17. | Lami ( POV )

787 50 16
                                    


Habang naglalakad ako papunta sa classroom kasama si Jisung ay marami nang nakatingin sa akin. Nagtataka naman ako kasi yung iba ang sama ng tingin sa akin. Ano bang problema nila sa akin? Wala naman akong naalalang ginawang mali.

"Jisungie, anong meron?" Tanong ko sa kanya, tumingin naman siya sa akin at sinabi niya na itatanong niya muna sa isang estudyante. Pagkatanong niya doon yung ekspresyon niya na masaya ay biglang nalang naglaho. Ano ba kasing meron?! Lumapit naman siya sa akin at bigla nalang niya ako hinila papunta sa may Music Room.

"Jisung...anong meron?" Tinanong ko ulit siya at siya't nagbuntong hininga muna bagong mag salita.

"Lami, I am going to ask you something. Just tell me the truth okay?"

Dahan dahan naman ako tumango

"Is that true? Na naging ex mo Mark hyung at naging ex mo rin si Jeno hyung at nagbalikan na kayo? Akala ko ba bestfriend mo siya? Ano iyon lami? Pinaglalaruan mo ba ako?" Nagulat nalang ako sa sinabi niya sa akin, sino naman gumawa ng kwento na iyan?! Nakita ko naman sa mga mata niya na paiyak na siya.

"H-hindi kita pinaglalaruan j-jisung...wag ka naman maniwala sa kanila oh.. oo naging ex ko si Jeno pero hindi kami nagbalikan at mas lalong hindi naging kami ni Mark dahil si koeomma lang gusto nun" Sabi ko at yumuko naman siya at napailing sa sinabi ko

"Sigurado ka? Lami puro nalang hindi totoo, hindi totoo...hindi ko na alam kung ano ang papaniwalaan ko minsan kasi sa totoo lang mas mukha mo pang boyfriend si Jeno hyung kaysa sa akin eh. Masakit rin kasi lami, halata naman kasi na mahal mo parin si hyung kaysa sa akin. Kumbaga ginamit mo lang ako para matakpan ko lang sakit ng nararamdaman mo kay Jeno...ayun ang totoo lami...Pero kahit ganun nagpanggap parin ako na hindi ko alam ang alam. Mahal kasi kita lami..pero siguro....kailangan natin maghiwalay lami...salamat pala hahaha....." Sabi niya at lumabas na siya dito sa Music room....napaluhod ako at doon na ako nagsimulang umiyak. Pero sa bagay...tama siya... Ang t*nga ko talaga....hahaha....

Pero nagulat ako nang biglang may nagback hug sa akin, kahit hindi ko nakikita ang itsura niya alam kong si Jeno iyon. Amoy palang ng pabango.

"Naniniwala ako sayo Lami" bulong niya sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit. Sinabi ko nalang sa kanya na "Tungkol sa huling chat natin...I'm sorry Jeno ikaw agad ang sinisi ko. Sorry talaga"

Back HugWhere stories live. Discover now