CHAPTER SIXTEEN: (Miss Ultra Stress)

13 1 0
                                    

CHAPTER SIXTEEN

"Sino yun, Sammy! Please please sabihin mo na!!!!" masayang nagtili ang babaeng hindi niya matandaan kung sino.

Wala siyang kibo at nakaupo lang paharap dito sa kusina. Kasalukuyang nanginginain sila ng cookies na dala nito.

'And hey wait, what's with those big... BOOBS?!' naiinis na sabi niya sa utak. 'Bakit ba napaka-unfair ng Diyos pagdating sa parteng iyon ng katawan... why am I only barely B?! HNGGG... ang unfair talaga!'

"Sammy? Sige na!" pangungulit nito.

Tumayo siya at tinungo ang pinto. "Ayoko. Hindi ko kilala ang isang iyon. At saka, hindi Sammy ang pangalan ko kundi Meguru. Tawagin mo akong Meguru."

Pinigilan siya nito sa pag-alis. "Sandali, Sammy!"

'Ang bilis! Nagteleport?!' "Ba-Bakit?" 'At sabi ko Meguru!'

"Sorry... Hindi mo pa rin ba naaalala kung sino ako?" kumapit ito sa kamay niyang hawak nito.

'Whoaaaa... t-that's! Ah, no no!'  iwinaglit niya ang naisip at inalis ang kamay nito. "Sorry din, pero hindi ko talaga maalala. May trabaho pa akong gagawin kaya, kung gusto mo magpahinga ka muna sa guest room."

Tumango ang babae sa kaniya. "Sige. Sorry sa abala." napayuko ito at napapasulyap habang naglalakad palayo.

She saw her make a sad face... but she just can't sympathize dahil nga... hindi niya ito matandaan. 'Hnggg why indeed?'

Nagpatiuna itong lumabas ng kusina at nagtungo sa guestroom kung saan inilagay niya ang bagahe nito.

She sighed. Nang masiguro na nasa loob na ito ng guestroom ay pa-ninja style na mabilis siyang lumayas ng apartment.

Paglabas ay nagtatakbo naman siya patungo sa elevator at pinagpipindot iyon pasara ng makapasok.

"Yey! I'm finally free!" she said like a spoiled little kid that finally got away from home. 

"And the taste of FREEDOM is really awesome!" Masayang napatawa siya ng mahina. "Hindi ko talaga maalala kung sino ang isang iyon... Marge? Hmmm. At bakit ba kailangan ko pang ipakilala ang masungit na gitaristang iyon sa kaniya? Hindi naman kami close! At hinding-hindi ako makikipag-close sa isang iyon."

Pinag-cross niya ang mga braso at kinausap ang sarili habang naghihintay sa pagbukas ang elevator.

Pagkarating sa ground floor ng condo ay biglang may sumagi sa balikat niya at ng makita kung sino ang dumaan ay bigla siyang nakaramdam ng panlalamig ng katawan.

'Wait! Chill out, me! L-Let's pretend I didn't say anything! Haha!' pagkukumbinsi niya sa sarili. Pero ng tumingin sa kaniya ang lalaki ay napa-atras siya.

"Miss writer, hindi mo naman kailangan ipagsigawan na hindi mo ako gusto." and he passes by her.

"Nah--?!" 'That arrogant attitude! So irritating! Hindi mo rin naman kailangan sabihin sa ganyang paraan, diba? Oi READER-SAN! Don't misunderstand! It's not what you think! pinigilan niya ang pinto ng sumara iyon at mabilis na lumabas.

Nakipag-sabayan siya sa paglalakad kay Arci. Sinulyapan siya nito and grinned.

'Kahit nakakainis ang lalaki na ito, wala akong choice but to clear that... Pero,' she clenches her fist at pinigilan ito sa paglalakad sa pamamagitan ng pag-stop sa harapan nito at harangan ang daan. She bit her lower lip at tiningnan ito sa mga mata kahit naka-sunglasses ito.

"A-Arci! Wi-Will you... meet me... tonight. At that cafe' from before...?"

Namula ang buong pisngi niya ng masabi na iyon, as she bit her lower lip. Tiningala niya ito pagkatapos.

Arci removed his glasses at niyukod siya dahil napaka-tangkad nito. His eyes met hers and he smirked. 'So cool. Ikemen!'

Looking up close, this guy is so handsome. No wonder he's so popular. Pero ito ang unang pagkakataon na makita niya ang mga mata nito sa likod ng sunglasses na araw-araw nitong suot.

She blushes even more ng ma-realized na talong-talo siya rito.

"What? Are you inviting me for a date?"

"Eh?"

END

Their Love Begins (Mystic Messenger)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin