Chapter 35: It's hard to Believe

142K 3.4K 107
                                    

Chapter 35

Nakatitig lamang ako sa bawat galaw niya. Anong kayang gagawin namin dito sa sementeryo dahil matapos ang nangyaring 'yon sa pictorial bigla niya nalang akong hinila at dinala dito sa sementeryo.

Hindi naman ako nakawala sa pagkakahawak niya sa akin dahil sa gulat na nararamdaman ko.

This is the third time that we kissed. Ang una ay noong nasa parking lot kaming dalawa at ang pangalawa naman ay doon sa labas ng condo niya na napanood ng maraming tao at ang patatlo naman ay 'yong kanina na bigla nalang siyang susulpot sa pictorial at bigla nalang akong hahalikan.

Ano ba talagang problema ng lalaking 'to at parang isang kabute na bigla nalang susulpot. Mabuti na nga lang at hindi niya napansin na tumulo ang luha ko kanina habang magkalapat ang labi naming dalawa.

Kaagad kong pinunasan ang luha ko para hindi niya makita na nasasaktan ako ng dahil sa kanya.

Alam ko naman na pinapaasa niya lang ako pero ako naman 'tong asang-asa na sa kanya.

Mahirap kayang umasa sa taong paasa.

Iisipin ko na talagang magkasabwat sila ng babaeng 'yon para saktan ako pero mukha namang hindi sila magkasabwat dahil pinapalayo ako nang babaeng 'yon kay Drew.

"Sino siya?" tanong ko sa kanya habang nakatitig ako sa isang lapida na nasa harapan namin.

Hindi niya ako sinagot at ipinatong niya ang dala niyang bulaklak sa puntod. Nakikita ko sa mata niya ang lungkot habang nakatitig doon sa lapida.

"Celestine Cortwar" ang pangalang nakaukit doon sa lapida.

"I hate myself" rinig kong sabi niya kaya tumingin ako sa kanya ng mapansin ko na ang lungkot ng mata niya.

Umupo ako sa tabi niya habang nakatitig lang ako sa lapidang tinititigan niya. Sino ang nasa lapidang 'to? Cortwar?

"I lost her" malungkot niyang wika habang hinahaplos ang pangalan na nasa lapida.

"Sino siya? Asawa mo?" gulat kong tanong ng bigla niya akong sinamaan ng tingin.

"She's my mom." aniya kaya nanlaki ang mata ko at napahawak ako sa bibig ko dahil sa gulat.

"OMG! Sorry po Tita! Huwag niyo po akong dadalawin ha? Hindi ko naman po alam na Mommy ka niya. Kamusta po kayo dyan? Maganda po bang tumira sa langit? Sunduin niyo na lang po kaya ako kasi ayaw ko na dito. Nakakasawa ng maging masama kaya kayo nalang po ang sumundo sa akin. Please po.." sabi ko habang nakatitig sa lapida.

"What the fvck" biglang mura ni Drew kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Tingnan niyo po ngmumura po ang anak niyo. Gusto niyo po bang paluin ko siya sa pwet para naman po magtino. Ang bad niya po kasi sa akin dahil palagi niya po akong inaaway. Tapos kanina ninakawan niya po ako ng halik. Bwisit po siya! Pasensya na po kung ganito ako magsalita dahil pinapakit ko lang ang sariling ako. Alexandra po ang name ko at pinanganak akong dyosa." malapad na ngiti kong sabi at kumaway sa harap ng lapida.

Tumingin ako kay Drew at natigilan ako ng makita ko siyang nakangiti habang nakatitig sa akin.

Nang napansin niyang nakatingin ako sa kanya kaagad niyang iniwas ang tingin niya at muli siyang sumimangot.

Hindi talaga ako nagkakamali dahil nakita ko talaga siyang nakangiti habang nakatingin sa akin.

"Where's your Dad?" nagtataka kong tanong dahil maski sa google hindi ko makita kung ano ang name ng Dad niya.

Napansin kong nag iba ang aura niya nang nabanggit ko ang salitang Dad. Nalita kong kinuyom niya ang kamao niya.

Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin dahil hinawakan ko ang kamay niyang nakakuyom.

Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM) Where stories live. Discover now