Chapter 4

15 1 4
                                    

Ianne's POV:

Ano bang nangyayari dun sa lalaking yun? Biglang tinoyo! Kausap ko lang naman si Danger tapos... Ay teka nga lang. Ano ng ba ulit yung sinabi kanina ni Warren kay Danger? Magbestfriends daw sila noon?! And si Danger ang sumira nang gang nila? Watdapudge is dat?! Kaloka naman yung revelation na yun huh? Di ko expected! Pero kung magbestfriends sila noon, bakit naman nagawa ni Danger ang ganung bagay sa gang nila? And bakit naman nagawa ni Danger na saktan si Saphire? Di naman niya siguro gagawin yung kung walang dahilan di ba? Haaays ang complicated naman masyado nang mga nangyayari. Di ako sanay. Feeling ko mas lalong gugulo buhay ko simula ngayon.

Nasa kotse kami ngayon ni Warren at papunta kami sa pinakamalapit na mall gaya nang sabi nang tatay niya. Kanina pa walang nagsasalita sa aming dalawa. Jusko po parang mabibingi na ako sa sobrang katahimikan!

Magsasalita na sana ako nang biglang magsalita si Warren.

"Gaano mo na katagal kakilala si Danger?" seryosong tanong niya sa akin pero nakatingin pa rin siya sa daan habang nagdadrive.

"Ahm actually di ko talaga siya ganun kakilala. Nalaman ko lang ang about sa kanya kay Dad. Sabi niya si Danger Frost daw ay ang leader ng MDD gang. Eh ikaw? Gaano mo na siya katagal na kilala?" tanong ko sa kanya pero imbis na sumagot ay tahimik lang siya na nakatingin sa daan na para bang walang narining.

Aba bastos tong lalaking to ah! Nung siya nagtanong sinagot ko samantalang nung ako na nagtanong na snob ako!

Tumingin na lang ako sa bintana para ba hindi mahalata na naiinis na ako sa kanya.

"Kung iniisip mo na bastos ako dahil di ko sinagot tanong mo bahala ka mainis diyan" nanlaki bigla ang mata ko at napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya. Seryoso pa din siya nakatingin sa daan.

NAKAKABASA BA NANG INIISIP TONG SI WARREN?!

"Kababata namin ni Saph si Danger" nagulat ako nang bigla niyang sinabi yun. Tahimik lang ako na tumingin at nakinig sa kanya kasi mukhang may sasabihin pa siya

"Nakilala namin siya noong grade 6 si Saphire at ako naman ay 1st year highschool. And that was 7 years ago" duktong niya at ako naman ay patuloy lang na nakikinig sa kanya.

Warren's POV:

*FLASHBACK*

Bagong lipat kami ngayon sa isang exclusive na subdivision. Pagkababa na pagkababa ko nang sasakyan ay pumasok agad ako sa bagong bahay namin. Ayos na lahat nang mga gamit. Nililibot ko nang tingin ang bago naming bahay nang biglang pumasok si Saphire.

"Kuya! Tara laro tayo!" yaya sa akin ni Saphire. Umiling na lang ako bilang sagot sa kanya. Ako kasi yung tipo nang tao na loner. Di ko trip ang pakikipagsocialize sa ibang tao. Mas gusto ko pa ang magisa kaya ang mga tao sa paligid ko, nilalayuan ko. Ang mgatao lang na di ko nilalayuan ay ang pamilya ko. Si Saphire, si Papa, pati si Mama bago pa siya mawala. Ni isa wala akong naging kaibigan. Sabi nga ni Saphire anti-social ako eh. Yan kasing batang yan madaming kaibigan. Total opposite ko kung baga. Ako tahimik lang, siya naman sobrang daldal. Siya friendly, ako loner. Marami kaming pagkakaiba pero iisa lang ang pagkakapareha namin. Yun ay kapag nagalit kami ay iba. Nanunugod! May pagka war freak pero mas malala si Saphire kesa sa akin

"Sige na kasi kuya! Wag ka na kj! Sige ka magagalit ako" pagbabanta niya sa akin na bakas na sa mukha niya ang dark aura niya. Jusko ayan na yung panakot niyang tingin. Napabuntong hininga na lang ako at nilapitan siya.

"Hays sige na nga. Ang kulit mo masyado, Saph" sabi ko sa kanya at nanuna nang maglakad papalapit sa pinto. Tumakbo siya papalapit sa akin at isinukbit ang mga braso niya sa braso ko at tinignan ako nang nakangiti

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mafia Legendary Gangsters (MLG) [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon