Chapter 6: Unknown

1 0 0
                                    

"Oh nasan na yung sulat?" Tanong ni thea habang titig na titig sila sakin.

"Nandito"

"Oh dali buksan muna!!!" Nilabas ko na yung sulat para sana basahin ng biglang

*kriiiiiinnnggg*

"Yan ang tagal mo kasing ilabas eh yan nag bell na" reklamo ni Thea na isa isang dimadampot yung mga libro.

"Eh? Ako ba may kasalanan? Tadhana na mismo gumagawa ng paraan para di ko mabasa to"

"Ay Ewan! Tara kain na tayo nagugutom na ko huhu" si El na hinihimas himas pa yung tiyan niya.

"Di kaba nag almusal?"

"Hindi"

"Ay diet ka te? Payat ka na nga nag dadiet kapa"

"Sama *pout*"

(Canteen)

"Ay te! Ang sweet naman pala may mga petals pang nalalaman masyadong romantic naman parang mag pro-propose lang?" Bulong ni Thea habang nag lalakad kami at tig iisang may hawak na tray.

"Omoo! Parang sa movies ko lang napapanuod yun Cass ang cool!" Bulong naman ni El.

"Ngayon alam niya na yung feeling na nag effort tas napunta lang sa wala" sagot ko sakanila pag kaupo namin.

"Kung sabagay parang wala ngang nangyari eh umalis ka din agad"

"Hmm Cash! Yung shelphone mo umilaw may nag teksh ata" sabi naman ni El ng punong puno ng sandwich sa bibig. Patay gutom pero payat.

Kinuha ko naman ang cellphone ko at tinignan kung sino.

"Unknown number? Thea kilala mo tong number na to?"

Umiling naman si Thea habang sumisipsip sa juice na hawak niya.

"Ikaw el?"

Umiling din ito bilang sagot.

"Basahin mo nga" utos ni Thea na agad ko namang sinunod.

"Wag kang mag papalipas ng gutom. Mag iingat ka lagi love you"

"Ay taray! May secret admirer ka te!"

"Ewan ko sainyo!"

"Tanong mo kung sino"

"Wala na binura ko na! Pag may ganun kasi akong natatanggap diretso bura na"

"Ay Grabe siya"

Pero bat ganun? Iba yung naramdaman ko nung nabasa ko yung text message? Parang pamilyar yung format ng text. Ay Ewan di ko na muna pag tutuunan ng pansin yan. Ayoko ng maistress.

"Hoooy! Hala Cass? Kanina pa kita tinatawag tuloy ba tayo mamaya sa SM?" Tanong ni Thea habang winiwave yung kamay niya sa mukha ko.

"Ah oo. Sensya na"

"Bat ka lutang??" Tanong ni El.

"Wala wala"

(At SM)

Nandito kami ngayon sa National Book Store para bumili ng kailangan namin sa Report para na din makagala hehe. Since kaming tatlo lang din naman yung mag kaka grupo di na kami mahihirapan magaling si Thea sa drawing , si El sa Lettering at ako sa designs kaya yon.

"Woah! Tignan niyo ang ganda ng plot ng story na to kaso wala akong pera pambili huhu" Si Thea habang hawak hawak ang isang pocket book.

"Tsaka na yan tara na sa counter"

"S-sige" malamyang sagot ni Thea.
-
-
-
-

Habang nag nag lalakad kami patungo sa food court ng biglang mahagilap ng mata ko yung station ng shawarma. Bigla nalang nag flash back sakin lahat. Agad ko nalang iniwas ang tingin ko para di nako mag emote.

Nag patuloy nalang ako sa pag lalakad hanggang sa makarating na kami sa food court

"Mga te kayo nalang umorder ng pag kain natin kayo ng bahala. Oh eto pera ko" utos ko sakanilang dalawa. Sakit na kasi ng paa ko kanina pa kami lakad ng lakad.

"Aye aye!"sigaw ni El.

Pag ka alis nila ay kinuha ko ang cellphone ko.

" may message" bulong ko

"Hey! Ingat ka lagi kung san ka man pupunta. I love you"

The heck di ko malaman kung sino to kasi unknown number. Eto din yung nag text sakin kanina?

Rereplyan ko ba siya? Iba kasi talaga ang nararamdaman ko pag nababasa ko 'to.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 24, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Forgive Or Forget? Where stories live. Discover now