10: Work

1.6K 42 0
                                    

Chapter 10





Napabalikwas na lang ako ng bangon kinabukasan. Hindi ko sure kung dahil ba sa napanaginipan ko si Ayesha o dahil sa naalala kong magkikita ngapala kami ngayon ni Atty. Vera.




Pero teka~ panaginip nga ba yon?




Napalingon na lang ako sa may bintana at halos manlaki ang mga mata ko ng makita kong may nakabakat doon na isang kamay.




Totoo yun!




So bakit sya nagpakita sakin? Bakit sya humihingi ng tulong?




***




Tanghali kami nagkita ni Atty. Vera sa isang fine dining restaurant.




Habang kumakain, dinidiscuss nya sakin lahat ng tungkol sa mga ari-arian nina mommy at daddy pati na rin ang naiwan nilang kumpanya.




"So you mean.. Maeextend ang pagpapatheraphy ni dad abroad? Bakit di na lang nya ko isama doon?" Nag-aalala na talaga ko kay dad at ito pang abogado nya ang ipinadala nya dito para kausapin ako ng masinsinan.




"As long as you and your father want to, you can't Miss Akane."




"But why?"




"Mrs. Akane's company is in trouble right now.. And your father wants you to take over his position to get back the whole company."




"To get back? What do you mean?"




Napahinga pa ng malalim si Atty bago nya ipinaliwanag sakin ang lahat. Mula sa pagkakaroon ng maliit na problema na hindi nasolusyunan hanggang sa lumaki at maibenta ang kalahati nito sa iba.




"So sino yung buyer? At anong dapat kong gawin? Paano ko ulit makukuha ng buo yung company namin?"

The Doll Maker ✔ Where stories live. Discover now