Chapter 38: When He's Gone!

3.6K 108 6
                                    

Back to normal. Gising, ligo, palit, kain.

"Ganyan na ba ang usong damit ngayon dito sa Pinas?" Napatingin ako kay dad, sabay tingin sa suot ko at balik ng tingin kay dad ng may pagtaas ng kilay.

Large t-shirt at below the knee skirt. Bakit? Anong masama sa suot ko? It's my usual thing.

"Mahal, hayaan mo na nga si Railey. Dalian niyo na at male-late na tayo." Sabi ni mama samin kaya kumain nalang kami.

Kahit si kuya Racer e, nagpipigil ng tawa. Sarap tadyakan ng mukha eh.

Hinatid kami ni dad sa school, saka sila nagtuloy ni mama sa office.

"Hoy pumasok ka ha. Una na ang pogi mong kuya. Bye." Tsk ang yabang talaga nun. Naglakad na ko sa ibang way para makapasok na.

"Rayyyyyy!!!Ray! Waaah Ray!" Nagulantang ako sa lakas ng sigaw ni Valeen.

Shems! Bakit ba kasi ang aga aga nag iiskandalo na tong babaeng to.

" Mygams! Why are you so late? Huuuh! Wait-huh-let me-huh-breath for awhile." So kagaya ng gusto niya.

Wala kong ginawa kundi ang panuorin siya sa kakabuntong hininga at pag punas ng pawis niya. Halayang sobrang napagod -.-

"Hm I think, I'm ok. So may goodnews ako para sayo." Malungkot na sabi niya.

Teka . Ako lang ba? O pati kayo ang nakapansin? Goodnews daw pero ang lungkot niya.

"Ano ba yun?" Simpleng tanong ko. Well, bigla ata akong naging chismosa.

"He's leaving the country. Wala ng mangbu-bully sayo." Wala kong masabi. As in wala.

Ano bang dapat kong maramdaman? Matutuwa? Dahil sa wakas, wala ng manggugulo sa tahimik kong buhay. O malulungkot? Dahil wala manlang bang paalam? Na basta basta nalang niya kong iiwan?

Eeep!!! Railey? What are you talking about?

Why should that Vylan need to tell you everything? Ano ka ba niya para magpaalam sayo?

Tama. Goodnews nga para sakin.

"Talaga? Good. Sa wakas. Yun lang ba? Male-late na ko." Asik ko.

"Ahm. Ok." Pagkasabi niya nun nauna na ko.

Kainis! Nakaalis na kaya siya? Kelan nga ba siya aalis?

Aish! Stop thinking about him Ray! Wala kang paki, right? And besides, hindi mo naman siya gustong makasama ng matagal diba?

Wala na siyang ibang ginawa kundi ang saktan ka physically and emotionally.

Umupo ako sa upuan ko. Good thing wala pa sila Fianah at Yeshah.

"Goodmorning Ray." Napalingon ako agad kay Math na nasa tapat ng pinto.

Tiningnan niya ko ng may ibang expression. Hindi ko makuha kung anong tinatakbo ng utak niya.

Hindi siya ngumiti. Walang kahit isang ngiti.

"Alam mo Ray, baka mamuti lang yang mata mo kakatingin kung meron akong kasama o wala. Pero wala. Wala kong kasama." Saad niya saka ngumiti at tuluyan ng nagtungo sa kaniyang pwesto.

Disappointment? Yan yata yung naramdaman ko. Ewan.

Tahimik ako. Hanggang sa buong klase. Wala kong ibang ginawa kundi ang makinig. Makinig, pero wala ni isang salita ng mga teacher ang naiwan. Lokaret na talaga ko.

"Bes. Oy. Bes."

Yung totoo? Hindi ko talaga alam. "Yesh, what are we gonna do?" Sinusumpong ba ko ng asthma ko? Ang hirap kaseng huminga.

That Bully Loves Me (Book 1)Where stories live. Discover now