Chapter 1

93 8 6
                                    

Ianne's POV:

"Ano?! T-teka. Dad, mukhang di ko kaya yang pinapagawa mo! Ako?! Paghahandle-lin mo ng isang mafia group?!" Okay what a morning -.- Ganda talaga ng umaga ko -.- Umagang umaga bungad sayo ng tatay mo ikaw ang gagawing leader ng mafia group nila. Pakshet naman! Seryoso ba 'tong tatay ko?! Alam ko may kakaibang side ako. Magaling ako sa maraming martial arts at madami akong alam pagdating sa mga baril at iba pang armas pero di ko naman lubos maisip na itong tatay ko ay gagawin akong leader ng mafia namin!

"Sige na anak. Pumayag ka na. Ikaw lang ang maasahan ko sa pamumuno ng MLG. Kailangan ka nila. Di ko na kasi kaya pang pamunuan ang MLG dahil masyado na akong matanda. Wag ka magalala, di lang naman ikaw ang mamumuno sa MLG. Maghahanap ako ng makakatulong sayo." Bakit ba ang kulit ng tatay ko?! Nung nagpasabog ba si Lord ng kakulitan madaming nasalo tatay ko?

"Si Iaeia na lang kasi. O kaya si kuya Kyle? Sina Kyla at Kaizer? Magaling din naman sa mga armas yun eh. Magaling din naman siya sa martial arts. Sila na lang dad wag ako." Bagot na sagot ko. Si Iaeia ay ang kambal ko at yung iba pang nabanggit ay mga kapatid ko din. Dami naming noh? HAHAHAHA si kuya Kyle and panganay sa aming lahat. Sumunod kami ni Iaeia na kambal but ako ang mas matanda sa amin kaya ako ang ate niya. Then sumunod ay isa pang kambal na sina Kyla at Kaizer. Katulad ko, nagaral din sila ng martial arts at mga about sa iba't ibang armas. Kung tinatanong niyo kung bakit kami nagaral niyan magkakapatid? Dahil sabi ni dad kakailanganin daw namin ito. Yun pala kailangan naming matutunan yun dahil isasali niya kami sa mafia group niya na itinayo niya noong mga bata pa lang kami magkakapatid.

"Hindi sila pwede. Dahil wala akong tiwala sa pamumuno pagdating sa kanila. Sa inyong magkakapatid, ikaw lang ang nakitaan ko ng potential na mamuno sa MLG kaya please Ianne, anak, pumayag ka na." Haaaaays ang kulit talaga ng tatay ko. Ano pa bang magagawa ko?

"Sige na po. Sige na. Pumapayag na po ako." Bagot na sagot ko at umakyat ulit papunta sa kwarto ko.

"Salamat talaga anak! Tatawagan ko lang ang kaibigan ko tungkol sa makakasama mo sa pamumuno ng MLG huh?!" narinig kong sigaw ni dad mula sa baba. Haaaaaays napilitan lang talaga ako sa totoo lang eh! Ayoko talaga nito pero ano ba magagawa ko? Naawa na din ako kay dad. Masyado na siyang matanda para pamunuan pa ang MLG (Mafia Legendary Gangsters). Napakaimportante kay dad ang grupo na ito kaya ganun na lang siya kadesperado na gawin akong leader ng MLG dahil ayaw niya ito mabuwag.

Ako nga pala si Ianne Francisco. Kahit marunong ako sa mga martial arts at armas, I am actually a nerd. I love reading books and may pagkamatalino ako. Weird noh? Isang nerd na magaling sa martial arts at iba't ibang armas? HAHAHAHA yan din ang tingin ko sa sarili ko minsan but sabi nga di ba, lahat ng tao may tinatagong katangian? So this is my other side. Sobrang kabaliktaran ng normal na AKO.

Pagkatapos sabihin ni dad sa akin na ako na daw ang mamumuno sa MLG ay umakyat agad ako sa kwarto ko at nagsimula magbasa ng libro ko. Labag talaga sa kalooban ko na ako ang mamuno sa MLG pero wala eh! Mapilit si Dad pero naalala ko yung sinabi niya kanina na may makakatulong ako sa pamumuno ng MLG? Sino kaya yun? Nacu-curious tuloy ako.

Napatingin ako sa orasan ko at nagulat ako dahil 10:30 am na! Eh 11:30 am start ng classes namin! Dali-dali akong naligo at nagprepare. Sinuot ko na ang aking damit at salamin at sumakay na sa aming kotse. Makalipas ang ilang saglit nasa school na ako. Bumababa ako agad at tumakbo papasok ng campus. Tumingin ako sa relo ko.

"Hala! 11:25 na! Late na talaga ako!" sabi ko sa sarili ko. Mas binilisan ko pa ang takbo ng may bigla akong nakabangga na lalaki. Ano ba yan?! Kitang na nagmamadali ako eh!

"Sorry! Nagmamadali lang!" sabi ko ng di man lang tumitingin sa kanya. Tatakbo na sana ulit ako ng bigla siyang magsalita.

"Di kasi tinitignan yung dinadaanan. Next time kasi kung ayaw mo malate pumasok ka ng maaga. Tsk." sabi niya. Aba! Sumasagot pa! Sasagutin ko pa sana siya ng bigla ulit siyang magsalita

Mafia Legendary Gangsters (MLG) [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon