Chapter 1

15.5K 324 19
                                    

Powers

Ace's

Naglalakad kami ni Lilah dito sa madilim na kakahuyan, gabi na, it's past 10pm I think at maganda ngayon kasi full moon, wala naman kasi kaming gagawin sa bahay at pinapayagan naman kami ng parents namin sa lahat. Yung paalam namin kanina ay may party ang isa naming kaibigan.

We are best of friends since birth. Our parents are very close to each other that's why growing up has never been lonely for me. We're also living close to each other.

"Ace bilisan mo naman, tara don sa batis." tinuro niya ang malinis na batis pero masyadong madilim. Hindi na masyadong kita ang paligid dahil ang full moon nalang ang nagbibigay ilaw sa dinadaanan namin. Peaceful.

"Ano ba kasing arte mo at gusto mo pang dito natin tanawin ang buwan." sabi ko ngunit hindi na siya nag salita at hinila nalang ako papuntang batis. Nadapa dapa naman ako dahil sa bato batong daanan at kakulangan ng ilaw para makita ang daan.

Umupo kami sa isang malaking bato at tinanaw ang full moon. Lilah and I fell inlove with the sky, it's therapeutic in some way. We learned to love and chase the majestic moon together with its tiny stars.

Growing up wasn't easy for me. I was often bullied for having a pure white hair. It's weird for them, sa 17 years ko nga naman sa mundong ito ay ako lang ang tinatanging mayroon na puting buhok sa lugar namin. A very natural white hair. Buti at sa nag daan na panahon, habang lumalaki kami, humapaw rin ang kantyaw nila dahil sa hindi pag mamayabang ay may angkin akong talino at ganda. Pretty face privilege.

"Hmm. I will never get tired of this." Lilah whispered, closing her eyes as the breeze embraced us.

I leaned my head to her shoulder pero agad din na nawala ang pagiging komportable ko nang naramdaman na naman ang mabibigat na mata na nakatingin sakin. Matagal ko na tong ramdam. Mula noong bata ako madaming pagkakataon ko na itong naramdaman. I didn't bother when I was a kid, but now I am tempted to know who it is.

"Par, tignan mo, may dalawang babae." Rinig kong bulong ng boses na may katandaan at ang mga tuyong dahon na nagsi-ingayan nang dahan dahan silang lumalapit.

Pareho kaming napatayo ni Lilah dahil sa kaba at takot. Pinagpawisan na akong ng malamig nang dahan dahan silang pumunta sa aming pwesto.

"Hi, Miss, mag-isa ba kayo?" Tanong noong may sumbrero. He showed a mischievous smile to us at kitang-kita ko na hindi maputi ang ngipin niya dahil sa mga itim sa gitna ng mga to.

Napa atras na kami ni Lilah sa takot, wala rin namang mga tao kaya wala kaming hihingan ng tulong dahil jusko sa kakahuyan ba naman naisipan pumunta. Wala kaming ibang choice kundi ang tumakbo para makatakas.

"Wag k-kayong lumapit." kinakabahang sabi ni Lilah at itinutok na ang kanyang sling bag sa lalaking dahan-dahang lumalapit samin. Naku naman, teh, anong panlaban niyang sling bag?

"Kung naliligaw kayo ay hayaan niyo kaming ihatid kayo sa labasan, Miss." sabi naman nung magulo ang buhok at lumapit sa akin, umatras ako nang umatras. I curse in my head when I felt a tree at my back.

Ano ba namang kamalasan to!

Hinawakan nya ako sa braso at dahil doon ay nasampal ko siya nang malakas, pero wrong move dahil mas hinigpitan nya ang pagkakahawak sa mga braso ko at nanlisik ang mga mata niya. Ang gaspang ng kamay niya at amoy na amoy ko ang alak galing sa kanya.

The instant regret of refusing my father's suggestion before to learn taekwondo consumed me. I insisted that I wanted ballet. Now, this is the consequences. Great.

"Tulong! Tulungan niyo kami!" sigaw ko na dahil nang sinubukan kong kumalas ay wala akong laban sa angkin nitong lakas.

"Ah!" Dinig kong daing ni Lilah.

Ethereal Royale: The Long Lost Empress Where stories live. Discover now