Chappie 16

4K 76 8
                                    

I don’t know why I’m feeling like this. Shouldn’t I be happy that they’re finally back together? That’s what I wanted ever since, right? Nung nagbreak sila, Tristan’s sort of a disaster. Kahit anong gawin ko nun hindi ko kayang pasayahin si Tristan. Lagi na lang kaming nag-aaway.


And honestly, pagod na pagod na ako nung mga panahon na yun kaya lagi kong pinagdadasal na bumalik na si Valerie.


And now that my prayer was granted, why does my heart hurt so much?


“Bettina, samahan mo nga ako.” Si kuya naman bigla na lang akong hinila. Hinayaan ko na lang siyang hilain ako.

I’m so deep in thoughts kaya nung familiar na yung lugar na napuntahan namin, saka lang nag sink in sakin na nasa bahay na pala ako.


“Anong ginagawa natin dito?”


“Nilalagnat ka.” Pinaupo na niya ako sa sofa. “May gusto ka kay Tristan?”


“ANOOO?!!!”


“Sort your feelings out. Alamin mo kung bakit ka nagkakaganyan.”


“Hindi ko nga alam diba?!”


“You like him, don’t you? Now that Valerie’s back, she’s a threat to you. Alam mo kung anong reason dyan? Kasi dati, ikaw lang ang babaeng kayang lumapit kay Tristan. Ikaw lang yung kayang makipag-away, makipag-kulitan, makipag-tawanan at lahat lahat kay Tristan. Pero ngayong nandito na ulit si Valerie, alam mong hindi na lang ikaw ang kayang lumapit sakanya. What’s more is she was his first and first love never dies.”


“TAMA NA!” tumutulo na pala luha ko. “Kaibigan ko lang siya.”


“Kaibigan?” Tama si kuya.

Siguro nga may gusto ako sakanya. Pero dahil nga sa kaibigan ko siya kaya hindi ko magawang i-admit sa sarili ko na may something ako para sakanya. Kasi siguro unconsciously, kapag inadmit ko na may gusto ako sakanya, magbabago na lahat and I don’t want that.


“Bakit kasi ganun eh? Hindi ba pwedeng mawala na lang to?” Sobra na pala ang tinatago kong sama ng loob kaya nagpakagripo ang mata ko. Haaaay. Buti na lang kahit lalaki tong kapatid ko, marunong parin mag-comfort.


At yun nga, nakatulog ako sa pata ni kuya,haha. Nung magising ako, si kuya naman ang tulog. Pano kaya siya nakatulog eh ang bigat ng ulo ko? Haha.

 

 

Dear Lord,

            Salamat po sa kapatid kong ‘to. Kahit po na lagi kaming nag-aaway, mahal na mahal ko po siya. Hindi ko po inaasahan na marunong siyang mag-comfort. Salamat po talaga. Yung kay Tristan naman po, sige na, oo na, may gusto na ako sakanya pero sana hindi na lumalim pa kasi alam kong wala na akong pag-asa eh. May anghel na kayong pinadala para bantayan at mahalin siya. Hihintayin ko na lang po ang taong nakalaan para sakin. Salamat po. Amen.

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Where stories live. Discover now