Chapter 4 - in the Campsite

1.3K 41 15
                                    

MATHEMATICS
"May not teach us how to add LOVE or minus HATE. But it give us every REASON to HOPE that every PROBLEM has a SOLUTION."
facebook.com/quotethoughts

.

Bro.June POV

Nang maitayo ng mga bata ang lahat ng tent ay nagsimula narin si Bishop mag-mass at magblessing niyon.

Nag-ikut-ikot kami ni Bishop kasama ang dalawampu't dalawang mga ka-Parian saka binasbasan nila ng holy water ang buong paligid ng campsite.

Pagkatapos niyon ay nakalatag na ang lahat ng mga pagkain sa sampung long table, na halos limampung metro ang haba.

Napakabibo ng paligid. Parang nasa isang kasalan lang.

Tika KASALAN?
Pero nasaan ang bride ko?
Ngiting nasasalabi ko habang kinikinita ko parin ang mukha ni Ysabelle.

Hahaha! Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Oh my, paano ko ba makalimutan ang maamong mukha niya?

.

"Bro. June," narinig kong tawag sa akin mula sa likuran.

Paglingon ko ay nakita ko si Rosemarie, Rosemarie Daniel. Isa ang pamilya niya sa pagtayo ng simbahan ng Mission Chapel ng Geneva.

"Free ka ba mamaya brother?" paglalambing pang tanong niya.

Naramdaman kung siniko ako ni Bro.Jonas at bahagyang tinukso pa ako.

Masyado kasing vocal ang Mama ni Rosemarie na gusto niyang kahit isa man lang na anak niya ang makakapag-asawa ng Pari. Napapangiti na lamang ako sa ideyang iyon.

"Hindi ko pa alam baka may ipag-uutos pa sa akin si Bishop Orly." ngiting sagot ko. "At saka baka hanapin ako ni Fr.Clemente mamaya."

Napatango naman siya saka niyaya na lang akong kumain.

Panay panunukso sa akin ni Bro.Jonas ngunit hindi ko na binigyan pansin.

Hindi lang naman si Rosemarie ang naglalambing sa akin, pawang nga youth ay napakalambing din.

Sabi nga nila kapag brother ka na ay tinitingala ka at iniidolo ng mga kabataan, how much more kung maging ganap na akong Priest.

Baka bukas palad na nila akong patuluyin sa kanilang mga bahay.

.

.

Kinagabihan...

Habang nagsisimula sa kani-kanilang presentation ang iba't ibang mga parishes ay nabigla ako ng marinig kong may pumasok na sasakyan sa loob ng compound.

Napalingi ako, nakita ko ang dalawang 10wheelered truck lulan ang napakaraming tao saka may naka-convoy pa sa kanilang mga militar at mga kapulisan.

Napahinto naman ang program at bahagyang nagkagulo ang mga kabataan.

"Ano'ng nangyayari father?" takang tanong ko kay Fr.Ben, na nasa tabi ko.

"Ang mga kapatid brother." sagot naman niya saka napatayo na siya sa kinauupuan.

Kagaya ni bishop at ng iba pang mga ka-Parian ay sumunod narin si Fr.Ben sa mga iyon.

Tumayo naman si Rosemarie, bilang presidente ng mga youth.

Inagaw niya ang atensiyon ng mga kabataang nagsisimula naring nagsitayuan. Hinikayat niyang kumanta na lamang sila.

Tumunog narin ang organ at mga gitara.

Napangiti narin ako at sumabay narin akong kumanta.

Mabuhay ka, Iglesia Filipina

Sa pawis, luha at dugo ay isinilang ka simbahan ko
Dumanas ka ng hirap, habang iyong tinatahak
Ang landas tungo sa tagumpay.

Parang kinikilabutan ako habang kumakanta. Nakikinita ko ang mga pinagdaanan ng mga kababayan nating sa kamay ng malulupit na mga dayuhan.

Kagaya ng mga taong nasa labas ngayon, na ang tanging nais ay ang matigil na ang pagmamalupit ni Gov. Ali sa mga mahihirap.

Sa bawat taong nagdaan, ay nanatiling ka sa diwa ko
Ang tanging adhikain na hindi magbabago
Ang "Para sa Diyos at sa bayan"

Nakakaiyak ang bawat linya ng kanta, nakakapagpapasikip sa aking dibdib.

Mabuhay ka! Iglesia Filipina
Mabuhay ka! Simbahan ng mga dukha
Ang pangalan mo'y itataas ko
At iwagayway ko ang bandila mo.

Naging malaya ang simbahan natin pero ang ating lipunan ay nanatiling nakakulong parin sa kuko ng agila.

Narinig kong nagsipag-awitan narin sina Bishop sa labasan.

Mas lalong palakas nang palakas ang awitan at nakataas narin ang dalawang kamay ng bawat isa.

Mabuhay ka! Iglesia Filipina
Mabuhay ka! Simbahan ng mga dukha
Ang pangalan mo'y itataas ko
At iwagayway ko ang bandila mo.

.

.

.

"Muntik ng ma-hold sa detachment ang mga tao bishop. Mabuti na lang at nakausap ko si Provincial Director." ngiti pang pabulong na sambit ni Fr.Inrequez kay Bishop Orly, nang tuluyang umalis na ang mga militar at mga kapulisan.

"Sa pag-aakalang dito talaga ang punta namin sa campsite." maningning na patuloy pa niya dahil sa nagawang accomplishment.

Napatango naman si bishop saka ngumiti narin.

"Nasa maayos ba silang kalagayan father? Kumain na ba sila?" tanong pa ni bishop.


Ito pa 'ata ang mga kasamahan ng nagrally sa harapan ng kapitolyo kaninang umaga.

Napatingin ako sa aking relo. Magten o'clock na ng gabi.

Pero tika, kamusta na pala sina Dennis? At ang mga naunang mga raliyista kanina? Parami narin ng parami ang mga pumupunta roon. Baka paulanan na naman sila ng mga bala.

Sana matuunan ng pansin ni El presidente ang mga nangyayaring ito.

Panginoon tulungan mo sila. Nasasalabi ko at nag-sign of the cross na ako.

-----------------------------

A/N:

Pasensiya na po sa isang sabog na UD!

Please don't forget to press the star below and leave a comment!

-NyllelaineNyeNight

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 09, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Marrying A PriestWhere stories live. Discover now