Chapter 4 : Tense

7.6K 316 7
                                    

Hinay-hinay lang Andress, hinay-hinay lang.

Napansin kasi ni Andress na napapalunok si Giana sa sinabi niya. "I was a marine sniper in Syria back then." dagdag niyang sabi, hoping that would be enough of an explanation.

Kahit pa hindi niya malinaw na nakikita ang mukha ni Giana sa dilim, pero alam niyang nahihintakutan ito sa kanya. Bigla kasi itong nanahimik at napahalukipkip sa gilid ng sasakyan. Kaya hindi na siya magtataka kung mawawala man ito bigla sa bahay niya kasama ang pamangkin. Pero lang nangako siya kay Ara bago ito nawala, na hindi niya pababayaan ang kapatid at anak nito.

"Wag kang matakot sakin, okay?" malumanay na saad niya, and used his calm "trust me" voice.

Noon kasi palagi nalang siyang mapagkamalan na DJ dahil daw sa ganda ng boses niya sa telepono. Kaya nga yong mga dati niyang nobya nililigawan ra niya via phonepal at sasagotin naman agad siya kahit hindi pa siya nakikita ng mga ito.

"Hindi ko na sana dapat pinaalam sayo. Kung makatingin ka kasi para akong ax murderer." He peered at her through the semidarkness, trying to make eye contact, but the dim light made it impossible.

"Alam ba ni ate Ara kung ano ka?"

"Oo, alam niya. But it didn't seem to bother her."

There was a long pause. Ano pa ba ang pwedeng pagkwentohan nila? isip-isip Andress.

"Well, that makes sense." She sounded steadier and more confident now. "I mean, it doesn't really have anything to do with Aedan or what you're doing here, right?"

"Right." sagot pa niya.

Working with Aedan had everything to do with what he was doing here and what he used to do. Pero syempre, hindi niya pwedeng ipaalam kay Giana ang tungkol don. Hindi pa sa ngayon.

"Yan pa rin ba ang trabaho mo hanggang ngayon?" tanong sa kanya ni Giana.

"Ang pagiging sniper ko ba ang tinutukoy mo?"

"Yes."

"Hindi na pwede ngayon. May back injury ako." Hindi na kailangang e-elaborate pa niya sa babae ang nangyari sa kanya. Kaya bago pa lumalim ang kanilang pinag-usapan kailangang mailihis na niya ito sa ibang paksa.

"Bakit anong nangyari sayo?"

Huli na. Dahil naunahan na siya sa tanong nito.

"Uchosera ka rin pala ano?" kahit na pilit niyang tinatago ang iritasyon, pero hindi pa rin niya maipagkaila sa kanyang boses.

"Ganito talaga ako. I ask inappropriate questions. Gusto ko nga sanang mag reporter eh." bulalas pa ni Giana.

"Ang cute mo."

"Really? Pero kailangan mo pa ring sagotin ang tanong ko?"

"Natamaan ako nong huling digmaan sa Syria, nahulog ako sa mataas na lugar kaya nagkaroon ako ng back injury." He felt her eyes on him through the darkness. She really looked at him, kaya tuloy nate-tense siya.

"Nagbibiro ka lang, di ba?" di makapaniwalang saad nito. "Hindi ka naman mukhang disabled."

Mabuti nalang at madilim sa loob ng kotse dahil kanina pa talaga siya namumula sa mga titig ni Giana, kahit pa kalalaki niyang tao. "Medyo naka recover na kasi ako, I have to do physical therapy and weights to keep my back strong."

"So nag gi-gym ka araw-araw? Shocks! Opposite pala tayo dahil may katamaran ako sa pag gi-gym."

Nanahimik na rin si Giana pagkarating nila sa kanyang bahay. Sa wakas nasa bahay na rin sila, thank God. Saka pinatay na niya ang makina ng sasakyan. "Here we are. Tara pasok na tayo sa loob."

Pero nang tingnan niya ang bata sa back seat nakatulog na ito. Giana turned around to stare at Aedan as well.

"Buksan mo ang pinto sa likuran dahil bubuhatin ko si Aedan." turan ni Andress kay Giana. "Kung hindi siya magigising sa pagbuhat ko, maswerte tayo dahil hanggang umaga na ang tulog niya."

Iniwan muna niya sandali ang magtiyahin sa sasakyan para buksan ang pintuan ng bahay niya. Pumasok siya sa loob at inayos muna niya ang magiging kwarto ng magtiyahin. When he got back to the car, nakita niyang pinagmasdan lang ni Giana ang natutulog nitong pamangkin.

"Sigurado kang kaya mo siyang buhatin? how about your back injury?" panigurado pa ni Giana.

"Its okay, as long as I lift with my knees."

He positioned himself in a squat and pulled the forty-pound child into his arms. Without speaking, Giana followed him up to the porch steps. Nagpaiwan lang si Giana sa baba at siya na ang nagpatuloy sa pag-akyat sa hagdan para dalhin sa kwarto si Aedan.

Pagkalapag niya ni Aedan sa kama, bigla na naman siyang na tense knowing na nasa baba lang si Giana at sila nalang dalawa. Putragis naman oh, what was he going to do with her?

*****

Tough Hunks Series (2) Andress : The DauntlessWhere stories live. Discover now