Chapter 38

253 6 1
                                    

"Girl, tama na. Kawawa naman ang hotdog." Sabi ni Vina. Kanina ko pa tinutusok-tusok ang hotdog na kinakain namin dito sa canteen ng opisina. Kainis lang! Kung makangisi siya kanina akala mo close kayo. Kung magpakita siya kanina sa harap ko parang hindi niya lang ako iniwan 2 years ago!

"Kainis siya eh!" Sabi ko.

Tumawa naman si Vina. "'Wag ka ngang affected! Halata masyado eh!" Sabi nito. Inirapan ko naman siya.

"Girl! Ang hot hot ng bago nating CEO! Shit! Magaganahan ako lalo nito pumasok eh!" I heard girls shrieked beside us. Umirap naman ako.

Hindi ika-lalaki ng isang lalaki ang pag-iwan ng babae. Period.

"Oo nga! Shit lang! Ang kamay niya! Ang kamay niya ang lambot!" Sabi naman ng isa. Tumaas naman ang kilay ko. Pinakilala na siya sa lahat ng empleyado?

"At single pa siya!" Sabi naman ng isa at nag tilian silang tatlo.

Single may ass. Hello girls! May Kat Diaz 'yan na hindi  kayang iwan!

***

Halos ganoon ang lamang ng usapan kahit noong Monday na pumasok ako.

Lahat ng empleyado na under sa akin ganoon rin ang pinag-uusapan. Kaninang umaga hanggang ngayong hapon ganoon lang.

"Paano ka matatapos sa gawain mo niyang Juliet kung tili ka lang diyan ng tili kay Sir Estrada?" Naiirita kong sabi. Nalaglag naman ang panga niya sa tanong ko.

Shit! Ako na ang bitter.

"PMS na naman si Ma'am... Siya lang ang hindi kinikilig kay Sir eh." I heard  one of them said. Napairap na lang ako.

Nakikita nila akong i-strikto kapag working hours.

Napadungaw naman ako sa kanila ng nag tilian sila lahat. Nalaglag naman ang panga ko sa nakita ko kung si sino ang nasa department namin.

"Sir Huxley, magandang hapon po!"

"Sir! Coffee po?"

"Sir, ang gwapo gwapo niyo po!"

Tangina ang lalandi. Kung girlfriend lang ako ni Huxley napang sabunotan ko na sila! Kaso hindi, ex na lang ako.

"Can I date your Department Head for a while?" What the? Umakyat naman ang dugo sa mukha ko.

"DATE!!?" Halos sigawan nila. Tumayo naman ako at malakas na nilagay ang mga folders sa gilid at napatingin sila sa akin.

"TAKE sabi niya, hindi DATE." Inis kong sabi.

Ba't ba ako naiirita kay Huxley? Ah! Dahil siguro sa iniwan niya ako at sa mga walang kwenta niyang pangako?

Yes, I got trust issues.

"Hey Ms.Grumpy." Tawag niya sa akin ng nalakabas ako.

"Ano PO ang kailangan niyo Sir?" Baling ko.

He smiled. "Meeting tayong dalawa."

"Gago. Meeting ka mag-isa mo." Sabi ko at inirapan siya.

Naiinis lang talaga ako! Naiinis TALAGA AKO!

Ilang araw ang nagdaan at ganoon si Huxley. Hindi ko alam kung ano na naman ang trip niya sa buhay at nilalandi ako. Parang katulad lang noong college. Yung papansin na Huxley.

"Hi K!" Bati ni Vina sa akin ng bumaba ako sa department niya. Binati naman ako iba, ngumiti naman ako sa kanila.

"Lunch tayo Vin." Aya ko.

"Tara lunch tayo Kaelyn." Natigil naman ako sa boses na narinig ko. Nagtilian naman ang mga babae dito.

Hindi ko naman pinansin si Huxley at naglakad palapit kay Vina.

Broken HeartsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant