Chapter II

17.7K 278 14
                                    

 "Di wow." Natatawang ibinato ni Lyra ang hawak na tablet. Parehas na parehas ang pangalan nila ng dalaga sa kwento. Mapait ang sumilay na ngiti sa kaniyang mga labi.
Naalala niya ang mga nangyari sa nakaraan. Mga pangyayaring bumago sa kaniyang tahimik na buhay.

Nabigla siya sa biglaang pagpasok ni Kryle sa kwarto niya.

"Bakit parang malungkot ang donya?"

"Huh? May naisip lang ako."

"Ayy! Meron ka pala non! Namech!"

Natawa siya sa winika nang kaniyang kaibigan. Si Kryle ang nag iisang taong nakakakilala sa kaniya. Ultimo sarili niyang mga magulang, hindi na siya kilala.

(Bago ang lahat ...
"Ako nga pala si Lyra Minerva. Masaya ako. HEP! Noon. Mula nang lokohin ako nang pinakamabait kong nobyo, binago ko ang sarili ko. Isa nako sa pinaka kilalang anak ni Lucifer ngayon. Bakit? Balikan natin ang ilang kabanata sa aking buhay... Medyo madami aa, wag kayo maimbyerna... mahirap para sakin ang mga pinagdaanan kong ito... kung alam niyo lang...)

====================F L A S H B A C K =========================

 Kagagaling lamang nang trabaho ni Lyra. Patakbo siyang umakyat sa kaniyang kwarto at tinawagan ang kaniyang kasintahan na si Mike.

"The surbscriber cannot be reach, please try your call again later."

"Ano ba 'yan... Busy nanaman kaya? Haissk." Wala sa loob na nawika niya.

Dahil hindi niya matawagan ang kasintahan ay nag chat na lamang siyan sa kapatid nito.

"Kuya? Nanjan na po ba si Mike? Nakauwi na po ba siya?

Ilang sandali lamang at nag reply na ang kaniyang chinat.

"Wala dito e, nag bike ata."

"Po? Gabi na di ba po?"

"Oo, pero di ko alam nasan siya e basta nakita ko siya kanina nag bike paakyat."

"Sige po salamt."

Huminga siya nang malalim, at chinat naman ang kaibigan nito.

"Bal? Nakita mo si Mike?"

"Oo, umiinom dun sa bahay nila Vic, inaaya nga ako kanina e."

"Huh?"

"Bakit? Hindi ba nag paalam sayo?"

"Hindi naman nag papaalam sakin yon. Wala naman kasi akong halaga sa kaniya."

"Haha, ano ka ba. Lalaki yon, naman aasahan mo na dapat na umiinom siya di ba?

"Oo, sige na."

Naluluhang humiga nalamang siya sa kama. Napapadalas na ang pag inom nang kaniyang kasintahan. Isa pa, nag sisinungaling ito sa kaniya nang paulit ulit. Bigla niyang naisip ang araw bago siya umalis nang pilipinas. Napakasakit nang araw na iyon para sa kaniya.

Ni ayaw niyang umalis, napakadami nilang pangako sa isat isa... Ngunit lahat nang 'yon? Wala lang ... ni hindi niya na madamang mahal pa siya nito, palagi nalamang nitong sinasabi na,

"Patawarin mo ako aa, sana tulungan mo akong mag bago."

Hindi na niya maintindihan ang binata. Kung talagang mahal siya nito, hindi ba dapat ay siya na agad ang gagawa nang paraan upang mabago ang sarili?

Kakaibang sakit ang kaniyang naramdaman.

Ilang araw lang ang lumipas, muling naulit ang hindi nanaman nito pag sagot sa kaniyang tawag. Isang buong araw, hindi siya nito chinat, ni hindi manlang binasa ang mga mensahe niya.

Revenge Of A PlaygirLWhere stories live. Discover now