138. I Know (VMin FF ❤)

10.5K 276 223
                                    

I Know (VMin FF ❤) 
©SiyoonieAnj17

[!!!] O N E  S H O T  ❤ [!!!]

Dyosugh Note: Hello sa mga VMin shipper ❤ Mahar ko kayo =) VMin muna ngayon! Walang JiKook, YoonMin, VHope at mas lalong walang VKook WAHAHAHA! VMIN. VMIN. VMIN. ❤

PAGKATAPOS BASAHIN. PLEASE, COMMENT NIYO REACTIONS NIYO FOR INSPIRATION, JEBAL! ONE SHOT 'TO OH PARA SA SUSUNOD GAGAWA ULI AKO ❤ (o^^o) MORE COMMENTS, MORE ONE SHOT FF ❤

PS: Mas mamahalin niyo ang VMin kapag natapos niyo basahin ito ;) ❤ Pakinggan niyo pala yung BACKGROUND MUSIC - I KNOW!!

♡♡♡♡♡

[Playing: I KNOW by JK & RM ❤]

  "Bakit ba karamihan sa mga lalaki.. manloloko?" panimula ni Jimin at nagbuntong hininga.

  Napatingin sa kanya si V na may kunot ang noo.

  Nasa playground sila. Nakaupo sa swing.

  "Kasi karamihan sa mga babae, paasa," aniya V at binigay ang bote ng tubig kay Jimin. Tinanggap naman niya agad ito at ngumisi.

"Bakit kasi hindi kayo marunong
maghintay?"

  "Natatakot kasi kami na mawala pa kayo," seryosong sabi ni V na nagpakilabot naman sa mga readers.

  Napatungo si Jimin. "Hindi naman kayo gumagawa ng effort.."

  "Gumagawa kami pero binabalewala niyo," singhal nang binata.

  Tinignan rin siya ni Jimin. Hindi nila namalayan na nagtitigan na pala sila. "Ba-bakit parang lagi nalang kami ang mali?"

  Umiwas agad ng tingin si V at nagsalita. "Dahil ang aarte niyo. Nirerelate niyo ang buhay niyo sa mga teleserye. Magising kayo sa realidad!" asik nito at napapadyak.

  "Nagpapakatanga na nga kami para sa inyo tapos kayo 'tong nakukuha pang maghanap ng iba," may diin na sabi ni Jimin.

  "Hindi kami naghahanap, nagkataon lang na kusa silang dumadating sa mga panahon na nagtatampo kayo sa walang kwentang bagay," pagmamatigas naman ng binata.

  "Nagtatampo kami kasi gusto namin ng lambing," pabebeng sabi ng dalaga.

  Napatingin si V sa kanya na parang sarkastikong nagulat. "Nilalambing namin kayo pero puro kayo
pakipot. Paggalit kami, mas galit kayo. Ha!"

  Napa-pout ang dalaga na si Jimin.
"Syempre, babae kami. Intindihin niyo 'yun."

  Nangibabaw ang katahimikan sa kanilang dalawa. Maggagabi na. Malamig na ang simo'y ng hangin dala ng malalapit na pasko.

  Napatingala si Jimin at tinignan ng maigi ang buwan na tumatama sa kanila. Napahawak ito sa kanyang mga braso. Napatingin naman agad ito kay V ng may kung anong bagay na inaabot sa kanya.

  "Oh ito jacket. Suotin mo para hindi ka ginawin," asik nito na hindi tumitingin sa kanya. "Pa-short short at pa-sleeve sleeveless pa kasi. Eh kung mabastos?" bulong ni V na narinig naman ni Jimin.

  Napangiti ang dalaga. "Salamat. "

  "Lalaki kami, Jimin. Intindihin niyo rin yung side namin. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay pagbibigyan namin kayo."

  Eto na naman uli tayo. Bulong ni Jimin sa sarili. Akala na naman niya na panalo na naman ang babae sa usapan pero biglang bumanat na naman si V.

KALOKOHAN NG BANGTAN BOYSWhere stories live. Discover now