Chapter 6

10.5K 251 14
                                    

 Ilang araw ang lumipas, hindi maintindihan ni Lyra ang sabik na kaniyang nararamdaman para sa susunod niyang balak para sa kaniyang EX!

"Bessy? Bakit tahimik ka?" Puna sa kaniya ni Kryle.

"Bessy, excited lang ako."

"Saan naman? Wag mong sabihing panibagong kalokohan nananman 'yan aa."

"Hahaha... onti lang."

"Kelan mo ba titigilan si papa Mike?"

Inisnaban niya ito. "Mag tigil ka nga. Hindi pa ako nag uumpisa, wala pa 'to."

"Grabe ka.."

Hindi niya masisi ang kaniyang kaibigan. Sa loob nnag mahabang panahon, mabait na pagkatao niya ang kilala nito. Simula nang nag hiwalay sila ni Mike, pinilit niyang mabuhay nang normal katulad nang kung paano siya mabuhay nuon nang wala ang lalaking iyon.

Naalala niya ang nabasa niya sa facebook. 

" HWAG MONG ISIPIN NA HINDI MO KAYANG MABUHAY NANG WALA SIYA, GUSTO MO NANG PATUNAY? ISIPIN MO NALAMANG... NA YUNG MGA PANAHONG HINDI MO PA SIYA NAKIKILALA LUMAKI KA NANG WALA SIYA, NAG BIRTHDAY KA NANG WALA SIYA, AT NAKAPAG ARAL KA NANG WALA SIYA. NGAYON MO SABIHIN SAKIN NA NA HINDI MO KAYANG MABUHAY NANG WALA SIYA?"

Natawa siya, naalala niya tuloy yung post na 'yon. 

Ilang sandali pa ang nakalipas, ipinasya niyang mag palamig sa dating tambayan nila ni Mike.
Tahimik ang lugar na iyon, mapuno at maddama mo ang sariwang hangin. 

Sa tuwing pumupunta siya dito, hindi lingid sa kaniya na naaalala niya padin ang dating kasintahan. Ngunit ang dating kilig at sayang kaniyang nararamdaman ay napalitan ang pait at sakit nang nakaraan, na hanggang ngayon ay dala niya padin sa kasalukuyan.

Hindi biro ang kanilang nakaraan ni Mike. NApakadami nilang napag daanan.

Kinaltukan niya ang sarili. "Ano ba! MAg tigil ka nga Lyra."

Napabuntong hininga siya. KAhit anong gawin niya hindi niya na maiiwasan ang pagkagalitna kaniyang nararamdaman.

Kalahating oras siyang nag lagi dito. Akmang tatayo na siya nang may marinig siyang boses mula sa likuran.

"Pumupunta ka parin pala dito." WAlang emosyong wika ni Mike sa kaniya.

Hindi siya nag pakita nang kahit anong emosyon dito. Tinapunan niya lamang ito nang tingin, at nagmamadaling tinalikuran.

Lakad takbo ang kaniyang ginawa. Hindi niya ito nais makausap. Muli, isang malalim na buntong hininga ang kaniyang pinakawalan. "Hindi mo ako basta basta mauuto Mike. MAnigas ka."


MIKE POV 

Naupo nalamang siya sa damuhan kung saan niya nakita ang dalaga.

Napaisip siya, ano ang ginagawa nito dito, iniling iling niya ang kaniyang ulo. Hindi na siya ang Lyrang naalala niya dati. Masyado niya itong nasaktan, kaya hindi na niya masisi ang dalaga sa galit na nararamdaman nito para sa kaniya.

"Wala din naman akong balak na makipag balikan sa kanya. Hindi na ao nararapat para sa pag mamahal niya." 

Isang makasariling lalaki. 'Yan ang tingin ni Lyra kay Mike.


Saturday nang gabi...

(Mike's Birthday Party)

Masayang nag sasayawan ang lahat. Habang isang malakas na tugtugan ang maririnig sa kapaigiran. Mababakas sa mukha nang lahat ang sayang. HAlos lahat sila ay masaya, liban kay Mike.

Revenge Of A PlaygirLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon