32: Suspect

1.2K 32 0
                                    

Chapter 32

"I didn't know exactly what happened with my mother's past. Ang alam ko lang, naging biktima rin sya noon ng isang krimen kaya.. Nakapatay sya."

"Ayon sa kwento ni Papa, nagka mental issue daw noon si Mama ng makulong.. At yung tatay ni Ichiro ang pulis na nakaassign sa kaso nya."

"Tumakas daw si Mama noon sa kulungan at buntis na rin sya sa mga kuya ko noong nakilala sya ni Papa.."

"Naging maayos naman ang lahat at gumaling na rin si Mama bago sila nagpakasal ni Papa.. She even had the biggest contribution sa The Bouviers kaya mas lumago yung kumpanya namin.. Pero dahil hindi sumuko yung tatay ni Ichiro sa paghahanap kay Mama.. Nasira na ang lahat... Sinira nya ang pamilya ko."

"Ayokong madamay kayo! Masyado ng maraming naitulong ang pamilya nyo sakin! Hindi ko hahayaang masira kayo!" Umiiyak na sabi ng babae sa kanyang asawa.

"Hindi! Hindi ako papayag na umalis kayo ng kambal natin! Hindi ko hahayaang masira ang pamilyang to!" Umiiyak na rin ang lalaki ng lapitan nya ang asawa at hawakan ang magkabilang pisngi nito. "Mahal na mahal kita Anna.. Kaya hindi ko hahayaang magkahiwa-hiwalay tayo ng mga bata.. Kaya please lang.. Wag kang umalis.. Wag mo kong iwan.."

***

"Patawarin mo ko Leian.. Ikaw ng bahala sa bunso natin.." Umiiyak na bulong pa ng isang babae sa mahimbing na natutulog na asawa habang hinahaplos ang isang pisngi nito.

Marahan ngunit mabilis syang lumabas ng kwarto nila para puntahan naman ang bunsong anak na mahimbing ring natutulog sa crib.

"Mahal na mahal ka ni Mama, Fear Sean.. Ayoko kayong iwan ni Papa mo pero.. Masisira lang ang buhay nyo ng dahil sakin.. Patawarin mo ko anak.."

"Nagbago daw si Papa dahil doon.. Akala ko nga masisiraan na rin sya ng ulo e. Buti na lang kahit papano, naisip nya ko."

"Hindi rin sumuko si Papa sa paghahanap kay Mama at sa mga kapatid ko.. Pero huli na.. Patay na si Mama at tuluyan na kaming nawalan ng lead sa mga kuya ko kaya.. Napabayaan na rin ni Papa ang sarili nya at yun.. Nawala na rin sya sakin.."

"Hindi ko na inalam pa kung anong ikinamatay ng tatay ni Ichiro and.. The day after nya sabihin na gusto nya si Ayesha.. Inamin na rin sakin ni Cornelia ang lahat.. I don't know her reasons kung bakit nya yon sinabi pero isa lang ang malinaw.. Galit rin sya sa step brother nya."

Gabi na rin ng matapos kami mag-usap ni Fear. Sa tingin ko naman, bumabalik na rin kami sa dati.

I was about to go home ng may maalala ako.

"Nahuli na namin yung suspect sa pagpatay kina Casarr, Aranda at.. Signe." -Conan

"Ang hinala kasi namin nung una.. Parang babae rin ang pumatay sa kapatid mo. Ang dami nya kasing kalmot at halos maubos na rin yung buhok nya ng makita namin yung katawan nyang halos.. Halos.." Mangiyak-ngiyak na si mama habang nagkukwento dahil siguro naaalala na naman nya. "Halos lantang gulay na binali-bali ang mga buto at.. at.. tinalupan pa yung likod nya ng kung sino mang nakapahayop na gumawa noon sa kapatid mo.." Napaiyak na doon ng tuluyan si mama at kinomfort naman sya kagad ni papa. Pero itinuloy pa rin nya ang kwento. "Hula pa namin ni papa mo.. Baka isa sa mga babaeng obsessed sa boss nya ang may gawa noon.."

Tama! Yung suspect nga!

Nag-U-turn kagad ako at nagdesisyong pumunta sa presinto. Malabo naman kasing nadoon si Conan dahil nagtatago nga sya.

*sigh
Nasan ka na rin ba Conan? I'm supposed to be mad at you but I can't. I still can't. Ni hindi ko na nga sure kung bakit ko pa to ginagawa ngayong nahuli na rin naman ang tunay na may kasalanan, si Cornelia.

Pagdating ko sa presinto, yung masungit na pulis kagad ang nabungaran ko. Tsk. No choice.

"O? Gabing-gabi na napadaan ka pa."

Tss. Inirapan nya ba ko?

"Wala na dito yung boyfriend mo.. Or should I say.. Ex-boyfriend?"

Natigilan naman ako doon at di kagad nakasagot. Ex? Ni hindi pa kami nagkikita ni Conan after that incident na pumunta ko sa kanila. Is that already means na wala na kami? Bat parang ayaw ko?

"O? Natigilan ka? Kayo pa rin ba?"

Saglit naman akong napaiwas ng tingin bago sumagot. "Whatever. Hindi sya ang ipinunta ko dito. I just want to talk to that first suspect that you caught related to Ichiro's case."

Ilang segundo pa nya kong tinitigan bago nya ko hinatid sa visiting room. Napansin ko pa ang visiting hours na nakapaskil doon sa may gilid ng pinto at napataas ang kilay ko ng mabasang bawal na palang bumisita sa ganitong oras lalo na't hindi naman ako kamag-anak o abogado.

So bat nya ko pinayagan? Ano na naman kayang ibig sabihin nito?

Naputol lang ang pag-iisip ko ng bumukas yung pinto at pumasok yung lalaking di ko kilala na sa tingin ko'y syang suspect na hinahanap ko. Tama sina papa, mukhang di nya kayang pumatay o manakit. E mukha ngang mas bata pa sya sakin e. Tumayo ako at halata ko pang nagulat sya ng makita ako.

Bakit ganyan ang reaksyon nya? Kilala nya ba ko?

And before I could speak, nilapitan na nya ko kagad at hinawakan sa magkabilang balikat.

"Mag-iingat ka. Delikado ka sa kanya. Nababaliw na sya! Sasaktan ka rin nya!"

"A-ano bang~

"Hoy! Lumayo ka sa kanya!" Sabay dating nung masungit na pulis na may kasama pang dalwang pulis na hinawakan sa magkabilag braso yung lalaki at inilayo sakin.

"Mag-iingat ka Mishana! Siguradong isasama ka rin nya sa mga collections nya! Mag-iingat ka!"

Ano daw?

"Ibalik nyo na yan sa selda nya!" Sabi pa nung pulis na kaaway ko at sinunod rin naman sya kagad ng mga tauhan nya.

"Mag-iingat ka! Lumayo ka sa kanya!" Pahabol pa nung lalaki bago sila tuluyang lumabas ng kwarto.

Nagkatinginan naman kaming dalawa nitong masungit na pulis na to ng maiwan na kaming dalawa.

"Kilala nya ko.."

Napahinga pa sya ng malalim bago sumagot. "Kaya hindi namin sya mailabas dito at mapawalang sala dahil sa paulit-ulit na sinasabi nya.. Hinahanap ka nya palagi at gusto nyang bantayan ka namin dahil siguradong isusunod ka na raw.."

"Ha? Nino? At bakit nya alam yung mga yon?"

"Yun nga ang problema namin.. Hindi namin sya makausap ng maayos."

Bakit ganito? Bakit parang mas gumugulo lang ang lahat?

Kanino nya ko pinag-iingat? Kay Conan?

"Akane.."

Napatingin na lang ako ulit sa kaharap ko at napakunot pa ang noo ko ng may ilagay syang isang maliit na papel sa kamay ko. Mas lumapit pa sya sakin at bumulong.

"Hinihintay ka nya.."

Nagulat naman ako doon at di makapaniwalang napatingin na lang sa kanya.

"A-alam mo.."

"Matagal ko ng kilala yang si Ichiro.. At sigurado akong inosente sya sa kasong to. Ikaw ang girlfriend nya.. Nasa sayo na ang desisyon kung sinong gusto mong paniwalaan.." Sabay labas na rin nya ng kwarto.

Naiwan naman akong nakatayo pa rin sa loob ng kwarto at napatingin na lang sa papel na binigay nya.

"Mag-iingat ka! Lumayo ka sa kanya!" -Suspect

Hindi yon si Conan. Hindi sya yon!

The Doll Maker ✔ Where stories live. Discover now