Chapter 4

5.3K 169 0
                                    

Friends

Ace's

Gabi na pero nandito ako ngayon sa labas at naglalakad para bumili ng snack namin. Naglalaro kasi kami tapos ang matalo ay uutusan. Kanina ang nautusan palang sa labas ay si Maverick na pinabili ng drinks tapos ako yung sunod na natalo kaya inutusan ako ni Lilah na bumili ng snacks na siyang nakatalo sa'kin. Hays, taksil.

Napapansin ko ring hindi na masyado tahimik at nakasimangot si Aika. Mas madaldal pa yun sakin e kaya nagtaka talaga ako nang ilang araw kung ba't siya tahimik lang at hindi nagsasalita. Napanis ata yung laway at napalitan na ngayon.

Wala namang gustong sumama sa'kin dahil daw tinatamad sila at si Liv naman masakit daw yung balakang dahil daw nahulog siya sa kama niya habang natutulog.

Habanf naglalakad may nakita akong guhit sa ring finger ko kaya tinignan ko itong mabuti at nakita kong sugat ito. Hindi ko maalala kung saan ko iyon nakuha kaya hinayaan ko nalang pero saktong pag-angat ko ng ulo ko ay siyang pagbunggo nito sa matigas na bagay. Napapikit ako sa sakit.

"Omg, Miss! Are you okay? Sorry!" tanong ng nakabunggo sa'kin, nakahawak lang ako sa noo ko dahil sa sakit. Parang nabunggo ako sa isang malaking kamao! Grabe!

"Yeah, I'm okay, don't worry." sabi ko at tumawa pa ng pabiro pero masakit talaga. Hindi niya naman siguro sinasadya kaya hahayaan ko nalang.

"Gosh, may bukol ka! Sorry talaga at nabunggo ka sa siko ko, pasensiya na." sabi niya at hinawakan ang noo kong may bukol nga. Napadaing ako ng pinisil niya ng konti ang noo ko. Kaya pala masakit dahil sa siko niya ako nakabunggo.

"Anong nangyayari?" rinig kong boses babae kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya. Morena siya at straight na straight ang buhok, sa pananaw ko ay boyish siya dahil sa porma niya ngayon. Hanggang tenga ko lang siya pero maganda naman.

"Nabunggo kasi si Miss Girl sa siko ko. Hindi ko siya nakita kaya ayan, nagkabukol." the feminine guy pouted. Halata sa boses atsaka tindig. Mas babae pa siyang kumilos kumpara rito sa babaeng kasama niya. He also have make up.

Lumapit sakin ang babae at tinignan ang noo ko, "Hala mo, Clyde! Ang pula ng bukol niya oh." pananakot niya sa nag-aalalang si Clyde pagkatapos ay tinawanan.

"Kanina pa kasi kita hinahanap para maka-uwi na tayo tapos sabi mo mabilis kalang. Syempre tumayo ako at naghintay habang nakapamaywang, at dahil ang tagal mo ay nabunggo nalang itong si miss kaya ayan nagkabukol. In short ikaw ang may kasalanan, Trixie! This is all your fault!" sisi ni Clyde daw kay Trixie na tumatawa lang. Napatawa nalang din ako dahil ang mukha ni Clyde ay parang nagmamakaawa sa'king wag akong magalit.

Tumawa ako at umayos na ng tayo ng hindi na masyadong masakit, "I'm really okay. Bukol lang naman 'to."

"Sigurado ka, Girl?" paninigurado ni Clyde na nginitian ko ng matamis at tumango para makuntento siya.

"Hello. Anong pangalan mo? Hindi pa kita nakikita rito. Bago ka?" singit naman ni Trixie na nakangiti sa'kin. Walang make up ni kahit isa ang nasa mukha ni Trixie samantalang si Clyde naman ay kitang kita ang blush on at lip gloss na nilagay.

Dahan-dahan akong tumango at ngumiti, "Oo e. Dalawang linggo at ilang araw palang. Dalawa kami ng kaibigan kong bago. Dinala kami rito ng royalties dahil hindi daw kami pwede sa mortal world hangga't hindi namin natututunan gamitin ang kapangyarihan namin. My name is Ace." Nakipagkamay ako kay Trixie pero si Clyde ay bumeso sa'kin.

"Ay tama yan, Girl. Ang mga royalties talaga ang kumukuha ng mga elemental users sa mortal world. Ganon din nangyari sa'kin e. Hindi ko alam na may kapangyarigan ako. Naramdaman ko nalang ang masakit na dumadaloy sa katawan ko. Hihi. Naalala ko pa two years ago ng binuhat ako ni Cassius noong nanghihina ako dahil sa sakit na dinulot ng aking enerhiya." napangiti ako nang nagsimula na siyang mag-daydream. Halatang pogi si Clyde kapag sana naging lalaki siya. Matangkad at maputi ang balat.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 17, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ethereal Royale: The Long Lost Empress Where stories live. Discover now