Chapter 24

2.1K 51 17
                                    

Erick's side..

Kinabukasan... Lahat ay naging abala sa pag-aayos ng mga gamit panlaban para mamayang gabi.  Even the great five warriors  are all prepared and worked up for the battle. Lahat ay may kanya-kanyang pinag-aabalahan.. Maliban kay Erick na nakaupo lamang sa veranda at malayo ang tingin.  Tila malalim ang iniisip. Nakita siya ng kanyang kapatid kaya lumapit ito sa kanya.

"you should rest kuya.. " alalang tono ni paula. Hindi parin lumilingon sa kanya si Erick pero alam nito na naririnig siya ng kanyang kuya. Huminga ng malalim ang dalaga at napayuko... Erick is hurt. Masakit at ramdam niya ang sakit ng kapatid niya..

"Kung sana ay binantayan ko nalang siya sa kwartong iyon... Hindi sana mangyayari ito."

Blangko. Blangkong ekspresyon ang makikita sa mukha ni Erick habang sinasabi niya ang mga katagang iyon. Ngunit masakit. Damang dama ang sakit.  Napaiyak si paula at kaagad na niyakap ang kapatid.

"I'm sorry kuya. I.. I can't even do something for ate... Pinapangunahan ako ng takot, na baka... Na baka tama ang nakalagay sa propesiya. Natatakot ako para kay ate, at sayo. " patuloy parin ito sa pag-iyak. Nanatili lamang blangko ang mukha ni Erick. 

Ang propesiya... Kung pwede lang baguhin ang nakasulat sa propesiya ay ginawa na niya. Ngunit hindi, dahil iyon mismo ang nakatadhanang mangyari... at wala silang magagawa kundi ang tuluyang ilayo si trix sa kapahamakan.

Sa panandaliang katahimikan ng magkapatid ay bigla namang bumukas ang pinto at niluwa roon ang isang babae...at si Russel. Napatayo sa pagtataka si Erick at hinarap ang mga ito.  Kilala niya ang babaeng ito.

"anong ginagawa ninyo dito?" Agad na tanong nito sa bagong dating.  Humakbang si Russel at hinarap si Erick.

"We heard the news.. We're here to help-"

Hindi pa tapos ay nagsalita kaagad si Erick.

"We don't need your help. Baka nakakalimutan mo, ikaw ang kumidnap sa asawa ko noon!" parang kulog sa lakas ang tono ni Erick.  Kaagad ding lumalim ang tensyon sa loob ng silid.  Mabilis naman siyang hinawakan ni paula sa braso at tinahan. 

The girl beside russel laughed.  Umiiling ito at hinarap naman si Erick.

"Past is past,  Prince Erick... Why we're here is because we wanted to help. Hindi iyon isang katanungan kaya hindi namin kailangan ang sagot ninyo. Andito kami para lang mainform naman kayo kahit papaano."

Pagkatapos noon ay kaagad na naglaho ang dalawa.  Erick's fist stiffened.

"I really think they're serious, kuya." matamang saad ni paula bago nilisan ang silid. 

Naiwang nakatulala ang prinsipe bago huminga ng malalim. 

"Dether.." tawag nito sa pangalan ng assistant.  Kaagad namang sumulpot sa kung saan ang lalake.

"Master.."

"Prepare our men.  Call the Five Warriors... At huwag mong hahayang sumama si Paula sa laban."

"I will, sire."

---------
Paula's side...

Handa na ang lahat. Espada, damit na susuotin sa laban, at mga iba pang kailangang dalhin mamaya ay kompleto na sa harap ni paula.  Kasama ang kaibigan na si akira ay inisa-isa nila itong binalot sa tamang lalagyan. 

"Mahal na prinsesa, mag-iingat ka po doon. " wika ni akira na kaagad nginitian ni paula.  Pumwesto ito sa beranda at tinanaw ang mga tauhan sa palasyo na abala sa paghahanda ng mga gamit pandigma. She sighed.

The Vampire's Wife (AAKB BOOK 2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora