Chapter 11

24.5K 671 34
                                    

"Waahhh Aiza! Ang daming gifts and flowers! Tinalbugan mo na kami ni Precious! Feeling debutant lang po ah." Exaggerated na saad ni Mertylle kay Aizan.

Ngiting panalo naman na humarap sa amin si Aizan.

"Ganyan talaga pag diyosa girl." Mayabang na saad ni Aizan.
Ito kasi yung nangyari, birthday ngayon ni Aizan, at ito maraming mga lalaki ang nagpapadala ng bulaklak sa kanya.

Itong si Mertylle naman puro puri. Kaya ayan si Aizan tuwang tuwa naman.

"May libing ba? Parang naghahatid lang ng lamay. Malalate na tayo! Mauna na nga lang ako." Wala sa sariling saad ko.

"Woah."

Narinig ko pa ang pag singhap ng dalawa, hindi ko nalang pinansin at binilasan nalang ang lakad.

Pagdating ko sa classroom napansin ko ang nagmamadaling mga kilos ng mga kaklase ko.

"Excuse me? Anong meron?" Naguguluhang tanong ko sa kanila. Napahinto pa sila sa ginagawa. Wala naman akong naalala na may project kami, then bakit sobrang daming construction ang kinacut nila? Anong meron?

Parang ewan na lumingon naman sila sa pwesto ko. "Precious, kaibigan mo si Aizan. Pero wala kang alam kung anong meron ngayon?" Saad ng isang kaklase ko.

"Tsk. Birthday niya, anong meron? Ba't-"

"Eh surprise namin si Aiza! Hayst! Mamaya ka na nga magtanong, tumulong ka nalang kaya sa amin, teka baka paparating na si Aiza, bilisan natin guys!" Ani naman ni Cristy.

Walang imik na inirapan ko silang lahat at walang imik na binaba ang bag ko sa upuan ko. Narinig ko pa ang bulong-bulongan nila na narinig ko naman, keysa nag aaway ba daw kami ni Aizan. Ba't daw ang sungit-sungit ko.

Maya maya ay narinig namin ang sigaw ng kaklasi namin na paparating na daw si Aizan.

"Bilis! Nasa labas na siya! In 5.4.3.2.1..."

"HAPPY BIRTHDAY AIZA!!" Sabay sabay na sigaw ng mga kaklase ko ng pumasok sa classroom namin si Aizan kasama si Mertylle.
Maypa confetti effect pa sila with banner at tsaka pa flowers. Ako naman ay nakamasid lang sa mga ginagawa nila. Naluluha namang pumasok si Aizan.

"Oh my God! Thank y'all! I didn't expect it,"Naluluhang saad ni Aizan tas niyayakap na siya isa isa ng mga kaklase namin.

After nila mag dramahan, habang ako deadma lang sa seat ko, biglang nagtanong si Aizan sa kanila. Tas napansin ko pa na napalingon siya sa pwesto ko.

"Anyways, who planned this?"

Kaagad namang sumagot ang kaklase naming babaeng nerd.

"Kami Aiza for your special day!" Nakangite pang saad nito.

Ewan ko pero nairita ako sa pa ngite-ngite ng bruhang to. Tumingin naman si Aizan sa akin. Ba't ba tingin siya ng tingin.

Naramdaman ko naman ang pag upo ni Mertylle sa tabi ko. "Beshy, feeling ko nag expect si Aiza na ikaw ang nag plano ng lahat ng to." Bulong nito sa tabi ko.

"Hindi ko alam na may pa surprise-surprise sila," sagot ko pa.

"Hays! Umaasa yung tao haha. Ba't kasi ang sungit mo ngayon, kanena ka pa. Birthday na Birthday ng Bestfriend natin tas ganyan ka," Pangangaral pa ni Mertylle sa akin.

Hays! I am that bad, ehh nakakaasar naman kasi. Hays! Nagseselos lang ako. Shish..

"Wala ka man lang bang regalo?" Narinig ko pang dugtong ni Mertylle

"Tsk." Bahala na, kaagad akong tumayo sa inupuan ko at naglakad papunta kay Aizan na nasa harap parin. Napahinto naman ang tawanan ng mga kaklase ko, at pati na si Aizan. Kaagad akong huminto sa harap niya mismo at nginitian siya.

"Happy Birthday,"

"Thank-" Hindi na nadugtongan ni Aizan ang nais niyang sabihin ng maramdaman ang mga labi ko sa pisnge niya. Yes! Hinalikan ko siya hehe. Sa cheeks lang po, baka masampalan ako ng bakla ng wala sa oras.

Malakas na naghiyawan ang mga kaklase ko ang nagpahinto sa titigan namin. Mabilis na tumibok naman ang puso ko ng matitigan ko ang kanyang mga mata.

Shish!

"Ayiehhh.."

"Kaya pala nagsusungit kanena kasi may surprisa rin pala si Precious, haha."

Napangite naman ako sa mga kantyaw ng mga kaklase ko, nakisali pa si Mertylle.

Napansin ko naman ang pamumula ng mga tenga ni Aizan ng mas lumakas pa ang hiyawan nila.

"Yuck! Precious! Hindi tayo talo," aniya tas pinahiran pa ang cheeks.

Nagtawanan naman ang mga kaklase ko ng makita nilang nagmamadaling naglalakad si Aizan papunta sa upuan niya. Lihim na napangite naman ako sa ka pabebehan niya. Baklang pabebe ka gurl?

Ngiteng-ngite na tumabi si Mertylle sa akin ng makitang umupo na ako. "Wow kung di lang talaga bading si Aizan, mag conclude na talaga ako na gusto mo siya, at nag hokage moves ka!"

"Tsk." Kung alam mo lang Mertylle na gustong-gusto ko yang pabebeng bakla na yan. Mahihimatay ka siguro.

Tumayo naman si Aizan sa inupuan niya at nginitian ulit ang mga kaklase namin.
"Everyone, sobrang naappreciate ko talaga yung pasurprise na ginawa niyo, di niyo lang po alam kung pano niyo ako pinasaya ngayon. And dahil pinasaya niyo ako, later at 7pm, invited kayong lahat sa Birthday party ko. Sana makarating kayong lahat guys." And with that, lahat ng mga kaklase namin nag sisigawan. Ngiteng napaupo naman si Aizan sa tabi ko.

"Beshy! Baka si Melmar maypa flowers din sayo mamaya," Narinig kong saad ni Mertylle.

"Hayst! Sana nga. Invited din yun mamaya hehe. I'm so excited na!" Nakapikit pa na saad ni Aizan hays!

"Beshy, can I bring Henry?"

Napangise naman si Aizan sa narinig kay Mertylle.

"Sure besh, gosh! Dami kong boylets later," Nakangising saad ni Aizan na sinamaan ni Mertylle. Nag peace sign naman si bakla. Habang ako tahimik na nag iisip kung anong gagawin ko mamaya sa Birthday party niya.

Nakakainggit lang kasi si Melmar parin ang iniisip niya. Sakit sa puso men. Hirap talaga pag mahulog ka sa bakla.

The Gay Who Got Me Preggy  Where stories live. Discover now