Chapter 22: The Necklace

146K 3.7K 357
                                    

Chapter 22

Napangiti ako habang inaalala ko ang salitang lumabas sa labi niya kagabi. Hindi mawala sa isip ko ang katagang 'yon na hanggang sa pagtulong ko ay pumapasok sa utak ko.

Para na nga akong baliw dahil kanina pa akong nakangiti.

Tuloy na talaga ang plano ko na agawin siy mula sa babaeng 'yon. Sa oras na maagaw ko siya hindi ko na siya papakawalan at hindi ko siya sasaktan kahit na sinaktan niya na ako noon.

Hindi ko gagayanin ang ginagawa ng babaeng 'yon na hindi marunong makuntento sa isa.

Nasa kanya na humahanap parin ng iba. Baka mamaya hindi niya mamalayan na ang taong mahalaga sa kanya bigla nalang mawala dahil sa kapabayaan niya.

"Ang ganda ng ngiti ni Ma'am ah!" nakangiting sabi sa akin ni Kristine ng makitang ang lapad ng ngiti ko.

"I'm so happy." nakangiti kong wika at muling pinagpatuloy ang pag-isketch ko na naisip ko na bagong design.

"Ngayon ko lang po kayo nakita na ganyan ang ngiti. Inlove ka po ba??" tanong niya kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

Alam kong namula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Inlove naba talaga ako sa kanya? Hindi ko din alam.

Pero sa tuwing binabanggit niya ang babaeng 'yon naiinis ako na para bang gusto kong sugudin ang babaeng 'yon at gabutan ng walang bukas.

Sa tuwing kasama ko si Drew kahit na lagi kaming nag aasaran masaya ako dahil parang natural nalang sa amin 'yon.

"I don't know!" sagot ko sa kanya.

Pinagpatuloy ko ang pag i-sketch ko at sisiguraduhin kong madami akong matatapos na sketch ngayon na mga designs ko dahil masaya ako. Kapag good mood kasi ako nakakadami ako ng gawa tulad ngayon.

Kinuha ko ang isa kong sketch sa loob ng envelope at pinagmasdan 'to at hindi ko mapigilang ngumiti.

This is my dream wedding gown dahil dati excited ako kung kelan ako ikakasal pero mukhang malabo 'yon dahil wala naman akong boyfriend kaya imposible na ikasal pa ako.

"May naghahanap po sa inyo sa labas." sabi ni Kristine kaya mabilis kong itinago ang sketch ko sa loob ng envelope.

"Lalabas ako." tugon ko at iniligay ko na ang envelope sa aking lalagyan.

Lumabas ako ng office ko at napansin kong halos lahat ng costumer ko dito sa aking boutique ay kinukuhanan ng litrato ang isang lalaking kasalukuyan ngayong nakatalikod sa akin. Humarap siya sa akin kaya nanlaki ang mata ko ng makilala ko siya.

"Henry!" tawag ko sa kanya at nginitian ko siya

"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong niya.

Tumango ako at sumama sa kanya ng hindi ko manlang tinatanong kung saan kami pupunta. Napansin kong tumigil kami sa isang park. Lumabas siya ng kotse niya at pinagbuksan ako ng pinto.

Mabuti pa si Henry ang gentleman samantalang ang lalaking 'yon malamang iniwan na ako dito.

"Anong ginagawa natin dito?" nagtataka kong taanong sa kanya.

May kinuha siya sa likod ng kotse at may nilabas siyang basket. Nakaramdam ako ng excite ng makita kong may nilatag siyang tela at umupo doon.

Umupo din ako sa nilatag niya at tumingin sa langit. Medyo makulimlim ang kalangitan pero ayos lang dahil ang sarap ng simoy ng hangin.

"First time mo lang bang mag picnic?" tanong niya kaya tumingin ako sa kanya at matamis na ngumiti.

"Yes." nakangiti kong tugon at inayos ko ang buhok ko na nagulo dahil sa lakas ng simoy ng hangin kaya napupunta ang buhok ko sa mukha ko.

Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM) Where stories live. Discover now