PROLOGUE

113 8 6
                                    

PROLOGUE:

Napatingin siya ng may babaeng napadaan na nagpapatugtog ng kanta na iyon. Pagkatapos ay napa-buntong hininga. 

Isang linggo na ang nakalipas mula ng mag-quit siya at i-delete ang application na iyon. Ang kinababaliwan ng ilang kabataan na nakakaalam. Ang pinagka-abalahan niya noon at ang sinapit ay bad ending.... 

Napatigil siya sa gitna ng kalasada at napahinga. 

"... I hate Mystic Messenger the most!!!!!!!" Saka isinigaw ng malakas. 

Pinagtinginan siya ng mga tao pero wala siyang pakialam at nagpatuloy sa paglalakad. 

Actually, nagsisinungaling lang siya. Ang totoo niya ay...

Napa-impit siya ng tawa at mabilis na tumakbo. Malamang ay inakala ng mga nakakita sa kaniya na may saltik siya. 

Pero totoo naman. Nababaliw na siya sa punto na puro Mystic Messenger merchandise na ang buong bahay niya. Ang cr, kuwarto, kusina na puro mga mukha ng makikisig na characters sa game ang buong wall. 

Adik na siya kung baga. 

Naupo siya sa may bench sa gilid ng condo building na tinitirhan niya ng maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone niya. 

'Sino na naman kaya..?' 

Kahapon pa walang tigil sa pag-riring ang cellphone at telepono niya sa bahay dahil sa bagong libro niyang hindi na-publish. Karamihan ay mga kaibigan niya sa Anime Alter Worlds, isang private anime group sa Facebook. 

Nagsalubong ang mga kilay niya ng mabasa ang text. Dahil hindi iyon galing sa aaw...

Message Content (s)                                                                                                                                               Babe. I'm waiting for you! (insert heart)

"Wala naman akong boyfriend, ah. At wala rin akong kilala na tinatawag akong " babe ". Hmmm... Stalker." Napaisip siya at ibinalik sa bulsa ng jacket ang cellphone. 

 Iniisip na prank lang iyon at nagpatuloy sa paglalakad. 

"Hi, Miss Robles!" Bati ng receptionist sa lobby pagpasok niya sa building. 

Lumapit siya rito at binigyan ito ng chocolate. Bigay iyon ng kompaniya na pinag-tatrabahuhan niya. Pagkatapos itong ngitian ay nagtungo siya sa elevator. Doon ay nakasabay niya ang neighbor niyang rakista. May tattoo ito sa leeg at may dalang electric guitar. Masungit siya nitong sinulyapan. 

 "Yo, miss writer. Narinig kong may bago kang libro. Congrats." Anito. 

 Alam niyang ayaw nito sa kaniya pero pinilit parin nitong batiin siya. 'What a nice guy.'  Aniya sa isip. At hindi ba nito alam na hindi na-release ang libro na pinaghirapan niya?

"Thanks. Binili ko yung bago niyong dvd release. Ang astig!" Sabi ko naman at tiningala ito dahil sa sobrang tangkad. 

"Ya." Sagot nito sabay kunot-noo. Pagkatapos ay hindi na sila umimik pa sa buong durasyon ng elevator. Pagtigil ay nauna itong lumabas at sumunod siya.  

Ang buhay niya ay simple lang. Marami siyang kaibigan sa iba't ibang Facebook group na sinalihan niya. Ang tawag sa kaniya ng pamilya niya ay otaku. Ng mga real life friends naman niya ay 'unkept nerd'.

Wala naman siyang complain sa itinatakbo ng buhay niya dahil kontento na siya. 

Love life na lang ang kulang... 

"Pfft!" Napaubo siya sa naisip. Napatingin tuloy sa kaniya bago pumasok ng apartment ang rakista. Pero walang expression sa mukha nito. Yung bang parang nakakita ito ng may saltik. 

"Wahh...huwag ka ng mangarap na magkakalove life ka pa. Kung lagi ka namang nasa loob ng apartment mo, hindi ka makakahanap. Kahit isa. Haha!" Kausap niya sa sarili. Or kung meron man, baka sa Facebook pwede?

Kinalkal niya ang bagpack at hinanap ang card key ng kwarto niya at itinapat sa censor. Pagbukas ng automatic na pinto ay pumasok siya at ibinagsak ang sarili sa sahig. 

Pagod na pagod siya sa paglalakad ng konti lang naman na nilakad pagka-galing sa bahay ng mga magulang niya. Wala siyang masyadong stamina dahil lagi lang naman siyang nasa loob ng bahay. 

"Ah ah, I don't want to make another step anymore..." Wala sa sariling sabi niya at napatingin sa kisame. 

"Want me to carry you inside?" 

"That would be nice." Sagot niya. 

Huh? 

'Wait....! What the hell?! Who's that?!'

Mabilis na napatayo siya at hinagilap ang nagsalita. Magnanakaw ba?! At paano ito nakapasok ng automated lock door niya?

"Ha? Wh-who are......you?" Tanong niya. Kumakabog ang dibdib at nakatitig sa lalaki. 

Hindi naman sa hindi niya ito talaga kilala. Dahil lagi o araw araw niya itong nakikita. Maski paggising at pagtulog, nasisilayan niya ang pogi nitong mukha. 

Pero hindi siya makapaniwala.... 

"Hi babe! How have you been?" 


No way! >___<

 Prologue End.  

Their Love Begins (Mystic Messenger)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon