Chapter 11

742 91 23
                                    

Laira's POV

Lumipat na kami ng aming classroom at ngayon ay kasalukuyang may malalim na iniisip si Roe. Ewan ko ba kung ano iyon. Natutuwa ako dahil naging kaibigan ko siya, napakabait niyang tao.

Dahil nga gusto kong malaman kung ano 'yung iniisip niya ay lumapit ako sa kaniya at saka ko siya ginulat.

"Laira, huwag ka namang ganiyan! Masyado mo akong ginugulat e," sambit niya habang nakahawak sa kaniyang dibdib. Masyado ko yata siyang nagulat at mukhang iyon 'yung kahinaan niya. Pinilit ko namang huwag tumawa dahil sa expresiyon ng mukha niya kaya nagpigil talaga ako.

"Roe, pasensiya ka na, a? Na-curious lang kasi ako sa lalim ng iyong iniisip. Ano ba kasi iniisip iyon?" tanong ko sabay lapit ng upuan ko sa kaniya. At nag-isip na naman ang babaita. Mukhang nagdadalawang-isip pa kung sasabihin sa akin o hindi.

"Naku, wala iyon huwag mo nang alalahanin. Umayos ka na at baka dumating na 'yung prof natin," turan niya at inilabas ang kaniyang mga gamit mula sa loon ng kaniyang bag.

Mukhang may sikretong tinatago itong babaeng 'to. Masyado siyang mahiwaga at hindi ko man lang maintindihan ni malaman. Para ngang dalawang tao 'yung nasa loob ng katawan niya, e. Huwag naman sana.

"Okay," tugon ko at inayos ko na 'yung upuan na nakasiksik kanina sa kaniya. Magkatabi kami ng upuan. Tapos nagsalita ulit ako...

"Roe, pasensiya ka na sa inasal nung mga kaklase natin kanina, a? Lalong-lalo na si Hale kasi ngayon lang ulit kami nagkaroon ng new classmate at naturingan kaming pinakapasaway na estudyante rito sa school. Hindi kasi gusto ng mga kaklase ko na ikinococompare sa iba maski naman sino e dahil magkakaiba tayong lahat ng ugali pero masakit iyon sa section namin kaya ganiyan tuloy ang inaasal ng bawat isa," paliwanag ko at bakas ang kalungkutan sa aking boses. Hindi ko alam kung bakit ko pa nai-open ito sa kaniya baka mamaya magdrama na naman ako rito.

Siguro para may maikuwento rin siya sa akin? I want to know her more.

"Okay lang sa akin iyon Laira, kinalimutan ko na. Kaya pala ganoon ang inasal nila nang malaman nilang new classmate nila ako. Now I know, pero unfair treatment pala 'yung ginagawa no'ng mga prof sa inyo kayo nagkaganito sila 'no? So it means dahil sa mga paratang no'ng mga prof n'yo ay tinotoo na nila?" tanong niya..

Medyo nacucurious na siya kaya ioopen ko na sa kaniya para may malaman din ako about her.

"Oo tama ka roon. Lagi na lang negative 'yung feedbacks sa amin kaya nalulungkot ako hindi ko naman sila masisisi. Sana nga someday ay maging kabaligtaran naman kaso parang impossible..." sabi ko habang nakayuko. Nahihiya kasi ako sa kaniya dahil hindi ko siya naipagtanggol kay Hale.

Nilapit niya 'yung upuan niya sa akin at niyakap ako para i-comfort dahil alam niyang masakit para sa akin. Wala na e, sumabog na 'yung kalungkutan ko kaya wala na akong magawa kundi umiyak sa bisig niya.

"Alam mo Laira, nothing is impossible kaya gagawin nating positive 'yung feedbacks sa atin... gagawa ako, tayo ng paraan lalo na't kabilang na rin naman na ako sa inyo," pahayag niya.

Maaari kayang mabago pa ni Roe 'yung imahe ng section namin sa aming mga professor at sa ibang mga tao? I hope...

"Salamat Roe! Huwag kang mag-alala at magiging maganda rin 'yung pakikitungo nila sayo, soon..." sambit ko habang magkayakap kami. Syempre pinunas-punasan ko 'yung luha ko para hindi nakahihiya sa iba kong kaklase na nakatingin sa amin.

"Oo nga pala, si Hale ba 'yung matangkad na lalaki na pinagtitripan ako?" tanong niya pagkahiwalay namin sa pagkakayakap.

Gusto kong malaman kung ano man 'yung nararamdaman niya about kay Hale. 'Yung first impression niya, kung galit ba siya o ano...

"Oo siya nga, Hale Iris Celestine ang totoo niyang pangalan at siya ang nakaraang presidente ng classroom natin. Actually, 1st - 3rd year ay siya na ang president naming at sa magpasa hanggang ngayon. Matalino iyan kaso loko-loko lang. Mayaman siya pero mas trip niyang mag-commute kapag papasok o kaya ay pag-uuwi. Matulungin din kaso maharot at may pagkapilyo lang talaga kaya pasensiya ka na talaga sa pamamahiya niya sayo," paliwanag ko.

Sa totoo lang, matagal na akong may lihim na pagtingin kay Hale kaso mukhang wala siyang gusto sa akin. Alangan namang ako pa umamim at manligaw sa kaniya.

Noong una ay crush lang pero unti-unti itong na-develop hanggang sa mahalin ko na siya.

Hindi ko siya naipagtanggol kay Hale kasi hindi ko ito kayang lapitan o kausapin man lang dahil kapag crush ko o kaya ay may gusto ako sa isang tao ay iniiwasan ko ito para iwas sa gulo.

"Okay lang iyon," aniya tapos dumating na 'yung prof namin. Sayang at hindi siya nakapag-open sa akin siguro next time na lang.

Wala naman kaming ginawa kundi magpakilala pa lang isa-isa kaya hindi kami masyadong nagtagal at pinauwi na kami agad.

"Bye Laira! Salamat at naging kaibigan kita!" turan niya at pasakay na siya ng jeep. Aba, naging masayahin yata siya ngayon? She was so mysterious talaga...

"Walang anuman! Wait Roe!" Sigaw ko kaya napatigil siya sa pag-akyat sa jeep at nilingon ako.

Hindi ko alam kung bakit ko siya tinawag,.. siguro ay gagawa na lang ako ng palusot.

Tumakbo ako papalapit sa kaniya at sinabing, "Kukuhanin ko lang ;yung cellphone number mo..." at ibinigay naman niya iyon kaagad kaso mukhang nahiya siya bigla sa akin dahil iPhone ang cellphone ko at siya ay Nokia pa 'yung old model na may keypad.

Karamihan sa mga tao ngayon ay touch screen na ang gamit kaya naisipan kong regaluhan siya ng new phone dahil masyado ng luma ang sa kaniya, e. Matapos ang tagpong iyon ay umuwi na rin ako.

Dahil may pera naman kami at ibinibigay ng parents ko 'yung gusto ko ay magpapabili ako kay Papa ng iPhone na ibibigay ko kay Roe as a friendly gift. Sigurado akong matutuwa iyon bukas.

Dianne's POV

Unang bukas pa lang namin ni Roe ng kanilang bakery ay pinakyaw agad lahat ng mga tao an gaming paninda. Natutuwa ako dahil malakas 'yung kita namin at hindi kami lugi.

Habang nagtitinda ako ay nananahi naman ng mga damit 'yung Mama niya. Kahit nabulag ito ay hindi iyon naging hadlang upang itigil niya ang kaniyang pangarap na maging mananahi.

'Yung kinita namin sa bakery ay pinaghahatian namin ni Roe at 'yung iba ay pinambili ng mga ingredients sa aming ititinda kinabukasan.

---

Word of Wisdom

For those who have helped you, take time to give them thanks.

Paper RosesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang