Chapter nineteen : Confirm

4.1K 138 2
                                    

♦♦Railey♦♦

Bukas pa ko madi-discharge. Nakakabagot dito.

Nanunuod lang ako habang naka upo.
Pag balik ko sa school patay sa'kin yung sumaksak sa'kin. Ang sakit pa din kaya ng tagiliran ko.

"Ija? Okay ka na?" Pinatay ko yung tv at humarap kay Tito Victor. Kasama niya din si Mamu at Papu.

Nakakahiya talaga to. Bakit ba uto-uto sila?

"Okay na po. Madi-discharge na daw po ako bukas." Sabi ko.

Upo naman sila sa couch. Lumapit si Papu sakin.

"Pasensiya ka na ija, hayaan mo tanggal na sila sa school. Kasama si Collin."

Naguluhan ako sa sinabi niya. Bakit pati si Collin? Wag niyong sabihing siya yung nag utos nun?.

"Si Collin kase. Hindi ko talaga alam kung anong pumasok sa utak ng batang yun."

Mukhang na mro-mroblema si Tito Victor.

"Wala na po sa'kin yun. " ngumiti ako sa kanila.

Well hindi talaga okay sakin yun, hindi ko pa nababawian yung isa sa kanila! Papatayin ko muna yun, pero wala na.

"Mabuti kung ganun. Maayos na ba yung tagiliran mo?" Tumango ako kay lola pasing.

Nagkwentuhan lang kami, madaming tanong si Papu sakin about sa pamilya ko.

Hindi ko maiwasang tumingin sa daddy ni Vylan. Ya, bukod sa pogi siya.

Parang may kamukha siya. Tsk. Mag kahawig lang siguro.

Hapon na nung umalis sila, dumating din si Yesh at si Fianah na sobrang naiiyak nung nakita niya ako.

Gabi na din nung umalis sila. Pinaalis ko na sila dahil alam kong pagod din sila sa school.

Katatapos lang namin mag dinner ni Mama. Nag dala siya eh.

Mamaya daw darating si Kuya. Tatapusin pa daw yung assignment niya.

"Anak, sa sunday daw pala may pupuntahan kayo ni Vylan. Sinabi niya sakin kahapon. Tulog mantika ka kase." Tumango lang ako.

Nag e-fb kasi ako. Madaming nag message sakin to get well, hindi ko naman sila kilala pero nag thank you pa din ako.

Clinick ko yung Friend request. 94 request yun.

Mathie Kred       Confirm          Not now

V Fabella             Confirm          Not now

Ki-non-firm ko lang yung kay Math. Hindi pa pala ko dinadalaw nun? Akala ko gusto niya ko? Di ba nag aalala sa'kin yun?

Yah. Assuming ba masyado? Oo na. Pasensiya naman.

I take a selfie and posted it with a caption of [I'm bored. Where are you?]

Marami agad nag like at nag comment. Like. " who's that ate?" "ow? Si Vylan po ba? Ayieee." "cute :*" "Vyley Forever"

Vyley? Yackss lang. San lupalop ng mundo nila nakuha yun? Nakaka pantaas ng balahibo.

Bumukas ang pinto at niluwa si Kuya.

"Ray. Kinakamusta ka nga pala ni Marvin. Pagaling ka daw." Hinagis niya sakin yung isang pirasong chuckie.

Ngumiti lang ako saka sumipsip sa chuckie. "Sabihin mo susunod siya sakin." Pagbibiro ko.

Napatigil ako sa pag sip sa chuckie dahil nag vibrate ang cellphone ko.

'Hello? Sino ka? Hindi kita kilala. May date ako wag kang epal." Tuloy tuloy na sabi ko. Unknown no. kase.

'WHAT? I though you're still on the hospital?" Bulyaw niya sa kabilang linya.

Binato ko agad yung phone sa may paanan ko. Hehe? Katakot si Vylan.

Teka? Ako? Natakot ako? Tsk. Nagulat lang siguro ako. I took my phone at may dalawang missed calls na.

Sinagot ko ulit yung tawag niya.

"Niloloko mo ba ko? Hoy Railey!" Sigaw niya.

"H-Hindi ah. Bakit ba?" Inis na sabi ko.

"Nasabi na ba ni Tita Amy yung gagawin sa sunday?"

"Nope. Teka? Bat alam mo number ko?" Walang gana kong tanong.

Tiningnan ko si Kuya na nag pipigil ng tawa. Binato ko siya ng unan, pero nasalo niya.

"Wala. K-Kay...kay...kasi ano...bawal daw sabihi-"

"Kay Kuya?"

'Hm-oy Vylan inaccept na ko ni Railey. Haha stalk ko na.-ang ingay mo Matthew."

Math? Halla? Si Math tuwang tuwa sa pag accept ko? Sabi na eh! Totoo may gusto talaga siya hahaha.

"Ray! Hoy! Still there?"

"Oh?"

'Nga pala. Bakit si Matthew lang ang in-accept mo? V fabella ang pangalan ko sa fb! I-accept mo ko!"

'Oo na."

Binabaan ko na siya atsaka nag fb. Gaya ng utos niya in-accept ko nalang yung request niya.

"Hey? Who's that Ray?" Nag comment si mathie kred sa post ko.

"Si Kuya. Ang tagal bago dumalaw eh. Bagot ako dito -.-"

"Bakit? Asan ka nga pala?"

"Hospital. Di sinabi sayo?"

Keh. Di na siya nag comment pa.

Matutulog na lang ako. Di naman ako kinaka usap ni Kuya. As usual, nasa libro ang tuon. Si Mama naman umuwi muna.

*knock..knock*

11:04 pm na bat may kakatok pa?.

Pag yan nurse sasapakin ko. Ang sarap naman ng tulog ni Kuya.

"Pasok." Ngarag pa din ang boses ko. Halatang galing sa pag tulog.

"Hi." Nahihiyang pumasok si Math sa loob.

"Kamusta? Kaya pala three days ka ng hindi pumapasok."

Naka pout lang siya habang naka upo.

"Dis-charge na ko bukas." Tipid na sagot ko.

"Lokong Vylan yun, kasama ko siya palagi hindi manlang niya sinabi. Sinuntok pa ko nung sinabi kong in-accept mo na ko." Ba't ba nag pa-pout ang taong to?

Errr cute. "Here. Pasalubong." Nakangiti niyang binigay sakin yun supot.

Nag ningning ang mata ko sa chuckie at hm? Sneakers? Well. Binuksan ko agad ang mga yun at kinain.

Naka upo lang siya habang pinapanuod ako.

Siya lang naman ang tumitingin sakin kaya nag papatuloy lang ako sa pag kain.

Nung naubos ko lahat pinauwi ko na siya dahil matutulog na ko.







---------

That Bully Loves Me (Book 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora