Cuatro

3.1K 83 4
                                    

BLACK VS. RED

CHAPTER 4

Nagulat ako noong mag-tama ang tingin namin ng lalake, iba ang naramdam ko sa kabila ng masamang tingin na iyon. 'Yung pakiramdam na ang bilis ng tibok ng puso mo at parang biglang nanikip iyong dibdib ko. Mabilis akong nataranta kaya dali-dali din akong humakbang paakyet patungo sa may kwarto ko.

Ibang klase, minsan lang ako makaramdam ng ganun. I felt that I'm in danger, pero hindi din. Siguro ay napapraning ako.

Like bitch please, I shouldn't be scared.

Nanghina ang tuhod ko at bahagya akong napaupo sa may hagdan. That was a very extreme emotion too hard for me to handle. I'm weaker than you think I am. Madami din ang umiikot sa ulo ko, this school is really nuts. There is something about this cool that I just find it really odd. 

"Miss, are you okay?" halos malaglag na ako sa kinauupuan ko sa may hagdan noong may kumalabit sa likuran ko. Nakita ko sa ekspresyon ng mukha niya na gusto niyang matawa, pero hindi niya magawa.

"Yes yes, I'm fine." Kasabay nito ang pag-tango ko.

"You are Charlie-The Charlie Monteverde?" nagawa niya pang takpan ang bibig niya matapos sabihin yun. This is unpredictable.

"Ah--yes! Mauna na ako sayo,"

Dumiretsyo na ako agad sa may room ko, nararamdaman ko parin ang matatalim na tingin ng mga taong nadadaanan ko. Kung nakakamatay lang talaga ang tingin malamang kanina pa lang noong pag-pasok namin sa paaralan na ito ay patay na kami.

Dali-dali kong hinanap 'yung wallet ko. Umikot-ikot na ako sa buong unit ko tas magugulat kana lang kung kelan ka mag-papahinga atsaka siya mag-papakita. All this time pala nasa sofa. Kung di lang talaga importante ang wallet na ito hindi ko na siya babalikan dito. Ang dami tuloy nangyari!

"What took you so long?" pambubungad sa akin ni Liza pag-kapasok na pagkapasok ko sa may cafeteria. Kitang-kita ng dalawang mata ko ang sabay-sabay na pag-tingin sa akin lahat ng tao, kahit nga yung lunch lady na busy sa may counter napatingin sa akin.

Tinignan ko lang silang lahat ng masama kaya bumalik silang lahat sa kani-kaniya nilang mundo.

"Don't do that again, okay?"

"Okay, sorry! Nag-tatanong lang naman eh,"

Umupo na ako sa may upuan ko, inabut narin sa akin ni Aria iyong pag-kain ko, "Bayaran mo yan, nakabudget na yung pera ko kaya wala dapat malusta and besides nag-titipid ako.. na parang hindi hehehe,"

Humugot ako ng limang daan sa may bulsa ko atsaka ko to binato sa kaniya.

"Sobra-sobra naman to, pero okay! If you insist. Why not?"

"Tusukin kaya kita ng tinidor diyan Aria, tapos sasabog ka tapos mas lalo kang liliit tapos aapakan kita tapos wala ng Aria." Pang-aasar ni Julia sa kaniya, nagawa pa nitong mag-sad face matapos nun.

"Ah ganun? Gusto mo ma-asdfghjklbuwbnodbivi," tinakpan ni Sofia yung bibig ni Aria. Wala nang lumabas na kahit ano pang salita na nang galing sa kaniyang bibig matapos nun.

Tumawa si Julia dahil sa pag-kapanalo nito sa iringan nilang dalawa ni Aria.

"May nangyari ba kanina, Charlie?" naibaling ko kay Sofia ang atensyon ko. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Sa kanilang lahat si Sofia ang pinakamatino, pinakamatalino, pinakamaasahan.

"Kailan pa kayo nakakita ng paaralan na allowed mag-smoke ng weeds?"

Bago pa sila makareact ay biglang sumulpot si Julian, "Hi Ladies!" ang lapad ngiti niya matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon.

Black Vs. RedWhere stories live. Discover now