Chapter 2 - the Bishop Staff

1.4K 53 12
                                    

"None but ourselves can free our minds."
-Bob Marley

.

Bro. June POV

Alas sais pa lamang ng umaga ay nagsialisan na ang mga 10 wheelers truck lulan ang mga raliyista.

Pero may humigit-kumulang biente ka tao ang naiwan dahil sila ang nakaatang na magluluto sa kusina.

Nakita ko ang mga sinakong mga bigas at mga de lata, na ipinasok nila sa kusina ng kumbento.

Nakaramdam ako ng awa, sardines lang ang uulamin nila. Oh my goodness, patawarin mo sila!

"Maganda umaga brother!" ngiti pang salubong nila sa akin kaya napangiti naman ako saka napatango.

Nagtungo na ako sa loob ng simbahan para maglinis dahil may kasal mamayang 10 o'clock si Fr.Clemente at kailangan ko pang ayusin ang mga dekorasyon sa aisle at sa altar.

Nakikinita ko na ang loob niyon dahil sa tila isang Evacuation Area ang nangyari kagabi.

Ngunit nagkamali ako. Napalaki ang mga mata ko sa nakita.

Kasalukuyang nagpupunas sina Dennis at ang dalawang kasamahan niya sa mga pews. Ni wala akong nakita kahit na isang kalat sa sahig.

Nakalagay iyon lahat sa sakong nasa labasan.

"Magandang umaga Bro.June!" masayang bati pa ni Dennis sa akin.

"Magandang umaga!" ngiti naring sagot ko, "... maraming salamat pero trabaho ko naman talaga ang paglilinis nitong simbahan."

Napatango naman sila at sabay-sabay na, "Wala din naman kaming ginagawa."

"Brother, pupunta ka rin ba mamaya ng kapitolyo?" tanong pa ni Dennis sa akin.

"Maganda sanang pumunta ngunit," napalingi naman ako, "Hindi pa ako nakakahingi ng permiso kay Bishop Orly kong puwede ba akong lumabas ng compound baka ma-technical ako at hindi na ma-ordained." ngiti pang paliwanag ko.

"Ordained to Priesthood brother? Kailangan na po pala?" ngiting tanong pa ni Jam habang sinisiko si Jojo.

"Magsuot ka ng damit Jojo!" mahinang utos pa niya roon. "Magiging pari narin itong si brother..."

Napangiti pa ako sa dalawa, "After six months ay ma-ordained na ako as Deacon pero nakabase parin sa ibibigay sa akin ni bishop na rating kaya pakitang-gilas talaga." sinamahan ko pa ng tawa.

"At pagkatapos pa ng isang six months ay pwede na akong ma-ordained as Priest. Hopefully ay magiging Rev.Fr.June ako within a year." ngiti pang kuwento ko. Hindi narin ako makakapaghintay na maging isang ganap akong pari.

Maya-maya'y narinig ko nang may tawag sa pangalan ko buhat sa may labas ng simbahan. Napalingon ako roon at nakita ko ang anak ni Fr. Clemente na si Gabrielle.

"Brother pinapasabi ni Papa Pads na ihatid mo raw sa Camp site ang Staff ni Bishop pagkatapos mo dito." nagmamadali pang sabi niya.

Napatango naman ako, "Okay nurse!" ngiting sagot ko kaya umalis na din siya agad dahil sa may duty pa iyon sa isang clinic.

"Anak ni Fr. Clemente?" tanong pa ni Jam.

"Oo," simpleng sagot ko.

"An' ganda niya brother." bulalas pa ni Jojo. At siniko na naman siya ni Jam.

Marrying A PriestWhere stories live. Discover now