Chapter 3

23 2 0
                                    


Ianne's POV:

"Alam ko na po ang lahat nang tungkol sa kanya. At kapag sinabi ko pong lahat, as in LITERAL na LAHAT" Napalunok ako nang dahil sa sinabi niya. Shaks! Sobrang nakakatakot naman tong mapapangasawa ko! Ni siguro pagpalit ko nang napkin alam nitong lalaking to eh!

Kikuhain ko sana ang tubig sa harapan ko para makainom pero kapag minamalas nga naman, nagkataon na natabig ko yung baso imbis na makuha kaya naman natapon ito sa table naming at ang iba ay napunta sa damit ko so it means basang basa na ako ngayon!

Tumayo ako at kumuha nang tissue para ipunanas sa table na basang basa na din nang tubig.

"Sorry po talaga. Di ko po sinasadya." sabi ko habang busy pa din sa paglilinis. OMMO! HALOS LAHAT NA NANG TAO DITO SA RESTAURANT SA AMIN NA NAKATIINGIN! ANO BA NAMAN KASING KALOKOHAN PINAGGAGAGAWA KO?! WALA NA ATA AKO SA WISYO EH

"It's ok, Ianne. Di mo naman sinasadya eh at saka isa pa, look at your dress. It's soaking wet already." sabi nang tatay ni Warren

"You know what, Warren? Both of you should go to the mall for a moment so that you could buy Ianne new clothes" dagdag pa nito.

"Sure, pa" sagot naman ni Warren tapos biglang tumingin sa akin nang may nakakalokong ngiti. PATAY TAYO NIYAN! May masamang binabalak tong si Warren Leigh Min sa akin ah!

Tumayo si Warren at naglahad nang kamay sa akin to escort me pero dahil wala naman akong magagawa ay tinanggap ko na lang ito kahit sobrang ayaw ko talaga. Jusko kung di lang talaga ako para sa pinakamamahal na mafia group ni papa tong ginagawa ko, SIMULA PALANG SUSUKO NA AKO!

Habang naglalakad kami papuntang banyo ay nakita ko na nakangiting tagumpay si Warren. Nakakainis yung ngiti niya. Sarap niyang bangasan sa mukha sa totoo lang!

'Di kaya siya may pakana lahat ng ito? WTH! MAKAKAPATAY NA TALAGA AKO NG TAO!

Nang maisip ko yun ay bigla kong tinanggal ang kamay kong hawak niya kanina pa. At bigla ko siyang tinarayan. Cross arms plus chin up plus taas kilay equals SUNGIT MODE!

"Sabihin mo nga sa akin, ikaw may pakana lahat ng 'to noh? Sinasadya mo na talaga eh!" pasigaw kong sabi pero pabulong kay Warren

"Sorry Ianne, di ako ganung tao" sabi niya sabay smirk na naging dahilan nang mas lalong pagkainis ko. Dahil madaming tao ay pinigilan ko na lang ang sarili ko na patulan siya. Bigla na lang siyang umalis sa kinatatayuan niya. Nako! Mabuti naisipan niya yun kundi magugulpi ko na talaga siya!

Pumasok na ako sa loob ng banyo upang punasan ang basa kong damit

"Shaks lagkit naman nito" pabulong na sabi ko sa sarili ko. Nagulat ako nang may biglang nag-abot sa akin ng wet tissue or wipes para pamunas.

"Here" sabi niya. Tinignan ko siya, nagmamake-up siya eh but I think I already met her before. After niya maglipstick ay hinarap niya ako. Napatagal ata titig ko sa kanya

"May problema ba?" sabi niya

"Wala naman. But wait, have we met before?" tanong ko sa kanya. Parang nakita ko na kasi siya somewhere pero di ko maalala kung saan at paano. Di muna siya nakasagot at sa tingin ko napaisip din siya sa tanong ko.

"Hmm di ko maalala eh pero sa tingin ko hindi pa tayo nagkikita." sagot niya

"Ahh ganun ba?"

Siguro naman imagination mo lang na nakita mo na siya, Ianne?

Mafia Legendary Gangsters (MLG) [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon