Chapter 1

22.2K 141 2
                                    

I was staring in the mirror looking for encouragement before going to school. Ito ang simula ng araw ko sa eskwelahan at talaga namang kinakabahan ako sa mga panibagong tao na makakasalamuha. Bigla ko tuloy namiss ang mga kaibigan ko na palagi kong kasama pumasok at nagpapalakas ng loob ko kapag dumadating 'yung point na kinakabahan ako. "Hayyy!!!" Buntong hininga ko habang inaayos ang aking buhok. Last touch and tada!! Ang ganda mo na at sabay ngiti sa salamin.

"Alex! Halika na at kain na tayo baka ma-late ka pa sa pasok mo" sigaw ni Papa habang ako'y nagpapacute sa salamin.

Nagulat ako sa sigaw ni Papa at dali-daling inayos ang sarili. Bumalik ako sa katinuhan at naalala na si Papa na pala ang kasama ko sa bahay.

"Ano ba 'to? Ang hirap naman magpaka-lalaki! Ate, tulongan mo ako." Sa sarili habang inaayos na ang bag ko para pumasok.

"Wait, Pa!" sagot ko habang nilalagay ang mga gamit na kakailanganin sa unang araw ng pasok.

Bumaba ako at nakita kong handa na pala ang pagkain namin at si Papa ay nakaupo na at may kausap sa kanyang cellphone. "Ok, just let me know! Baka ma-late ako pumasok kasi kailangan ko pang ihatid 'tong anak ko sa Mapua.... Thanks, bye!! Sabi nito sa kanyang kausap.

"Kain na tayo anak!" ni Papa

Ngumiti ako sabay kuha ng kanin at hotdog na niluto ni Papa para sa aming breakfast.

"Alex, ready ka na ba sa bagong araw mo sa iyong new school?" ni Papa.

"Kinakabahan nga ako Papa eh!" ko at pilit na ngumiti.

"Sa simula lang 'yan at tiyak kong masasanay ka din." sagot naman nito.

Siya pala si Engr. Raymond Villanueva, matangkad, moreno at makisig. Di halata sa edad nyang 45 dahil sa hilig nito sa pagtakbo araw-araw or pagbubuhat. Katamtaman lang din ang katawan. Siya ay kasalukuyan nagta-trabaho sa Megaworld at halos 16 years na din ito sa kompanya kaya mataas na din ang posisyon nito. Isa sya sa mga pioneer kaya naman malaki na ang naging contributions nito sa kompanya. Siya pala ang nag-inpluwensya sakin para kumuha ng Civil Engineering.

"May potensyal ka 'nak at nakita ko naman ang mga naging grades mo sa Math simula pa noong nagaaral ka." dagdag pa nito

Hindi din naman kami nagtagal kumain at umalis na nga kami ng bahay papunta sa school. Dahil bago lang sa Manila, kinakailangan muna nya akong ihatid. Limang araw na rin pala ang nakalipas ng kinuha na ako ni Papa dito sa Manila mula sa Ilocos. Simula kasi nung namatay na si Lola at si Ate Pat naman ay kinailangan na rin nyang mangibang bansa para sundan si Mama at isa ko pang Ate sa UK para doon ipagpatuloy ang kanilang career as nurse, kaya napilitan na akong sumama kay Papa sa Manila. Hindi naman nagkulang sa amin si Papa kasi umuuwi parin naman ito sa probinsya every month kahit na alam kong hiwalay na sila ni Mama. Samantala, si Mama ay continues parin naman ang pagpapadala sa amin ng pera kahit na di na sila ni Papa. Katunayan ay tumatawag padin sa amin 'pag may time siya at pinagsasabihan padin kaming dalawa ni Ate Pat sa tuwing may mga problema kami. Ganoon ang naging set-up ng pamilya namin. Almost perfect na sana kasi yung dalawa kong Ate ay registered Nurse na at ako naman ay papasok na sa college pero ganun talaga ang laro ng buhay.

Nakakalungkot isipin na marami ng magbabago sa'kin ngayon dahil iba na ang magiging mundo ko dito sa Manila compared sa nakasanayan ko na sa probinsya. Tanging si Ate Pat na kapatid ko, Pao at Jen, na aking mga kaibigan ang naging karamay ko sa lahat ng problema ko at nakakaalam ng mga lihim ko sa buhay.

Si Pao o Paolo Gonzalez ang naging kalaro ko simula nung bata pa kami at naging schoolmate nadin nung kami'y nag-aaral sa probinsya. May lihim akong paghanga kay Pao dahil sa taglay nitong talino at kagwapohan. 'Di ganon katangkaran, moreno, may matangos na ilong at manipis na labi itong si Pao. Sobrang bait din nito na tila sya ang naging hero ko kapag natatakot ako o naduduwag. Alam nya na malambot ako at 'di naman nabago ang pagtingin nito. Nadagdagan kami ng kaibigan simula nung mag-aral kami ni Pao sa Ilocos Norte High School. Dito namin nakilala si Jennifer Agpaoa. Maliit at maganda si Jen. May pagkamadaldal din kaya mas lalo kaming naging close nito. We share the same interest in life at alam kong crush din nya si Pao. Matalino kasi silang dalawa at ako naman ay average lamang na tanging sa Math lang lumalamang.

"Guys, mamimiss ko kayong dalawa!" ni Jen.

"OA mo naman Jen!" ko at yakap-yakap silang dalawa.

"Magkikita parin naman tayo. Pupunta lang kami ng Manila para doon mag-aral." ni Pao at bumitaw na ito sa pagyakap.

"Ikaw naman jan Alex, siguraduhin mo lang na pag-aaral ang atupagin mo ha at hindi yung paglalandi!" nito sabay tapik sa aking likod.

Nagpout lang ako sa kanya at 'di ko naman alam ang isasagot ko dahil di naman ako maghahanap doon kasi siya lang naman ang mahal ko sabi ko na lang sa sarili.

"Ikaw naman Jen, alam kong kaya mo yan at naniniwala ako sa'yo. Basta kung may problema ka, magtxt ka lang samin ha!" Paninigurado ni Pao kay Jen.

Tumango lang ito at ngumiti. Si Pao kasi ang nagsisilbing kuya namin pagdating sa mga ganitong sitwasyon. Mas marami kasi syang karanasan dahil halos igapang din nya ang kanyang sarili sa pag-aaral. Ang tatay nya ay isang karpintero at ang nanay naman nya sa bahay lamang. May dalawa din syang kapatid na nasa high school pa lamang. Kaya sya ang pinaka-matibay sa aming tatlo. Si Pao ay mag-aaral din sa manila sa PUP dahil doon sya nakakuha ng Accountacy at nakapasa sa kanyang entrance exam at bilang isang schoolar sa nasabing school. Samantala, si Jen naman ay magpapatuloy sa MMSU Batac para doon naman kumuha ng BS Nursing.

"Huwag mo akong ahasin jan Alex kay Pao ha at sabihin mo sa akin kong nagloloko na yan para alam ko kung sasagutin ko pa ba sya?" bulong ni Jen habang tumatawa.

Alam ko kasi nanliligaw na ito kay Jen. Masakit pero tatangapin ko na lamang dahil mahal ko din si Jen at tiyak ko naman na di rin magkakagusto itong si Pao sa'kin dahil alam kong straight ito.

"Titignan ko!" biro ko naman kay Jen. At kami nga'y nagtawanan na habang si Pao ay halos napa-kunot ng noo at mabaliw na dahil wala itong ideya na siya ang topic namin ni Jen.

Nagising ako ng may tumatapik sa akin. Nagulat ako ng pagbukas ko ng maya ko ay nasa school na pala kami ni Papa.

"Pa, asan tayo?" Bungad ko habang naguunat. Napasarap yata ang tulog ko. Anong oras na ba? Bulong ko sa sarili at tinignan ang aking relo. OMG! 'Diko namalayan 9 na pala. Nadala kasi ako sa haba ng traffic sa Espanya.

"Nak nasa school na tayo. Gising ka na jan." Sabi nito at binuksan ang kanyang bag para ibigay sa akin ang box ng cellphone.

"Gamitin mo pala ito kung may mga kailangan kang malaman at kung magkaroon ka ng problema. Naka-save na jan ang number ko. Check mo na lang. Basta, alam ko kaya mo yan. Sabihin mo sa mga Prof. mo na ako ang Papa mo!" pagmamalaki nito sabay ngiti.

"Salamat Pa ha!" Ngiti ko na lamang sa kanya.

"At, hintayin mo na lang ako mamaya ha or kung gusto mo naman jan mo na lang ako hintayin sa building na 'yan." ni Papa at tinuro ang building kung saan ko sya pwedeng hintayin.

"Ok po Pa. Ingat po kayo!" ko at sabay sara ng pintuan ng kotse.

"Hayyy!!!!" Buntong hininga ko. Buti na lang at nakatulog ako. 'Di kasi ako sanay na naguusap kami ni Papa kasi ilang ako sa kanya baka malaman pa niya na bakla ang kanyang anak. Alam ko naman na 'di ganon kasama si Papa sa mga bakla pero syempre malaki ang expectation nya sa akin at alam ko na ako ang inaasahan nya na magtatayo ng bandera ng mga Villanueva. "Deadma!" ko na lang sarili.

LIHIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon