Chapter 4

14.9K 125 19
                                    

Nagulat ako nang makita ko si Tito Francis ang magiging guro namin sa PE. Hindi man lang naikwento ni Papa na nagtuturo pala ito sa Mapua. At ang nakakainis, nagsama-sama naman kami kaninang umaga pero wala man lang silang nabanggit. "Nakaka-asar talaga si Papa!" Ang binubulong ko sa sarili habang pinagmamasdan si Tito Francis na nagsisimula ng magpakilala sa aming mga estudyante.

"Hello, everyone! Ako nga pala si Francisco Dante at ako ang magiging instructor ninyo sa PE. Ngayong semester na 'to, pag-aaralan natin ang iba't-ibang uri ng physical activities at sa mga susunod na araw ay pwede na nating simulan ang Tae Bo."

Mapapansin na ang karamihan sa mga classmate kong babae at mga binabae ay tila kinikilig kay Tito Francis. Mga nasa early 40's na siguro si Tito Francis pero kahit sa ganoong edad n'ya ay napaka-kisig parin nito. Malinis sa pangangatawan at alagang alaga sa gym.

"Bago tayo magsimula, magpakilala muna kayong lahat at sisimulan natin sa likod."

Nauna akong magpakilala hanggang sa natapos kaming lahat. Nabigla ako ng tinawag ako ulit ni Tito Francis.

"Ahhh ehh Ti... Sir Dante?"

"Ikaw ang inaatasan ko kasama ng mga katabi mo ang magiging kanang kamay ko. Para kung may mga activities na kailangan kong ipaalam ahead of time, kayo ang unang makaka-alam para ipaalam din sa mga classmates ninyo. I will get all your contact numbers para matawagan or matext ko kayo. Don't worry kasi at the end of this semester, I will give you a reward. Okay lang ba sa inyo?"

"Ayos lang po, Sir!"

So kami nga nina Arvin kasama si Brenda, ang babaeng kausap ko bago magsimula ang aming klase, ang inatasan ni Tito Francis na kanyang magiging secretary. Maaga kaming pinauwi ni Tito Francis pero pinaiwan muna kaming tatlo para sa isang short meeting. Kinuha n'ya ang aming contact numbers at binigyan n'ya lahat kami ng listahan ng kanyang estudyante. Palabas na kami ng Gym nang tawagin ako ulit ni Tito Francis.

"Yes, sir?"

"Iho, may subjects ka pa ba na papasukin? Pa-uwi na ako, sabay na tayo!"

"Sir, may pupuntahan pa kasi kami ni Arvin. Salamat na lang po!"

Tumango na lang si Tito Francis at sumabay na sa amin lumabas ng Gym. Gusto ko sanang sumabay para maka-kwentuhan ko ito pero nahihiya pa ako kay Tito Francis. Kaya nagdahilan na lang ako na may pupuntahan pa kaming tatlo. Eksakto at nagyaya si Brenda na kumain daw muna kami at may masarap na turo-turo sa tabi ng school. Hindi na sumabay sa amin si Arvin dahil nagmamadali ito at tatawag daw ang kanyang nanay.

"Mauna na ako sa inyo. Enjoy!"

Samantala, patuloy naman kami sa paglalakad ni Brenda.

"Saan ba 'yang turo-turo na 'yan?" Tanong ko kay Brenda.

"Konting lakad lang dito 'yun. Ayan na! Ako na ang nagsasabi sa'yo friend masarap talaga dito. Paniguradong hindi ka magsisisi."

"Talaga lang ha! Matikman nga."

Umorder nga kami ni Brenda ng kanilang specialty. Siya naman ang naging punong abala sa pagbibigay ng mga orders dahil s'ya ang madalas kumain dito. Habang hinihintay namin ang aming order, inilibot ko ang aking mga mata. Kakaiba talaga dito sa Manila - maingay, maraming mga tao, sasakyan at naglalakihang mga establishments salungat sa aming probinsya. Napukaw ang attensyon ko nang biglang magtanong si Brenda.

LIHIMWhere stories live. Discover now