Chapter 17

2.1K 67 4
                                    


Pilit kong inaalis sa isipan na gusto ko ang amoy na iyon. No. It can't be. Nagkakamali lang ang pang-amoy ko. It can't be her blood. No way.

"Ano? Nalagyan na ba ng band aid?" I heard Chloe asked mylene. Tumango si Mylene at hinawakan ang daliring na-paper cut. Natabunan na ito ng band aid and thanks god nawala narin ang amoy. But then... It is true.. Totoo ngang dugo niya ang naaamoy ko. But how? I've never been encountered this. Hindi ako kailanman nag crave sa dugo!

"Uso kasi ang mag-ingat Lene." Biro sa kanya ni Cynthia. I heard mylene's luagh bago ako huminga ng malalim at unti-unting lumapit sa kanila.

I can't help but to bit my lip. The blood isn't there anymore but the smell of it is still fresh in my nose. Umiling ako and went outside the classroom.

Hindi ko kaya. Bumibilis ang pintig ng puso ko sa kaba at sa mga naiisip ko. That dream earlier was so real. And that guy...

"Trix!"

Napasinghap ako sa biglaang paghawak ni Cynthia sa balikat ko. Nanlalaki ang mga matang hinarap ko siya. Goodness! Why am I like this?!

Kumunot ang noo niya at binitawan ko. I sighed avoiding her stares.

"Saan ka pupunta? Are you really okay?"

Tumango ako. "Yes. Uh, mag C-cr lang sana." I fake a smile bago umatras ng kunti sa kanya. I gulp when my eyes went on her neck. Umiwas kaagad ako ng tingin and sigh again.

"You don't look like you're fine..."

Nag amba siyang hahawakan ang balikat ko ngunit umiwas ako. She looks so confused. Umiling ako at umatras muli.

"I'm sorry Cynthia but i really need to go. Bye.."

Hindi ko na siya hinintay na magsalita. Tinalikuran ko na siya at mabilis na nilisan ang corridor. Tinakbo ko ang parking lot at sumandal sa kotse ng kanino man. Pinikit ko ang nga mata at pinakiramdaman ang sarili.

."this can't be happening." I whisper. Muling umihip ang mabinig hangin na ikinagulat ko. I'm in the parking lot and the wind like that can't enter here...

Tumayo ako at inikot ang paningin. May nakikita naman akong mga estudyante na nagsipuntahan na sa kani-kanilang sasakyan. Pinilig ko ang ulo sa naisip nang titigan ko ang isa sa kanila. The girl's hair is on a messy bun and her neck is showing that gives me goosebumps.

Huminga ako ng malalim. What happened to me?.. Bakit... Bakit ako nagkaka ganito?

I decided to left the parking lot and went outside the campus. Mas mabuti pang lumayo lumayo muna sa lugar na maraming tao. Alam io sa sarili ko na nagbabago ang pang-amoy ko. Alan ko rin na dahil ito sa napanaginipan ko.

Halos matumba ako habang naglalakad palabas ng campus. Hawak hawak ang sikmura at pinilit kong inaalis sa isipan iyong naamoy ko kanina.

I'm a vampire, yes. But this feeling is different. Bampira ako pero bakit...bakit parang ayaw ko na ganito ako?

"Trix..."

Napaangat ako ng tingin sa isang bulto ng tao sa harapan ko. And when I saw his face, my eyes suddenly watered.

"E-erick.." I call him. Ang ekspresyon sa kanyang mukha at nagpapakita sa akin na Alam na niya ang nangyayari. Umiling ako. He stepped forward at kaagad akong niyakap. Ang luha ko naman ay walang tigil sa pag-agos.

Umiiling ako habang inaalala ang lahat. Ang panaginip ko.. Ang dugo... Bakit ganito?

"I'll take you home." Aniya at hinarap ako. He wiped out my tears and touch my cheek. Nagkatitigan kami and I know what he's thinking right now..

"Why?" Is all I can say.. Ang daming tanong..ang daming bumabagabag sa isipan ko ngayon. Erick sigh and stared at me intently.

"You're a vampire Trix.."

Aniya na nagpahinto sa akin .  I am. I knew that already... Napayuko ako at muking nasapo ang mukha dahil sa napagtanto.

Bampira ako na namuhay sa mundo ng mga tao. Bampira ako na kumakain ng pagkain ng mga tao... But that was before... Simula sa insidente kanina at napagtanto Kong huli na ang lahat... Bampira ako at mananatili akong bampira.. No matter what.

Muli Kong naramdaman ang ihip ng mabining hangin. Ramdam ko ang hininga ni Erick hudyat na sobrang lapit na niya sa akin. Kinagat ko ang labi upang mahinto ito sa panginginig.

"I-i know... I-i'm a vampire and.. A-and-"

Napatigil ako nang magsalita siya.

"A vampire drinks blood Trix... Alam mo iyon." Napatingala aio sa kanya. Umiling na unatras ako para magkaroon ng tamang espasyo sa aming dalawa. Oo tama sya.. We vampires are like demons for human. We vampires kill people and drink their bloods. Pero hindi ko gusto ang gawaing iyon! Bampira ako pero ayokong uminom ng dugo ng tao!

I saw how Ericks's eyes change what it's feel. Mula sa seryoso at nakikitaan ko roon ang sakit. It's as if he already read what's on my mind and just wait for me to speak it..

"Erick bakit noon ay hindi naman ako ganito? Bakit noon hindi naman ako naaakit sa dugo.." Hinawakan ko ang kamay niya. He looked at me with an unknown expression on his eyes.  "...Why... What happened to me Erick?"

Halos magmakaawa ako sa asawa ko nang sabihin iyon. Ang mga tingin niya at nanatili paring ganoon. Ngunit nakikitaan ko ang hinanakit mula sa mga mata niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palapit sa kaniya. He hugged me and kissed my forehead. Nagulat ako dahil soon kaya bahagyang huminto ang agos ng luha ko.

But what he whispered makes me feel guilty....

"Patawad...patawad kung ginawa kitang katulad ko. Simula palang Alam ko na na mangyayari ito pero ginawa ko parin. I'm sorry.."

Napatulala ako. Ramdam ko ang hinanakit ni Erick sa kanyang mga yakap. Napayuko ako at kinagat na lamang ang labi dahil sa mga pangyayaring tumatakbo sa isipan ko . Bakit... Bakit ako nagkakaganito?

Bakit pakiramdam ko... Gusto Kong bumalik sa dating ako? Sa taong ako...

"E-erick..." Banggit ko sa pangalan niya nang hindi kumakalas sa kanyang pagkayakap. Hindi siya nagsasalita pero Alam ko na nakikinig siya.

Mas humigpit ang pagkayap ko dahil sa mga salitang gusting lumabas sa labi ko..

Gusto Kong takbuhan ang kung anong meron sa akin ngayon. Gusto Kong makayanan ang lahat ng ito..

"...please help me...*sob* Help me to get over this.*sob* Please!"

xxxxxxxxzxxxxz
AN: sorry for the late and lame UD. Really, sunod sunod lahat ng Gawain sa school. Pero nagawan ko naman ng paraan. Iyon nga lang ay sabaw talaga T_T sorry po! Enjoy and keep supporting!
Godbless.

The Vampire's Wife (AAKB BOOK 2)Where stories live. Discover now