Chapter 7

509 9 1
                                    

"Besh, sa halloween, gagawa ako ng halloween party. Pumunta ka ah" sabi ni Emy

"Hindi ba tayo mag tri-trick or treat?" tanong ko

"Ilang taon ka na ba ha!? Ang laki laki mo na, mag tri-trick or treat ka pa"

"Ayaw mo nun. Free candies! Sa Stoneville mayayaman duon! Ang chismis mga chocolate bars yung pinamimigay nila beshie!" sabi ko with matching excitement kasi chocolate makes me happy.

"Wag na besh. College na tayo. Were not kids anymore. You are going to my party"

"Eh besh... wag na kasi...."

"Katie. Pick a sexy outfit because you are going to my halloween party and there will be tons of hot guys in there" sabi ni Emy

Kaya ko nga paborito yung halloween, dahil sa trick or treat, dahil sa free candies and chocolates tapos maririnig ko na lang na hindi kami mag tri-trick or treat kasi yung best friend kong bruha is going to held a freaking halloween party. Arggh! Nakaka-asar! Gusto ko mag trick or treat ehh. Ayoko pumunta sa halloween party ni Emy!

**********
It's a Saturday afternoon and everyone is at work. So that's why I am home alone, kaso ang problema pag home alone ka, ikaw ang yaya ng bahay.

Meaning.....
Ako mag luluto
Ako mag lilinis ng bahay
Ako mag sasaing
Ako mag lalaba
Ako mag huhugas ng plato
Ako mag sasampay
Ako mag tutupi ng labahan
Ako mag wawalis
Ako mag tatapon ng basura
Etc. Etc. Etc.

And those are the reason why I hate being home alone sa bahay namin. Kasi in our house, if your home alone you are the - "utusan"

It is now 1pm and kakatapos ko lang mag linis ng mga kwarto. Kaya ngayon, habang sikat at mainit pa ang araw isasampay ko na yung labahan sa labas. Binitbit ko yung laundry basket at lumabas na ako ng bahay. Una kong sinampay yung damit ni kuya. Bench daw. Pero halatang peke tong damit na ito kasi mali ang spelling. Bemch daw kasi.

"Pssst."

Tumingin ako sa likod kung sino yung nag-psst sakin. It was of course, my annoying neighbor - Dino. Halatang kakatapos niya lang mag laro ng basketball kasi naka basketball shorts pa siya, pawis na pawis, at may hawak siyang bola.

Binuksan niya yung gate namin, pumasok siya sa loob, tapos umupo siya sa swing namin. "May halloween party daw si Emy ah" sabi ni Dino. I just nodded and continued to hang the laundry clothes. "Pupunta ka ba?" tanong niya.

"Oo. Kahit ayaw ko" sagot ko

"Eh kung ayaw mo pala, bakit pupunta ka pa?"

"Sabi ni Emy pumunta daw ako eh" sagot ko

"Bakit hinahayaan mong si Emy mag decide para sayo. Eh buhay mo yan" tanong ni Dino

"Bakit ang dami mong tanong!!? Isampay mo nga toh!! Pagod na ako!" Tumayo agad si Dino at sinampay yung sampayan namin. Ako naman yung umupo sa swing at nag pa chill chill.

"Pupunta ka ba sa party?" tinanong ko si Dino. Halatang marunong siyang mag-sampay kasi pina-pagpag niya muna yung basang damit bago niya ito isampay.

"Sabi mo pupunta ka diba?" tanong ni Dino

"Oo. Pupunta ako" 

"Edi pupunta din ako" sagot ni Dino

Bigla akong napa-isip. Si Richmond kaya invited din sa Halloween party ni Emy? Hmm.... may chance na hindi, kasi di naman sila gaano kaclose ni Emy. Pero aasa pa rin ako na, Richmond will be there. Teka nga. Pwede ko naman sabihin kay Emy na iinvite niya si Richmond, or kahit wag na lang kaya? Ako na lang mag invite kay Richmond..? It shouldnt matter naman siguro kasi bestfriend ko naman si Emy. Kaso, hindi kaya ang weird nun? Baka ma-weirduhan sa akin si Richmond. Baka malaman niya na crush ko siya!! Nako. Hindi pwede, delekado.

Sana Crush Ako ni Crush ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon