Ako si Katie, 18 years old.
Taong 2011, nag-migrate kami sa Canada. Nung nalaman ko yun. Sobrang tuwang-tuwa ako kasi never pa ako naka-kita ng snow, at ang balita pa ay, palaging nag snosnow sa Canada. Natapos ko ang aking grade school sa Pilipinas pero yung buong High School years ko ay na-experience ko sa Canada. Malungkot. Kasi ibang, iba talaga yung High School sa Pilipinas compared dito. Sabi ng ate ko, Mas masaya daw mag-high school sa pinas. Sayang nga eh, Sana na experience ko yun.
Grade One pa lang ako may crush na agad ako. Ewan ko ba. Ang dali ko talagang ma-fall in love. Every year na lang iba iba ang crush ko. Na-alala ko pa nga lahat ng pangalan nila eh, Gusto niyo malaman, Sige. Eto...
Grade One - Joseph
Grade Two - Matrick
Grade Three - Christian
Grade Four - Ryan
Grade Five - Paul
Oh ayan mga bes. Hanggang Grade Five lang muna tayo baka-abutan pa tayo ng isang linggo pag inisa isa ko pa yung mga crush ko eh. So yun nga, oo ang dami kong crush. Sobra. Pero hanggang duon lang ako. Hanggang crush lang. Puro silay lang. Hanggang Tingin lang. Umaasa na sana, mapansin ako ni Crush, kahit na alam ko naman na hindi talaga mangyayari yun.
Never ako nagka-boyfriend. Yes. "NBSB" na nga ako mga beshies. No Boyfriend Since Birth. Tama, yun na nga. No Boyfriend Since Fetus pa ako. Ewan ko ba, wala talaga kasing lumalapit. Walang naduduling sa akin. Pero kahit ganon, ayos lang. Sabi nila, hindi naman daw dapat ipag-madali ang love. Darating din daw yan sa Tamang Panahon.
Nung first year high school ako, 13 years old. Nilakasan ko ang loob ko. Kasi naman, yung mga kaibigan ko may mga boyfriend na, eh naingit ako. Kaya umamin ako kay Crush. Hoping na baka may feelings din siya sa akin at magkaroon ako ng chance na maging kami. Grabe, mukha talaga akong tanga nun. Pero, hindi ako umamin sakanya in-person. Chinat ko siya sa Facebook. Nung mga araw na yun, Umasa talaga ako. Akala ko talaga crush ako ni crush. Bago ako umamin sakanya, buong linggo ko pinagdasala na, "Lord, Sana po, Crush ako ni Crush" So ayun nga, October 10,2011 8:00pm, chinat ko siya. Alfonso Taber. Yun yung name niya. Siya yung pinaka astig at super pogi kong crush ko.
Me: Hello
Alfonso: Uy
Me: May gusto sana akong sabihin sa iyo.
Alfonso: Ano yun?
Me: Eh kasi....
Alfonso: Ano nga?
Me: Crush kita.
Alfonso. Hahah ulol.
Grabe yun mga bes. Since birth, yun yung pinaka first time ko umamin sa crush ko. Never ako umamin sa mga crush ko na gusto ko sila. Kay Alfonso ko lang yun ginawa. Tapos ano? Tinawanan niya lang ako. Na-ulol pa ako mga besh. Hayy. So, simula nung araw na yun. Never. As in NEVER na akong umamin sa mga Crush ko.
***************
Six O'clock nang nagising ako sa sigaw nang nanay ko, "Hoy! Bumangon ka na diyan. Wag mo sabihin sa akin malalate ka nanaman. First day na first day of school Katie ha! Gumising ka na" Nag-unat ako at napatulala lang sa pader. Shit. This is it Katie. First day of College. Hayy. Ang saya siguro kong sa Pinas ako nag-cocollege. Ang bano dito sa Canada eh. Huminga ako ng malalim, Grabe. College na ako. Ang bilis ng panahon. Bumangon na ako, at umupo muna sa dulo ng aking higaan. Ang dumi na pala talaga ng kwarto ko, kelan ba yung last time na nilinisan ko ito?
BINABASA MO ANG
Sana Crush Ako ni Crush ♥
Teen FictionPag may crush ka sa isang tao, para kang tanga. Everyday sa school, ginagawa mo ang lahat para lang maka-silay kay crush. Stalker. Ikaw yun eh. Isang magaling na stalker. Inii-stalk mo lang si crush palagi at nagpapatansya na magiging kayong dalawa...