Chapter 3 "Partner"

366 48 6
                                    

Walang kataotao sa paligid. Tanging mga puno, halaman, isang posteng ngsisilbing liwanag at isang bakanteng duyan lamang ang naaaninag ko.

Ilang malalalim na paghinga ang aking  pinakawalan na umugong sa aking pandinig habang nakausuot ng helmet.

"Napamahal ka na ata sa motor ko." Agad akong napatingin sa lalaking bumasag ng katahimikan at gumising sa aking diwa. "Ayaw mo pang bumaba eh," he added.

Dahan-dahan kong sinuri ang aking sarili. Nakaupo pa pala ako sa motor n'ya at hindi pa bumababa. Samantalang, nakatayo na sa malayo 'yung lalaking bigla nalang sumulpot at dinala ako sa nakakatakot na lugar na ito.

Ano bang kailangan nya sa akin?!

Sa sobrang kaba ay halos magmanhid na ang aking buong katawan.

Panong hindi ako matatakot, kung alam ko na yung gwapong lalaki na nasa harapan ko ngayon ay isa sa mga miyembro ng 12 am motor gang – ang gang na kinatatakutan sa bayan namin!

"Hey miss Beautiful, natatakot ka ba sa akin kaya ayaw mo pang bumaba dyan? " He asked.

Hindi ako makai-mik dahil totoo ang hula n'ya.

"Wag kang matakot . Wala akong gagawin sayo. Isa pa, hindi ako nananakit ng babae. Ililigtas ba kita kagabi kung may masamang balak 'kami' sayo?"

May punto sya! Kung ganun, ano ang dahilan kung bakit dinala nya pa ako rito?

"Miss beautiful, dinala kita dito para makausap tungkol sa isang bagay na super duper secret. Kaya kung gusto mo na mapadali tayo, bumaba ka na dyan. And please, please, please! Magsalita ka naman! Mukha na kong tanga rito na salita ng salita mag-isa," pakiusap niya.

I slowly went down, kahit medyo natatakot parin sa pwedeng mangyari.

"A-Ano po bang gusto nyong ipakipag-usap Mr? 12am?" Nauutal kong tanong.

"Pfft, hahaha!" Ngunit tumawa lang sya. "Hindi pa ako matanda para tawaging mong 'Mr.' And correction, hindi '12am' ang pangalan ko. Yun ang pangalan ng gang namin as a group. My name is…" napahinto siya sabay dinuro-duro ako. "The hell. Can you please remove your helmet?"

Helmet?

Ay! Nga pala! Hindi ko pa natatanggal!

Sinubukan kong tanggaling yung helmet sa ulo ko. Kaso sa sobrang taranta, hindi ko maiangat ng maayos.

"Ako na nga!" Narinig kong sigaw ng gwapong gangster.  He leaned closer to me. Hinawakan n'ya ang magkabilang panig ng helmet at itinaas ito. Everything was a slow-mo. Ang unang nagliwanag sa aking  paningin ay ang gwapo niyang mukha na limang inches lang ang layo.

"Gwapo ko no?" He said with smile.

Natauhan ako sa mayabang but true adjective na sinabi nya. Kaya naman, agad akong humakbang patalikod para makalayo dito. Pero aksidente kong  nabangga ang motor niya at ngayon ay... MALAPIT NANG MABAGSAK ANG MOTOR!

Who am i?Where stories live. Discover now