CHAPTER 4

34 5 0
                                    


CHAPTER 4.


"Loey, ikaw na muna ang bahala dito. A-Attend muna ako ng meeting," sabi ni Mr. Gatchillian kay Loey bago ito lumabas ng opisina nila.

"Yes Sir."

Nag-unat-unat si Loey pagkatapos ng ginagawa niyang report. Napapapikit pa siya kasabay ng pagtunog-tunog ng kanyang mga buto. At nang magmulat halos atakihin sa puso nang makita niyang nasa gilid na niya si Ped.

"What the?!"

"Hey you...."

Kumunot ang noo niya. "What?"

Nakangiti lang si Ped. "Hey you..." Pag-uulit sa sinabi nito kanina.

"Ano nga?"

Bigla itong tumawa. "Wala man. Battery did. Memory lus."

"Ha? What are you saying?"

"'Yon nga Ma'am! Nakalimutan ko dapat 'yong sasabihin ko. Kasi kayo, e..."

"Ako?" Tinuro niya ang sarili. "Kasalanan ko pa? Malay-malay ko sa sasabihin mo?"

Tumango si Ped. "Yes Ma'am. Kasalanan mo..."

"What the hell did I do?" Nakukunsyume na naman niyang tanong.

"Yung mukha niyo kasi Ma'am..." Tipid na ngumiti si Ped.

"Ano'ng meron sa mukha ko?!"

"Mukha ng mapapangasawa ko," saka ito mabilis na tumalikod palapit sa pinto. Napatanga lang si Loey habang nakatingin na sa likuran nito. "I excuse myself! English 'yon Ma'am, inaral ko pa nang tatlong araw. Don't bader to call my name because I will not be der." Saka na ito tuluyang nakalabas ng opisina na hudyat ng malakas na pagtawa ng mga katrabaho nila.

"Laughtrip na laughtrip!" tawang-tawa sina Krystine at Kervin pati na rin ang ibang mga kasama nila roon.

"Close na kasi kayo Lo, kaya bumabanat na!" panggatong ni Krystine.

"Sagutin mo na Loey, para laughtrip everyday!" Natatawang komento ni Kervin.

"Mga sira!" pagsuway niya sa mga ito saka umiling-iling. "Gagawin niyo pa akong entertainment." Naglukot na ang mukha nito.

Tila nagkasundo-sundo muli ang mga kaopisina niya hindi lang sa pagtawa kun'di na rin sa pang-aasar. "Pikon. Talo!"

Hindi niya na lang pinansin ang mga mayamayang pag-aasar ng mga ito at itinuloy na lang ang ginagawang report. Ang report na magpapatunay yata ng forever dahil hindi matapos-tapos.

Mayamaya ay sunod-sunod ang mga taong nagpupunta sa opisina nila. Mga taong nagrereklamo tungkol sa mga masusungit na sekyu, nars o 'di kaya pati mga doktor. Isama na rin ang ibang mga empleyado ng ospital na feeling menopause na yata dahil tila nangbubuga ng apoy sa sobrang sungit.

Habang busy ang lane ng customer service. Mas lalong naging abala rin si Loey. Bukod sa paggawa at pagcompile ng report, tumatanggap din siya ng mga ipinapadalang dokumento na para kay Mr. Gatchillian.

"Loey, wala si Sir Gat?" Tanong sa kanya ni Helena, 'yong taga Human resource department.

Hininto ni Loey pagtatype sa kanyang desktop computer. "Wala. May meeting siya. Bakit?"

"Magpapaservice sana kami. Do'n lang sa warehouse, kukunin na namin 'yong ibang computers."

Napatango si Loey. "Ano'ng oras po ba?"

"Ngayon na sana kung may available na sasakyan."

Lumikot ang mata ni Loey. Hinanap ang mga available na drivers. Nang makitang naka-upo sina Jojo at Leejay ay tinawag niya ang isa sa mga ito.

Loey & PedWhere stories live. Discover now