Treinta y dos

453 21 5
                                    

BLACK VS. RED
CHAPTER 32

Hindi ako nakapasok ng dalawang araw sa takot na baka may mangyaring masama sa akin. Kung noong nakaraang araw ay halos manghanap ako ng dahilan para lumabas ng bahay ngayon ay wala akong magawa kung hindi ikulong ang sarili ko sa bahay.

I remember myself before na sobrang handa akong mamatay. Handa akong harapin ang kamatayan dahil tingin ko walang saysay ang buhay ko. Sa sobrang miserable ko ay naisip ko na baka pagnamatay ako iyon ang kaisa-isang bagay na nagawa kong tama but I was wrong.

Hindi pa pala... Hangga't hindi ka pa masaya, hanggat hindi kapa kuntento hangga't malungkot ka hindi mo pa katapusan. May hinaharap ka pa... May darating pa.

"Are you sure na gusto mo nang pumasok?" tanong ni Dad habang umiinom ng kape at nagbabasa ng diyaryo sa hapag kainan.

Hindi ko na maalala ang huling beses kami kumain ng sabay-sabay. Ito na lang uli.

Kailangan pa pala magkataning ng buhay ko bago kami mabuo.

Tumango ako. "Yes, I know my life is in danger at kung mamamatay man ako Dad. I want to live the rest of my life living in my normal and usual lifestyle."

Sinamaan ako ng tingin ni Mom. Kumunot ang noo ni Dad. I know they disagree with me.

"Don't think like that, ginagawa namin ang lahat ng Daddy mo para mabuhay ka. Kaya sana lumaban ka, we want you to live." sabi ni Mom na nakaupo sa harap ko.

"I know Mom but in my case hindi ko alam kung paano ako lalaban dahil una sa lahat hindi ko alam kung kailan o saan sila aatake. Kahit gaano ko pa ihanda ang sarili ko alam kong hindi parin ako handa." nanginig ang boses ko.

"Charlie..." Dad said.

Nagtitindigan ang balahibo ko dahil sa mga sinasabi ko. I can't belive na nasabi ko 'yon ng hindi nag-iisip pero kung iisipin man o hindi, totoo naman talaga e.

Kahit kailan hindi ako magiging handa lalo na sa sitwasyon ko ngayon.

Tumayo si Mom sa kinauupuan niya. Halos tumulo na ang luha niya at nanginginig ang mga kamay niya sa inis. Dinabog niya ang lamesa.

"Just be strong for us! Sana alam mo kung gaano kahirap din ito para sa amin ng Daddy mo, we are doing the best we can. Kung hirap ka, mas hirap kami because as parents responsibilidad ka namin."

I saw how tears fell from her eyes. I have never seen her crying, ang tanging pinapakita niya sa akin ay isang awtoratibong babae, may paninindigan and she want everything right. I have never seen her soft side.

After that she walked out. Hindi kami nakagalaw ni Dad sa kinauupuan namin, we were both stunned.

Pagkarating ko ng campus ay si Jon agad ang sumalubong sa akin at bakas sa mukha nya ang pag-aalala.

"Bakit hindi ka pumasok ng dalawang araw? Hindi mo rin sinasagot ang mga tawag at text ko. I am worried." ani Jon na kasabay kong pumasok sa campus.

Nagawa niya pang samaan ng tingin ang mga apat na bodyguards na nakasunod sa akin.

"Wala---"

"Anong wala? This past few days ay napansin ko na marami kang tinatago sa akin. You're not good in lying, Charlie. Tandaan mo yan," he said nang nakakunot ang noo.

Bumagsak ang balikat ko at nagawa kong mapabuntong hininga.

"I know something is happening. Hindi ko sinasabi sayo na aware ako just to stop you from thinking pero kung ganito na I need to know."

Kumapit ako sa braso nya at pinisil ito para patigilin siya sa pagsasalita.

"Aray!" He exclaimed.

Black Vs. RedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora