35. | Jeno's POV

588 29 8
                                    

_

Nakaupo ako ngayon sa may bench hinihintay dumating sila Lami. Wala lang, gusto ko kasi dito ako umamin sa kanya tapos hindi pa matao dito. Inutusan ko narin si Jaemin na papuntahin dito, ang tagal naman. Kinakabahan na nga ako eh.

Hawak hawak ko naman ngayon yung box na nilalaman na cake na nakasulat na Do you still love me? 50% umaasa ako na may pag-asa pa ako sa kanya at 50% wala na akong pag-asa sa kanya kaya hindi ko alam kung anong isasagot niya sa akin. 

Inaamin ko, araw-araw ako nahihirapan itago itong nararamdaman ko sa kanya kasi habang tumatagal alam ko na lalong lumalala na mas napapakita ko sa kanya na hindi na kilos bestfriend ang ginagawa ko. Tama si bro, dapat sinasabi ko ito sa kanya. Handa na talaga ako harapin ang magiging sagot ni Lami sa akin. Mahal parin niya ako o hindi na as a man tatanggapin ko. Kasi kasalanan ko rin naman kung bakit ayun ang mga nangyari. 

"Jeno!" Narinig kong tawag sa akin ni Jaemin agad naman ako lumingon at ayun kasama na nga niya si Lami na parang nagtatakang andito ako. "Eh, Jeno?" ngumiti ako at nilapitan ko si Lami.

"Uhm, bro ikaw na bahala dyan ah?" Tumango naman ako sa kanya at ngumiti ulit. Nakita ko naman na nag-thumbs up muna siya sa akin bago niya kami iwanan dito. Nung nakalayo na si Jaemin ay agad ko naman hinawakan braso ni Lami at hinila papunta sa may bench.

"Upo muna tayo" sabi ko sabay upo, sumunod naman siya sa akin. 

"Bakit andito tayo Jeno?" Tanong niya sa akin, nagbuntong-hininga muna ako. Whooo kinakabahan na naman ako. Ano ba Jeno- aamin ka lang naman eh. 

"May gusto ako sabihin sayo" Pagkasabi ko nan ay agad naman ako yumuko kaya naman kinalabit ako ni Lami. "Ano yun? wag ka naman yumuko grabe ka" tumingin nalang ako sa kanya at ngumiti agad ko naman inabot sa kanya yung box.

Handa ka na malaman ang totoo Jeno diba? Harapin na natin ito. 

"Buksan mo yung box at sumagot ka lang ng totoo. Handa ako tanggapin yung mga kasagutan mo, Lami"

_

Back HugTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang