Peek to his Feelings

7.3K 301 21
                                    

Pagka-tapos ng tanghalian kasama ng ibang student council representatives na-isipan kong mag-libot libot sa hacienda. Ang hacienda ni Brix. Kaasar talaga, I can't believe I'm on my number1 enemy's turf!

Hindi ko napigilan ang sarili ko kanina at inulan ng tanong ang kawawang kasambahay, napag-alaman kong kay tita Alice pala ito at na-ipamana kay Brix noong mamamatay siya. Meaning, we were 10 years old when he became an official 'haciendero'. With a land this vast, I'm totally envious! Baka limang taon pa bago ako bigyan ni daddy ng posisyon sa kompanya habang si Brix ay namamahala na ng sariling lupain. That's so unfair!

Sinipa ko ang may kalakihang bato, sinundan ko ng tingin ang pag-gulong nito. Tumama iyon sa isang pares ng paa, tumaas ang tingin ko sa may-ari ng mga paang iyon. Kayumanggi-iyon ang una kong napansin sa kanya. Naka-suot siya ng sombrero, isa siyang cowboy.

"Magandang tanghali po young mistress" magalang niyang sabi ng hindi inaalis ang tingin sa mukha ko. I made a face.

"Pati ba naman ikaw! Cut it out already!" napa-ngiti naman siya.

"Ako nga po pala si Salvador" he extended his right arm, out of congeniality, I shook it.

"Huhulaan ko Ador ang nickname mo"

"Pwede nyo na palang palitan si madam auring, young—" pinutol ko ang sinasabi niya.

"Hep! Sabi ng tigilan na 'yan eh. CJ nalang."

"Pero magagalit po si young master" I rolled my eyes.

"Bwisit talaga 'yun, ganto nalang when he's not around CJ lang ang itatawag mo sa'kin. Kuha mo?" pinandilatan ko pa siya.

"S-sige po" nag-aalangan niyang sagot.

"Anyway, anong work mo dito?" sagot ko at nag-simula akong mag-lakad pa-punta sa ilalim ng isang puno, mabilis naman siyang sumunod.

"Under-graduate po ako sa pagka-beterinaryo. Ako po ang nag-aalaga sa mga kabayo dito." Na-upo ako sa damuhan.

"Talaga? Ibig sabihin magaling ka mag-horse riding?" interesadong tanong ko, sa buong buhay ko dalawang beses pa lang akong naka-sakay sa kabayo. And I intend to add a ride or two.

"Medyo po, tama lang"

"Can I ride? Na-iinip na kasi ako, mamaya pa daw mag-start ang meeting since nagpapa-hinga pa yung mga kararating lang."

"Wala pong problema, ipapaalam ko lang po kay young master." Tumalikod siya, mabilis kong pinigil ang kamay niya. Siguradong kokontra lang ang asungot na 'yun.

"No need, saglit lang naman eh. I'm sure that's fine with him" napa-kamot siya sa batok.

"Eh baka po malagot ako"

"Don't worry, akong bahala sayo" matapos ang ilang segundo humingi siya ng malalim tsaka pumayag.

"Sandali lang po kukunin ko lang ang kabayo."

Walang pang limang minuto, nakita kong siyang nag-lalakad palapit sa'kin habang hila-hila ang dalawang kabayo.

"Ito po si Innie" tukoy niya sa puting kabayo, napa-kunot ang noo ko.

"Sinong nag-pangalan sa kanya?" usisa ko pa, lumapit ako kay Innie at hinawak-hawakan ang kanyang buhok.

"Si young master po, isa s'yang curly o bashkir breed" nakaka-tuwa, kulot kulot talaga ang buhok at balahibo niya.

"Kaya nyo po bang mag-isa?" tanong niya habang sumasampa na ako kay Innie.

"Oo, mabagal lang naman kami. And you're just on our back right? Tara, ikutin natin ang hacienda nyo" mabilis naman siyang sumakay sa isa pang kabayo na kulay kape at puti.

M.I.F.P. (PUBLISHED under Lovelink)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon