chapter14

744 20 0
                                    









Nag lalakad si pia papunta sa trabaho niya, maganda ang sikat ng araw, matapos ng school year nila wala pa siyang naiisip na trabaho para sa kanya sa ngayon hinayaan lang niya na mag trabaho siya ng buong araw sa goodings hardwear. Tulad ng dati naka t-shrit siya at naka skinny jeans habang dala pa rin ang maliit na bag na parati niyang dala sa trabaho..sa gitna ng kanyang pag lalakad, may sasakyan na tumigil sa kanyang harap, nag salubong ang dalawang kilay niya, kilala niya ang sasakyan na iyon. Tumigil ito sa harap niya at bumaba ang nag mamaneho..

Matthew??..

Muli niyang nakita ang mukha ni matthew na nakatingin sa kanya kagaya ng dati,pinag mamasdan na naman niya ang maamong mukha ng binata na no'on ay naka avaitor sunglasses, shirt na greey at black slim jeans.

"Ang guwapo nya talaga??.. narito siya akala ko aalis na siya?

seryoso ang mukha ni matthew na lumapit sa dalaga na kunwaring sinimangutan niya.

"Sumama ka sa akin?" Kaswal na sabi ni matt na inilahad ang kanang kamay kay pia..

Hindi na naman umimik si pia tila sinumpong kapag sumasagi sa isip niya na aalis rin ito. pinag patuloy ang pag lalakad at hindi pinansin si matt parang walang nakita..

Sinundan siya nito sabay kinuha ang isang kamay at pinuwersang isakay sa loob ng kotse niya,kinaladkad siya ni matthew papasok sa loob ng sasakyan nito..

"Matt? Anong ginagawa mo?, sigaw ni pia..

Hindi nag sasalita si matthew, tinanggal ang salamin sa mata at sumakay siya sa driver seat sa pag kakataon na iyon wala ng nagawa si pia rito , nanahimik nalang siya at naka tingin sa bintana ng kotse na naka simangot..

"Bakit kaba galit sakin? -- mahinang bulong ni matt na kahit naiirita na ay mahinahon parin sa pag sasalita.

"Bakit ba kapag nag kikita na tayo ngayon lagi kana lang nag sasalita na parang ok lang ang lahat sayo..

"Iyon na naman ba? Issue pa rin ba yong pag alis ko?.

"Oo? At saka diba tapos na ang graduation natin? Bakit naririto ka pa?

"Nag pa cancel ako ng flight nong araw na dapat aalis kami.

Napatigil si pia sa nanlaki ang dalawang mata na humarap kay matthew na nanatiling naka tingin sa minamaneho..

"Ang ibig ba niyang sabihin? Hindi na siya aalis?" Anong ibig mong sabihin?, bakit mo g-ginawa iyon? ".

"Kanino pa ba? ,aalis pa rin ako, male-late nga lang.

"Ahh??....'?

"Gusto kong kumain ngayon tapos pupunta tayo sa park ?

"Ok!!.."

"Bakit isang linggo kang hindi nag pakita sa akin?

"Kasi alam ko galit ka sa akin,kaya pinalipas ko muna ng one week.

Pumunta sila sa isang restaurant sa bays house & Grill, mabilis silang nakapag park sa tapat nito at bumaba sila.. mag kasamang pumasok sa loob ng restaurant..

"may pina reserve ako para satin.

"Ha? So? Kanina kapa narito?

"Oo?.. pinuntahan lang kita. Handa na rin ang kakainin natin,ayokong pag hintayin ka..

"Ah? Ganon?

Naupo sila sa isang pinareserbang lheader chair at wooden dining table na maliit..

Lumapit ang waiter na may dala ng trey na nag lalaman ng kanilang order.

To Love Again (#Adultonly)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang