Chapter 16

200 5 2
                                    

(A/N: Guys Im so sorry sa sobrang Tagal Kong pagupdate sa story na to. I hope eh naintindihan niyo ang pagiging stupidyante ko 😂. Kaya sa Kahit magulo ang kwento eh maappreciate niyo padin 😊. Labya Guys 😘😚)

-------------------

*Mich's POV*

Its been 3 weeks matapos ang pangyayaring un.
Sa 3 weeks na un ang daming nangyare.

Hindi na nya kami pinapansin.

Pinilit na namin magsorry dahil sa nangyari at dahil sa hindi kami sanay na iniiwasan niya kami pero wala. Parang wala siyang narinig sa amin.

Nahalos hindi na sya magpakita sa aming apat.

"Mich are you ok ?"

Napalingon ako, si alyssa lang pala.
I just nod for response.

"Iniisip mo na naman si boss" nagsindi sya ng yosi nya.

"Oo tignan mo ba naman ngayon wala na naman siya dito sa company" kinuha ko phone at binuksan.
"At tinext ko sila shiela if nasa hideout pero wala daw. Hindi ko alam kung iniiwan na ba nya tayo o may iniiwasan lang eh"
Napatingin ako kay alyssa at nakita kong napatigil siya sa pagyosi. Nakatingin sa sahig.

"May alam ka ba kung bakit nagkaganun si boss natin sa atin at sa company ?"

Tumingin sya sa akin ng seryoso at may kinuha sya sa bulsa niya. Isang pirasong papel.

Inabot niya sa akin ito. Binuklat ko to at may nakalagay.

DARK LAW

Dark Law ? Teka ? Napatingin ako kay alyssa ng may pagtataka sa aking mukha.

Ibig sabihin.

"Tama Mukhang may nagbablackmail sa ating boss at yun ang Dark Law. Alam mo ang Dark Law ang pinakamalakas na mafia dito sa bansang to."

"Pero paano ? At bakit ? Hindi naman natin sila pinakailaman ah ? O ni boss ? Di ba ?"

Hindi ako makapaniwala. Bakit hindi to sinasabi ito sa amin ni boss. Takte.

"Yun din ang hindi ko alam pero mukhang nangealam sa kanila si boss kaya ganun dahil hindi nila bibigyan ng note si boss kung walang nagawa si boss sa kanila. Shete lang kinakatakot ko bakit sa isang malaking Mafia Organization pa talaga kinalaban ni Boss. Badtrip di ba ?"

Fokapeke, Kinakabahan ako sa pinaggagawa ni boss. Ang pinagtataka ko bakit hindi to sinasabi sa amin ni boss na alam niyang malaking organization na mafia ang kakalabanin niya. Dati kahit medyo malaking mafia ang kinalaban namin sinabi naman niya at napagtulungan naman namin pero ito ?
Ni isang salita wala akong narinig sa kanya.

Nagring ang phone ni alyssa kaya napatigil ako sa kakaisip.

"Hello......hah ?!..... Teka bakit kayo nanjan ?!....... Sige pupunta kami ni mich jan !"

Tumingin sya sa akin.

"Nasa AMMO sila Shiela at Ruzz. Kinakausap daw sila ni Mr. Park"

Hah ?

Agad tumayo si alyssa at tumayo na din ako at sinundan sya.

"Teka Bakit daw sila andoon ?"
Tanung ko. Naglalakad kami papuntang parking lot.

"May sasabihin daw sa kanila si Mr. Park about kay boss. Wag ka na magdala ng sasakyan sumabay ka na sa akin"

"Sige"

Ano kaya ung mahalagang sasabihin sa amin ni Mr. Park. Bat may alam sya ?
Buti pa sya may alam sya samantalang kaming mga kaibigan ni Boss wala !
Takte nakakafrustrate !

Pumasok na kami sa sasakyan ni alyssa at umalis na sa company.

Mga Ilang minuto nakarating na kami sa company ni Mr. Park.

Pumasok na kami at pumunta sa office niya.

Andoon sa labas ng office nya ang kanyang secretary

"Kayo po ba ang hinihintay ni Sir Park ?" Tanung niya sa amin.

Tanging pagtango lang ang sinagot namin.

"Dito daw po tayo sa conferess room wala na po sya dito sa office nya"

At lumakad na sya na sinundan naman namin.

Nung nasa tapat na kami ng conferess room nila pinagbuksan niya kami.

Nakita namin na seryoso ang mga mukha nila.

Si Shiela si ruzz sa kabilang side ng table at Mr. Park at mga tauhan niya sa kabila naman.

Napatingin sa amin si Mr. Park.

"Ok lets begin"

Hah ?
Anong lets begin ?
Napatingin ako kila shiela at nakita ko ang lungkot sa kanilang mukha.
Takte anong meron ?

"Your boss, ay sasali ng Dark Law dahil gusto niyang patayin ung mga pumatay sa kanyang mga magulang" Mr. Park
Pagbasag sa katahimikan.

Napatingin ako kanya.

"Ano ibig mong sabihin ?" Tanung ni alyssa.

"Kailangan nyang makakuha ng isang posisyon sa Dark Law at makuha ang loob ng pinaka boss ng Dark Law"

Nakatingin lang kaming lahat sa kanya habang sya ay nagsasalita.

"At gusto niyang makuhang posisyon ay ang posisyon na pagpapaampon sa pinakamataas sa Dark Law ang maging anak ng Dark Law."

Teka ano daw ?

"Pero bakit ? Bakit ang pagpapaampon pa ang gagawin ni Boss ?" Tanung ni ruzz

"Dahil kapag naging pamilya na sya Dark Law pagpapatayin niya ang mga membro nito at ang pamilya ng pinakamataas sa Dark Law."

Huminga sya ng Malalim.

"Dahil ang Dark Law ang pumatay sa mga magulang ng boss niyo."

Nanlamig buong katawan ko sa narinig ko sa kanya.
Gulat kaming apat sa narinig namin kay Mr. Park.

"Kaya pinipilit ko siyang kausapin para maging magkakampi ang organisasyon namin para matalo ang Dark law. Magsasama sama tayo para matalo ito ngunit ayaw ng boss niyo"

"Ano ba ang dapat ang gagawin niyo ni boss kung sakaling pumayag siya na ipagsama ang organisasyon namin sa inyo ?" Tanung ko.

"Kailangan namin magpakasal"

What the ?!
Syempre hindi papayag talaga boss namin nun.

"Un lang ang paraan para walang masabi ang Dark Law na nagsanib na ang AMMO At White Ace Organization."

Kapag nagkataon magiging malapit na kami sa Dark Law.
Ang Dark Law ang Nangunguna sa pinakamalakas na mafia organization.
Habang kami pang anim lang at ang Kay Mr. Park ay pang lima.
Magkasunod kami.

Kung sakaling pumayag si boss na magpakasal kay Mr. Park magkakataon na ang magiging bagong pangalan ng Organisasyon namin ay magiging pangatlo na sa listahan ng malalakas na Mafia Organization.

Pero napaka imposible nga naman mapapayag mo ang boss namin magpakasal sa isang Mafia din.

Kaya lang naman nagpakayaman, sumali sa mafia si boss para maghigante sa mga pumatay sa mga magulang niya eh.

"Pero teka bakit pinatay ng Dark Law ang magulang ni Boss na hindi naman un sila mga Mafia ?" Takang tanong ni Alyssa.

Oo dahil matiwasay naman ang pamumuhay nila Boss dati nung hindi pa namamatay ang kanyang mga magulang.

"Ang boss niyo lang makakasagot niyan." Sagot ni Mr. Park.

Takte daming pasuspense. Zzzzz
-----------

Yun lang muna guys Salamat 😍😚

Pinalitan ko na dn po ng name ang Story na to .
Salamat 😀

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 05, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Revenge to The Dark LawWhere stories live. Discover now