Chapter 8 - the Plan

6.3K 185 48
                                    

"Sometimes life hits you in the head with a brick. Don't lose faith."

-Steve Jobs

.

Mark POV

Masakit ang puso ko. Gusto kong lunurin ang sarili ko sa alak sa mga sandaling ito. Kasi naman, damn it! Kinuyom ko ang hawak na baso.

Shit, hindi umobra ang Plan A! Ang Plan B ay hindi rin 'ata. Nakakabadtrip!

Ilang minuto na akong naghihintay ay hindi parin lumalabas si Thesa.

Aasa pa ba ako?

Masyado nga talagang manhid ang puso niya. Hindi ko kinaya ang kanyang mga pagtitimpi. Kahit na halos makuha ko na nga ang katawan niya'y hindi parin niya maibigay-bigay ang kanyang puso sa akin.

Umorder ako ulit ng alak sa bartender. Kailangan kong makaisip ng Plan C.

Walang big deal sa kanya kahit ilang ulit ko man siyang halikan. Angkinin ko kaya siya para siya na mismo ang magmamakaawang panagutan siya? Maitim na balak, my goodness! Pero pa'no kong iba ang mangyari at kamumuhian niya lang ako?

Sana matutunan mo rin akong mahalin Thesa. Hindi parin ako sumusuko.

Mamahalin mo rin ako, alam kong malapit na ang araw na iyon. Kailangan ko lang malaman ang mga kahinaan mo. Ngiting nasasaisip ko at sunud-sunod na ininom ang laman ng basong ibinigay ng bartender.

Gagawin ko ang lahat na makakaya ko para maging akin ka lang, makikita mo!

"Nag-iisa ka ba Mr. Handsome?" maya-maya'y narinig kong tanong ng isang 'di nakikilalang babae at napaupo na siya sa tabi ko.

Hindi naman ako sumagot. Napako lang ang tingin ko sa hawak na baso. Plan C, kailangan ko ng isang Plan C.

Naramdaman kong nakapulupot na ang mga kamay ng babae sa aking beywang buhat sa likuran ko. "Bullsh*t!" gulat ko at tinanggal ang mga kamay niya. "Get lost..."

Ngunit imbes na lumayo ay hinarap pa nga ako ng babae saka hinalikan niya ako sa mga labi.

"Anong ginagawa mo?" isang boses ang narinig ko buhat sa isang sulok na ikinagulat ko. Napatingin ako roon. Nakita ko si Thesa. Napalapit na siya sa kinaroroonan ko.

Itinulak ko naman ang babae, "Sorry, taken ka na pala!" sambit pa niyon at taas-kilay pang tiningnan si Thesa bago umalis narin.

"Naglipana dito ang mga white horse. Watch out!" paalala pa sa akin ni Thesa.

Napakunot-noo ako, "White horse?" takang tanong ko.

"Duh, hindi ka pa ba nakarinig ng 'riding the white horse'?" mahinang bulong niya at bahagyang inirapan ako. "My goodness, using DRUGS!" saka naupo na siya sa bench.

Umayos naman ako ng upo at tiningnan siya. Malungkot parin ang nakikita ko sa mga mata niya at halata galing sa iyak.

Wala na rin ang makapal niyang make-up. Napansin ko ring nagsuot na ito ng bolero na kulay itim at nakaflatshoes narin.

"Tititigan mo lang ba ako? Hindi mo ba ako aalukin ng maiinom?" naiinip na tanong pa niya.

Napangiti naman ako saka sinenyasan ang bartender. Iniabot narin nito kay Thesa ang isang ladies drink.

Nakatuon lang ang atensiyon niya sa inumin. "Pinag-isipan ko ang mga sinabi mo..." bungad niya. "Magiging unfair lang iyon sa'yo kung sasagutin kita ngayon kahit alam nating pareho na hindi naman talaga kita mahal." malungkot parin niyang sabi.

Be Mine!Where stories live. Discover now