bang nakasulat sayo? Iiyak bako? Masasaktan bako? Hays! Sana naman hindi!" 

*inhale*

*Exhale*

Binuksan ko na ang sobre at..

"Ay! Ano ba yan brown out! Bat ngayon pa? Hindi ko pa ba pwedeng basahin to? Baka hindi pa kaya meralco na gumawa ng paraan para mapigilan ako. Teka! Nakausap ko lang siya ngayon nababaliw nako kinakausap ko na sarili ko! Ay ewan"

Kukunin ko sana ang cellphone ko para gawing flash light pero.

"Eh? Lowbat? Nakita mo lang siya Cass minalas kana. Nako naman!!!!" 

Binuksan ko nalang yung bintana para naman may liwanag na bumalot dito sa bahay.

"Wow! Ang daming stars"

Nag connect the stars nalang ako para maaliw ang sarili ko. Di naman kaya ng liwanag ng buwan para mabasa ko yung sulat bukas nalang.

Forgive Or Forget? Where stories live. Discover now