chapter2

2K 28 0
                                    







Ilang saglit pa ay muli siyang tinawag ng kanyang ina para mag hapunan. Nag palit lang siya ng damit at pag ka-rating ni armie kumain na rin sila, naupo si pia sa silya tapat ng dining table kasama ang ina at kapatid niyang nasa edad 25pataas ngunit dalaga pa at nag ta-trabaho sa isang fast food.hindi kalakihan ang sinasahod ngunit sapat na para sa sarili niya at ang sobra ay naka-toka sa pang bayad ng apartment nila habang si vilma na ina ng dalawa ay naka-toka naman sa araw-araw na pangangailangan at maging sa pang bayad ng koryente at tubig. si pia naman ang gumagastos sa pag aaral niya sa college.

Tahimik silang kumakain ng gabihan nila, bawat isa ay naka tingin lamang sa kinakain at walang mababasang ano man sa mga mukha nila.
At dahil nga walang anumang inaalala o iniisip si pia hindi maiwasang masagi sa isip niya ang binatang costomer niya kanina,ang pilyong ngiti nito ang mapang akit na mga tingin.lahat iyon ay naisip ni pia ng mga sandaling ito mabuti nalang at hindi napapansin ng dalawa ang napapaumis na si pia marahan nitong sinulyapan ng itim nitong mata ang dalawa at gaya kanina seryoso at wala silang imik na kumakain tanging mga lagitik ng babasaging plato at kotsara na sumasalpok sa pagitan ng mga galaw nila ang tanging maririnig mula sa katahimikan nila.

Matapos nilang kumain muling bumalik si pia sa kanyang silid habang ganoon din ang ginawa ni armie at tanging ang ina na lang nila ang mag isang nag liligpit sa pinagkainan nila sa kusina.
Hating gabi na nang matapos si pia sa pag-aaral niya at kanina pang tulog ang dalawa,pagod ang utak at mata niya na pakiramdam niya ay marami ng laman iyon at mukhang puputok na maging ang mga mata niya pakiramdam niya ay lumuluwa ang mga ito sa pagitan ng kanyang eyeballs ngunit natutuwa parin siya dahil marami na siyang natapos ngayon na kung tutuusin ay linggo palang ngayon at may ilang oras pa siya para bukas para mag aral.

...

ANG MGA natitirang oras na sana'y ginugol niya sa pag-aaral ay nilaan nalang niya sa pag ta-trabaho niya sa "goodings hardwear dahil kagabi ay tinapos na niya ang-pag aaral niya pati ang kanyang essay.
Kaninang umaga bago siya umalis sa bahay nila sinilip muna niya ang phone niya at nakita niya na nag text sa kanya si wilma mga quarter to two ng madaling araw.

"tapos na ang article ko para sa last edition ng student newspaper at nag aayos na ako para sa pag balik ko sa martes dyan,ipapasa ko na ito sa bagong editor."

Hindi na nagawa ni pia na mag reply dahil pa-pasok na siya sa trabaho at bawal ang gumamit ng phone sa oras ng trabaho,ngumiti nalang si pia at humanga sa sipag mag aral ng kaibigan.
Pang-night shiff siya kaya tuwing umaga ay makikita si pia sa goodings hardwear store.masiglang nag aasis ng costomer.

habang nasa kaha si pia at nag re-record sa ilang pinamili ng costomer niya.

"Balitaan mo ako kung kailan papasok si wilma." Kausap ni anna si pia habang siya ang nag si-silid sa loob ng bag ng ilang mga pinamili ng costomer nila.

"Sabi niya mga martes pa daw."sagot naman ni pia ngunit naka tingin ang mata sa ginagawa at pag kuha ng bayad ng costomer nila.

"Bukas pa pala." Mahinang sambit na mukhang nag alinlangan pa matapos ng ginagawa saka bumaling sa babaeng costomer at iniabot ang bag na nag lalaman ng pinamili nito. Pag katapos makuha ay kaagad na ring umalis ng shop ang babae ng walang makikitang expression sa mukha nito.

Lumabas si john mula sa kabilang dulo ng pasilyo.siya ang isa pang part-timers na nag ta-trabaho sa shop at malapit na kamag-anak rin ni mrs.clayton na galing pa ng cebu. hindi nila alam ang nangyari dito kahapon ngunit hindi na ito mahalagang malaman pa ng dalawa dahil lagi naman itong ganoon.
hindi nila inaasahan na makikita nila ito ngayon ng ganito kaaga kadalasan kasi tanghali na ito pumapasok sa shop.

To Love Again (#Adultonly)Where stories live. Discover now