Chapter 13

759 90 24
                                    

Hale's POV

Malapit na ang pasukan kaya excited na rin ako. Bakit? Kase mas nag-eenjoy ako sa school kasama ang aking mga tropa kaysa sa bahay na sobrang nakatatamad dahil wala man lang akong makausap ni isa. Paano ba naman super busy ni Dad sa trabaho at si Mom? I hate her! At bakit? Basta.

Kapag nakakakita ako ng isang buong pamilya ay naiinggit ako dahil mayaman nga kami at nakukuha ang lahat ng aking gusto kaso malungkot naman ang aming pamilya. Hindi man lang kami magkaroon ng bonding time, tapos hindi man lang kami sabay-sabay kapag kumain. Pagkagising ko pa lang sa umaga nandoon na sila sa mga trabaho nila sa aming kompanya at ako lang lagi ang kumakain mag-isa. Kalungkot 'no? Para akong pinabayaan at walang pamilya hindi gaya ng iba na mahirap man pero masaya dahil buo ang kanilang pamilya.

Isa pa itong si Ate Irah, dati noong nag-aaral pa siya in short noong nasa college pa siya at high school pa lang ako ay tinuturuan niya ako sa mga homeworks ko at lagi pa kaming nagkukwentuhan at marami siyang time para makapagbonding kami.

Kaso simula nang nakatapos na siya at nagtrabaho sa aming company ay nawalan na rin siya ng time sa akin. Sad to say na parang wala nang concern people sa akin at parang feeling ko ay walang nagmamahal sa akin. Pero napalitan ang aking lungkot nang kaunting ligaya nang maramdaman kong may nagmamahal din pala sa akin at pinahahalagahan ako noong tumungtong ako ng kolehiyo.

Wait isa pa, minsan nagseselos ako kay Ate Irah dahil parang paborito siya nina Mom and Dad dahil noong elementary at high school ay siya ang Valedictorian. Noong college ay Summa Cum Laude naman, lagi silang dumadalo at sila pa ang nagsasabit ng mga medalya ni Ate.

Pero ako, noong elementary ay Salutatorian lang ako at hindi sila um-attend sa graduation ko kaya napakalungkot ko noon, tanging si Ate Irah lang ang sumipot dahil busy raw sina Mom and Dad. Oo noon, nagkaroon ako ng hinanakit sa mga magulang ko pero sabi ni Ate ay babawi daw sina Mom and Dad pag-uwi kaso hindi na naman sila sumipot kaya malungkot na naman ako noon.

Nag-celebrate lang kami ni Ate. I'm so disappointed sa parents ko dahil mukhang mas mahalaga pa 'yung trabaho nila kaysa sa akin. Pero kahit na ganoon, ay hindi ako nagtanim ng sama ng loob dahil ginagawa nila iyon para sa kinabukasan namin.

Pinagbutihan ko ang aking pag-aaral para makamit ko ang pagiging Valedictorian para naman matuwa sina Mom and Dad at para maging proud sila sa akin kagaya ng kay Ate. Noong graduation ng high school ay nakamit ko na rin sa wakas ang pagiging Valedictorian kaso hindi na naman sila sumipot kaya nagalit na ako sa kanila noon pero bumawi rin kaya naging masaya naman ako noon at hindi na ako galit sa kanila.

First day of school noong first year ako ay may nakita akong babaeng nakalupasay sa sahig at naputol ang takong ng kaniyang sapatos. Malamang niyan ay hindi niya kayang tumayo at nasaktan siya kaya tinulungan ko siya. Binuhat ko siya ng pangkasal at dali-daling dinala sa may clinic. Natawa ako dahil natulala siya noong makita niya ako, ganito ba talaga epekto ng charm ko sa mga babae? Maganda siya at mukhang anghel na bumaba mula sa langit at para bang ang gaan ng loob ko sa kaniya. Sa tingin ko nga ay crush ko na siya.

Wala namang masama kung magkaroon ka ng crush e... ito ay paghanga lamang at malayo sa love kaya huwag OA. First crush ko siya, sana malaman ko 'yung name niya. Mukhang... gusto ko siyang maging kaibigan.

"Tapos mo na ba akong inspeksiyunin?" sabi ko dahil habang bitbit-bitbit ko siya ay nakatitig siya sa mukha ko.

"Sabagay, sino bang hindi maiinlove sa akin sa guwapo kong ito?" dugtong ko pa sabay kindat sa kaniya at tila ba naging tuod itong babaeng ito dahil parang nanigas at hindi makakilos at parang napipi rin dahil wala siyang masabi sa akin.

Paper RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon