Chapter 8: Rebirth of Elzevier

369 43 0
                                    


Hello sa mga Readers diyan! Ito pala ang mga names ng Selected Readers na nagencourage sa akin to keep on writing!

Kay Eichiro_Maruo na napa 'Aba realistic ah'

Kay iamQueso na nagpromote ng story ko! Salamat sayo sir!

at kay CreamZone na nagmessage talaga sakin! Salamat sayo!

At sa lahat ng readers at followers diyan! Keep on reading and voting! Salamat sa inyo!

Here you go! New update

**********************************

Agad naman akong hinigop ng isang puting ilaw at sa isang iglap ay nasa harap na ako ng bahay ni Ginoong Lucius.

"Bumalik ka na pala Ez" bungad ni Ginoong Lucius.

"Hali ka at ihahatid kita sa magiging pansamantalang bahay mo" Ginoong Lucius.

Naglakad naman kami patungo sa magiging tuluyan ko dito sa Elzevier. Ilang saglit lang ay nasa harap na kami ng isang maliit na bahay na parang bahay sa Medieval age na isang bahay kubo lang.

"Ito na ang magiging tuluyan mo Ez" saad ni Ginoong Lucius.

"Salamat po Ginoong Lucius" saad ko.

"Walang ano man iyon Ez. Siya nga pala, bukas na bukas din ay magsisimula na tayong magkumpuni ng bayan" saad ni Ginoong Phylom.

"Sige po" saad ko naman.

Pagkatapos ay agad na akong pumasok sa loob ng bahay. Mayroon itong kama, mesa at mga upuan. Meron itong isang kwarto, dining room at living room.

Agad kong tiningnan ang oras, gabi na pala ngayon sa totoong mundo at limang na oras na pala akong naglalaro.

Kaya hinanap ko muna ang Log-out button at naglog-out.

***********************

Pagkamulat ko ay agad ko nang tinanggal ang Ocullus Rift Gear sa aking ulo at tiningnan ang oras.

9:23 p.m. na pala.

Kaya agad akong bumaba at pumunta sa kusina. Pagkababa ko ay wala nang tao at malamang tulog na si yaya Melds kaya agad na lang akong kumuha ng pagkain sa refrigerator.

Dinala ko na lang ang pagkain ko sa kwarto. Pagkatapos ay naglaro na ulit ako ng Legends of Heroes dahil may gagawin pa ako sa game bago ako matulog.

"Start!" sigaw ko.

Agad ko namang iminulat ang aking mga mata sa loob ng bahay na ibinigay sa akin ni Ginoong Lucius.

Kinuha ko naman ang isang aklat sa loob ng aking inventory, 'Book of all Magic'.

Binuksan ko ang isang pahina nito at doon ko nakita ang isang uri ng mahika, 'Creation Magics'

Creation Magics

Magics used to create something using certain materials. This uses certain amount of mana depending on what you wanted to create. You can create anything you want like buildings, new magics and even new races.

Hindi ako makapaniwala na mayroong ganitong skills ang Universal Mage. Kaya naman parang mapatalon ako sa tuwa dahil kailangan ko ito para ayusin ang buong bayan ng Elzevier.

'Kung siniswerte ka nga naman! Hahaha'

Binuksan ko pa ang iba't-ibang pahina ng aklat at nakita ko ang iba't-iba pang uri ng mga mage pati na ang mga mahika na pwede kong magamit.

Magic Knight

You can use any elemental magics and turn them into weapons and even armors of certain magic spirits depending on your mana points.

Legends Of HeroesWhere stories live. Discover now