Chappie 24

3.8K 68 3
                                    

Nakakainis talaga! Hay, anyway, pumunta na yung mga kaklase ko sa Assembly Hall. Kasama ko maglakad sina Ian at Crystal. Syempre yung dalawa, nasa likod namin. Talagang sa unahan nila ako naglakad para di ko sila makita. >.<

Sinalubong namin yung mga Professor-Representative ng EMAU. Si Crystal nakikisali lang talaga samin,haha. As I’ve mentioned a long,long time ago, sa business school siya papasok. Anyway, yun na nga. Mabuti at hindi naman kami pinagtinginan ng mga creatures sa earth.

Mga gods and goddess kasi kasama ko e. =_=”

So anyway, sumayaw ng ballet sina Valerie. May mga kasama siyang ibang students from EMAU. Si Ian naman nagbigay ng statement na parang proof of the competence of EMAU. Si Tristan naman, well, tumugtog siya with Ian.

Ako?? Ano sa tingin niyo ang ginawa ko? Wala naman. Not very significant.

Nagbigay lang din naman ako ng statement na EMAU recognizes talent. Mga ganung ka-echosan lang,haha. Hindi na ako nag-piano.

Marami akong kabatch na mga talented din sa music and dancing kaya baka pumasok din sila sa EMAU.

After nun, eh di lunch na. Lumayas na sa skul sina Tristan which was a great relief to me. Pero si Ian, syempre nilibre ko ng lunch! Nah, ASA naman! Haha, nilibre niya kami ni besprend. Syempre hindi na sa canteen sa skul kasi pinagkaguluhan na siya kanina ng mga kababaihan dito no! Nope, hindi lang pala mga babae, pati yung mga kabaklaan!

Na-squeeze nga kami ni Crystal kanina eh. Although hindi naman kami ginawang pangharang ni Ian, yun na nga ang ginawa ko. Kasi naman dinumog talaga ng mga magpapapicture si Ian eh. Tamang gwapo lang naman siya ah. Hmm, mas gwapo pa nga si Tristan my-loves.

Hay naku Bettina, shut up na.

Anyway, napaka pangit ng lunch ko. Binawi ko na lang sa kain. Ganito kasi ang nangyari.

Pumunta kami sa pinakamalapit na kainan. Actually, ang suggestion ko is turo-turo na lang. Masarap nga sa mga carinderia eh. Pero eto namang si Ian gustong kumain ng pasta. Naglilihi ata siya. Tapos pumunta kami sa Pasta & Sauce. I know the name’s weird. Pero yun na yun kaya wala na tayong magagawa. Tapos pagpasok namin nandun sina Tristan.

So anyway, kain na lang ako ng kain. Pero weird enough, medyo masama ang tingin ni Tristan ah. Ano na naman kasi ang problema niya?! Kasama naman niya si Valerie ah! Hmpf!

Well, how many times have I asked that question? I don’t understand him anymore. Sabi ko nga, abnormal na ang Tristan ngayon.

The day went fast. Hindi na ako nakinig dun sa mga lecture ng ibang universities. Hindi naman sa biased na ako. Inaantok lang talaga ako. Actually, kami ni Crystal natulog lang. Since nakaupo kami sa may wall, ayun, sumandal lang kami. Hindi naman kami makikita ng teacher dun kaya yun!

Tapos uwian na! Friday ngayon kaya uuwi ako ng maaga. Anong koneksyon? Well, wala lang din. Gusto ko lang manuod nung mga dvd na hiniram ko kay Crystal. Kasama ko nga ngayon si Crystal eh. Niyaya ko sana si Ian kaso may pupuntahan pa daw siyang lugar.

So yun, nanuod na kami ni Crystal. Maya-maya may nagdoorbell. Epal naman yan. Nasa magandang part na eh! Pinause ko muna. Syempre hindi naman pwedeng hindi ko mapanuod yung part na yun no!

“Ano ba naman kasi yan!” Reklamo ni Crystal.

“Kumain ka na muna.” Lumabas ako para tingnan kung sinong pangit ang nagdoorbell. Pagtingin ko, hindi pala pangit. DYOSA pala!

Well, si Valerie. Mag-isa lang siya.

“Oh bakit?”

“Parang ayaw mo akong makita ah.”

“Hindi ah. Nanunuod lang kasi kami. Si Tristan bakit di mo kasama?”

“May gagawin sila ni Ian.”

“Ah ganun ba. Pasok ka.”

“Hindi naman ba ako nakakaistorbo?”

“Hindi ah! Halika ka kain ka.” Parang bumalik yung friendship namin. Kasi after some minutes, umalis na si Crystal kasi may pupuntahan pa daw siya. So yun, nag-catch up kami ni Valerie about stuffs. Pinag-usapan namin yung childhood days.

And it was very soothing. Reminiscing the past is like a million bells ringing in harmony. Well, if your memories were pleasant. 

Parang biglang naglaho lahat ng, for a lack of better term, insecurity ko kay Valerie. Well, she's so much better than me and I know that well. Pero ngayon, parang mga bata lang kami. We're being carefree and all. Siya pa rin yung Valerie na childhood friend ko. Siguro kasi ako lang yung umiwas sa kanya. 

Si kuya hindi na nagtaka na ang ingay namin ni Valerie. Nakipagbiruan pa nga si kuya kay Valerie eh. Sabi niya, nung mga bata pa daw kami, si Valerie nagtago sa kusina tapos nakatulog na dun sa loob ng cabinet,hahahaha!

Since sobrang dami ng pinag-usapan namin ni Valerie,dito na siya sa bahay nag-overnight. Bukas na lang daw siya uuwi sa EMAU. 

After ng dinner, pumasok na kami sa kwarto ko.

"Wow, namiss ko to ah! Ito ang tunay na kwarto. Sa dorm kasi sa EMAU parang hotel. Nakakainis lang na bawal kaming magkalat dun."

"Parang sinasabi mo na makalat ang kwarto ko. Sori ha!"

"Hahaha, hindi naman yun ang ibig kong sabihin. Dito kasi sa kwarto mo, pwedeng mag-pillow fight." Humiga siya sa kama ko at pumikit. "Namiss talaga kita. Nalungkot ako nung parang umiiwas ka sakin na parang ayaw mo na ako makasama. Dahil ba sa ibang bansa na ako nag-aral?"

"Kasi akala ko mas gusto mo na kasama yung mga rich and famous and all. Malay ko bang..." Napatigil ako. Hay, ako naman pala talaga ang may kasalanan eh.

"Malay mo bang? Ano? Alam mo naman na ikaw ang original bestfriend ko diba? Kaya nga ako bumalik para makasama ko kayo ulit. Kahit na matagal na panahon din na nawalay tayo sa isa't isa, kayo pa rin naman ang mga childhood friends ko noh! Kahit ingglishera na ako, ako parin to, si Valerie na ilang beses nasugatan sa tuhod sa kakahabol sa'yo!"

"Talaga naghabulan tayo? Ang alam ko kasi nadadapa na ako bago pa ako makalayo sa inyo eh! Ahahahah!"

"Hindi naman lagi noh! Si Robbie lang ang pinakamabilis tumakbo satin. Si Tristan kasi, uhm, okay lang. Hindi naman siya ganun ka-athletic eh."

"Oo, tama! Pero, sis, varsity na yun ng volleyball sa kanila."

"Volleyball? So gay!" Hahahahah!

 "Anyway, magbibirthday na si Tristan." 

"Oo nga eh. Nag-iisip nga ako ng magandang plano. Ano ba maganda?"

So nagbrainstorming kami. Ang napagkasunduan namin is gumawa ng album niya from childhood hanggang ngayon. Tapos gagawa din kami ng cake niya. Kami mismo ang gagawa! Kaya nga sabi ko bumili din siya ng antidote,hahahahah!

So for that time na kasama ko si Valerie, I felt...peace. It was like I found my long-lost sister. Ang sarap ng feeling. And dahil dun, sinabi ko na sa sarili ko na "STOP LIKING TRISTAN"!

I know it's a crazy thing pero Valerie is for Tristan and vice versa. Tanggap ko na dapat yun. I don't want to lose Valerie anymore.

Friendship does matter in the end. And, a new chapter will unfold for us. Syempre, si Crystal pa rin ang bestfriend ko. Well, silang dalawa na. May magselos kaya? Hmm.. 

Basta for now, friendship matters most!

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Where stories live. Discover now